CHAPTER 8 (MAY KAPALIT)

1423 Words
CHAPTER 8 LENA'S POV: Hindi naman ako mapakali ngayong gabi habang nakahiga ako sa kama, katabi si Drake. Sa ilang araw na narito ako sa kanila, masyado nang magulo ang isip at utak ko. Tila may kung anong tumutulak sa akin para tuklasin kung ano talaga ang mayroon sa kanilang pamilya. Napabangon ako ng wala sa oras dahil gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin. Masyado na akong nai-stress kaya hindi na ako dinadalaw ng antok. Tiningnan ko muna si Drake habang mahimbing siyang natutulog bago ako lumabas ng kwarto. Dahan-dahan ko namang itinahak ang hardin nila. Mahina ang bawat paghakbang ko para wala akong may maistorbong tao. Ngunit bigla akong napatigil nang marinig ko ang boses ng ina ni Drake habang may kausap sa telepono. Kaya ang ginawa ko, sumandal ako sa dingding para hindi niya ako makita. "Naimbestigahan mo na ba?" tanong nito sa kausap niya sa telepono. Sa una, hindi ko naintindihan ang pinag-uusapan nila. Pero habang tumatagal, may kutob ako na kilala ko kung sino ang pinaiimbestigahan nila. "What? — Are you saying na hindi buntis si Lena?" Dahil sa binitawang kataga, parang nanigas ako sa aking kinatatayuan. So ako nga?! Ako nga ang pinag-uusapan nila! Ibig sabihin, alam na nila ang tungkol sa pagsisinungaling ko? Pota! Lagot ako! Katapusan na ba ng buhay ko bukas? Nakaramdam agad ako ng takot kaya bahagyang nanginig ang aking katawan. Nagmadali tuloy akong bumalik sa kwarto habang hawak ko ang aking dibdib dahil sa hingal. "Drake. Drake. Gising," pag-alog ko sa lalaking natutulog sa kama. "Ohh? Ano bang problema mo?" inis nitong tanong habang kinukusot ang kaliwang mata. "T-tulungan mo ako, please. Kailangan ko ng umalis dito. Kailangan ko ng makalabas ng mansion niyo. Alam na nila. Alam na ng Mom mo ang pagsisinungaling ko," natatakot na sagot ko. "Tsk." 'Yan na lamang ang tanging lumabas sa bibig niya. "Drake naman, oh. Kailangan talaga kita ngayon. Nangako ka sa akin na tutulungan mo akong makatakas, diba?" ani ko rito kaya wala siyang nagawa kundi ang pumayag. "s**t. Istorbo ka sa tulog ko, Lena. Tangina," malutong na mura nito at biglang tumayo. "—Kunin mo 'yong jacket ko at isuot mo na. Bilis!" utos niya sa akin habang tinuturo kung nasaan ang jacket. Agad ko naman itong kinuha at walang paligoy-ligoy na sinuot. Handa na sana kaming lumabas, ngunit pagbukas pa lang ni Drake ng pinto, nandoon ang kanyang ina na nakatayo at nakataas ang kilay. "At saan kayo pupunta?" bungad na tanong nito sa amin. Para siyang may sungay sa ulo ngayon. "Hindi maayos ang pakiramdam ni Lena, Mom. Kaya dadalhin ko siya sa ospital para magamot agad," sagot naman ni Drake. "Hindi. Hindi kayo aalis at walang aalis. Kung masama ang pakiramdam niya, tatawag ako ng doktor na pupunta rito para malaman ko talaga ang totoo," mariing sabi nito. "W-what are you talking about, Mom?" kunwaring walang alam na tanong ni Drake rito. "Alam mo kung ano ang pinagsasabi ko, Son. Kaya 'wag ka nang magkaila pa. Huwag mo na ring subukan na pagtakpan ang babaeng 'yan. — At ikaw, Lena, gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo ngayon. Buntis ka ba talaga o hindi?! Sagot!" sigaw na tanong ng Ginang sa akin. Napalunok ako ng laway dahil sa takot na umaapaw sa akin ngayon. "Pasensya na po. P-pero hindi po talaga ako buntis. Ang totoo niyan, matagal ko nang gustong umamin sa inyo, kaso natatakot po talaga ako," wika ko rito habang mangiyak-ngiyak ang aking mga mata. "So, pinagloloko mo lang kami? — Pinaikot mo kami sa kasinungalingan mo?" giit na bigkas niya. "H-hindi ko po talaga intensyon na magsinungaling sa inyo. Naipit na lang po ako dahil natakot po ako sa pagbabanta niyo kaya—" I was about to explain, pero biglang