CHAPTER 9 (ANG PAGTAKAS)
LENA'S POV:
I'm still alive. Hindi ako pinatay. Ngunit ang kapalit ng aking pagiging buhay ay napakahirap.
Akala ko isang simpleng katulong lang ang gustong mangyari ng Ginang. Pero may kaakibat pa pala ito.
Kailangan kong pa-ibigin si Drake. Kailangan na mahalin niya ako at umibig siya sa akin.
Sa pamamagitan daw kasi ng pagiging katulong ko, magkakaroon ako ng oras para kay Drake — iyon daw mismo ang magagamit ko para simulan ang aking plano na kunin ang loob ng binata.
Hindi ko alam kung magagawa ko ito. Sa pagkakaalam ko, masyado siyang patay na patay kay Sarah. At hindi lang 'yan, malapit nang bumalik ang dalaga. Ilang araw na lang at magkikita na silang dalawa.
Lutang akong bumalik sa kwarto at minasdan ang mukha ng lalaking lolokohin ko.
Sabi ng Ginang, huwag ko raw sabihin sa iba ang plano naming dalawa tungkol sa pagpapa-ibig na gagawin ko. Dahil kapag sinabi ko ito, tutuluyan niyang iligpit ako. Kaya wala akong choice kundi ang itikom ang aking bibig.
Gustuhin ko mang umamin kay Drake, hindi ko magawa dahil ako naman ang malalagot sa nanay niya.
"Oh? Buhay ka pa?" gulat na tanong nito nang magising siya.
"Ay hindi. Kaluluwa ko lang 'to at nagpaparamdam na ako sa iyo," pilosopang saad ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti dahil sa tinugon ko.
"Kung gayon, may third eye na pala ako," parang batang wika ng lalaki.
"Tsk. Tanga," sambit ko na lamang at tumabi sa kanya.
Naging seryoso na ulit ang mukha ni Drake at tila'y nagtataka siya kung bakit humihinga pa ako.
"Ano bang pinag-usapan niyo ni Mom? Bakit hindi ka niya pinatay? May ginawa ba siya sa iyo?" sunod-sunod nitong tanong habang sinusuri ang aking braso kung may mga pasa ba.
"Ano ba. Huwag kang OA. Nag-usap lang kami ng nanay mo," usal ko naman.
"Tungkol saan?" ani niya.
"Huwag ako ang tanungin mo... Siya na lang," sagot ko na lamang. Mas mabuting sa bibig ng ina niya manggaling ang sagot na magiging maid niya ako. Mahirap na, baka kung saan pa mapunta ang mga salita ko. Ayoko namang lumagpas ang sagot ko dahil tiyak na hindi ko mapipigilan ang aking dila at masabi ko pa ng wala sa oras ang tungkol sa pagpapa-ibig na gagawin ko sa kanya.
Tumayo naman ito, at ganon na lamang ang gulat ko nang hawakan niya ang aking kamay.
"Hindi ka niya pinatay, so ibig sabihin niyan, malaya ka na... Tara na, at ilalabas na kita rito," wika nito sa akin.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa kamay niya.
"Hindi ako aalis, Drake. Dahil may misyon pa akong tatapusin sa mansyon na ito," pilit na ngiting sabi ko. Bakas sa mukha niya ang pagkalito sa sinabi ko. Kaya tumayo na rin ako, at ako na mismo ang umaya sa kanya na lumabas para mag-almusal.
Nadatnan namin sa hapag-kainan ang kanyang ina at kapatid na masayang nagkukuwentuhan.
"Oh, Son, Lena, good morning. Come here and join us. Kumain na tayo ng sabay-sabay," ayang sambit ng ina ni Drake.
"What do you want?" 'Yan agad ang tanong ni Drake nang makalapit kami sa kanila.
"Ano bang tanong 'yan, Son? Kay aga-aga, naiinis ka na naman... Tingnan mo ang noo mo, nangungulubot," ani ng Ginang.
"I know you, mom... Kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na." walang respeto na saad ng binata.
"Drake,ano ba! Tumigil ka nga sa ugali mong 'yan! Galangin mo naman si Mama! Napapadalas na yata ang pagsasagot mo sa kanya!" saway naman ni Ate Bea rito.
"Okay lang, Bea. Nasasanay na rin naman ako sa kapatid mo. So, it's alright. — Ang totoo niyan, may sasabihin naman talaga ako sa inyo. Lalo na sa'yo, Bea. I know, you're excited about your brother's wedding, but sad to say, I already cancelled it. Kaya wala nang kasal pa na magaganap sa pagitan nila Lena at Drake," mahabang litanya nito.
"What?! — But why mom? Lena is pregnant! Hindi ba't nakakahiya sa pamilya natin kung hindi siya pakakasalan ni Drake?" gulat na bigkas ng dalaga.
"She's not pregnant, Bea. She lied to us," usal nito.
"Ano bang pinagsasabi mo, Mom?" muling tanong nito.
"Niloko tayo ni Lena, pinaniwala niya tayong buntis siya... Pero Bea, wala kang dapat na ikagalit dahil napag-usapan na naming dalawa ni Lena ang tungkol dyan. At bilang kaparusahan, magiging katulong siya ng kapatid mo," paliwanag ng ina ni Drake.
"Damn it! I got fooled by you?! — Tuwang-tuwa pa naman ako nang malaman kong buntis ka, but it was all a lie? — How dare you, Lena." galit na sabi ni Ate Bea sa akin kasabay nang kanyang pagwalk-out.
Napayuko na lamang ako dahil alam kong kasalanan ko ang lahat.
"Huwag mo nang alalahanin si Bea, Lena. Lilipas din ang galit niya sa iyo. Pero sa ngayon, just do your job," wika nito sa akin.
"Hindi ko kailangan ng katulong, Mom. Are you out of your mind? — Malaki na ako. At kaya ko na ang sarili ko. Hayaan na lang natin si Lena na mabuhay ng malaya," inis na sabi ni Drake.
Walang alinlangan niya akong hinila at kinalakad palabas.
"Aray ko naman, Drake! Ano ba! Dahan-dahan naman," hingal na sigaw ko sa kanya.
Ang bilis niya kasing tumakbo. At sa puntong ito, nasa labas na nga kami ng mansion at nagawa naming lusutan ang mga bodyguards.
Sa paglabas namin ay agad siyang kumaway para makasakay ako ng taxi.
"Here," abot nito sa akin ng isang libo.
"Sumakay ka na. At umuwi ka na sa inyo," patuloy na sabi niya. Hindi ko alam, ngunit bigla akong nalungkot sa sinabi ng binata.
"Bilisan mo na. Umalis ka na, baka maabutan ka pa ng mga tauhan ni Mama," wika nito.
Siya na mismo ang kumuha ng kamay ko para kunin ang pera sa kanya. Wala na nga akong nasabi pa at sinunod ko na lamang ang gusto ni Drake. Sumakay na nga ako ng taxi. At habang paalis na ang taxi, abot-tingin ko na lamang ang lalaki.
Siguro nga't ito na ang huling pagkikita naming dalawa.
Pero bakit ganon? Bakit parang nalulungkot ako? Bakit parang may umuudyok sa damdamin ko na 'wag akong umalis? Bakit parang gusto ng puso ko na doon na lang ako sa mansion at manatiling kasama si Drake?
Hays. Ano bang nangyayari sa akin?