sumingit ang binata. Kaya hindi ko na natapos pa ang pagpapaliwanag. "Matagal ko nang sinabi na hindi ko talaga kilala etong si Lena. Pero si ate, masyadong mapilit. Pinipilit niyang panagutan ko si Lena, kahit wala namang nangyari sa amin. Kaya simula pa lang, sinabi ko na agad sa inyo ang totoo, kaso ayaw niyong maniwala sa akin," wika ni Drake. "Dahil ang akala ko, nagsasabi siya ng totoo! — Pero teka nga, bakit mo ba siya kinakampihan ngayon?" "Dahil ayokong may gawin kang masama sa kanya, ma. Kilala ko ang pagkatao mo. Ikaw na rin mismo ang nagsabi na kapag nagsinungaling siya, you will kill her, remember?" "—Kaya ngayon, hayaan mo na siyang lumabas ng mansion. Tapos ang usapan," wika nito na tila ba hindi natatakot. Kaso ganon na lamang ang gulat ko nang malakas itong tumawa. "At sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na lumabas ang babaeng ito nang walang parusa? — Hindi ako papayag na palayain agad siya nang gano'n kadali," sambit ng Ginang. "f**k, Mom. Hayaan mo na si Lena... Ngayong nalaman mo namang hindi siya buntis wala nang dahilan para manatili pa siya rito. At wala na ring kasal na magaganap pa," turan ng lalaki. "Yes, Son. I will cancel your wedding. Pero ang pakawalan siya? I don't think so," wika ng ina kay Drake. "— Bukas na bukas, mag-usap tayo, Lena," sambit nito bago tumalikod. "Bantayan niyo ang babaeng ito nang maigi!" sigaw na bilin niya sa mga guwardiya. Arrrggh! Mababaliw na ako rito! Paulit-ulit akong nagdarasal ngayon. Hindi na rin ako makatulog dahil iniisip ko na agad ang maaaring mangyari sa akin bukas. "Diyos ko. Tulungan niyo naman ako. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay. Please, parang awa niyo na ho," pakiusap na dasal ko. "Tsk. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman," inis na sambit ng binata sa akin. "Paano ako makakatulog? Kung alam kong mamamatay na ako bukas!" sigaw na tugon ko naman sa kanya. Pero ganon na lamang ang gulat ko nang umupo siya kasabay ng paglapit ng kanyang mukha sa akin. "Sa tingin mo ba, hahayaan kitang mamatay?" wika ni Drake na ikinatigil ko naman. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ibig sabihin ba nito, handa siyang tulungan ako? Ibig sabihin ba nito, concern siya sa kalagayan ko? Bahagya na sana akong ngingiti kaso bigla itong tumawa ng malakas. "Syempre, oo. Kasalanan mo 'yan. Kaya kung mamatay ka man, ipalilibing na lang kita. Ako na rin ang bahala sa kape," natatawang sabi nito. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o hindi! Bwisit! "Bwisit ka talaga! Walang puso!" gigil na turan ko at inis akong humiga sa kama. Bahala na, kung anong mangyari sa akin bukas. MABILIS namang lumipas ang oras, kaya sa madaling salita, panibagong araw na naman. Ang huling araw ko rito sa mundo. Ayoko pa sanang bumangon, kaso no choice ako nang makita ko ang limang guwardiya na nakatayo sa harapan ng kama namin ni Drake. "Tumayo ka na at kanina pa naghihintay sa iyo si Madam," sambit ng isang guard sa akin. Tiningnan ko naman sa gilid si Drake, at ano pa nga ba ang inaasahan ko? Tulog ang loko! "Bilisan mo na," sambit ng malaking guwardiya. Awtomatikong tumayo ako at sumama na sa kanila. Talagang binabantayan nila ako nang maigi para hindi ako makatakas. Pumasok na ako sa tinutukoy nilang kwarto. At doon nakita ko ang nakatayong ina ni Drake habang umiinom yata ng tsaa. "Umupo ka, Lena," kalmadong sabi ng Ginang. Umupo naman ako at tiningnan siya. "Ano bang gusto mong pag-usapan natin? Kung papatayin mo ako ngayon, gawin mo na," matapang na sabi ko, kahit ang totoo, natatakot na talaga ako. Ilang segundo bago siya sumagot. "Nagbago na ang isip ko." Parang nabuhayan ang aking dugo dahil sa tinugon nito sa akin. "Hindi na kita papatayin. Pero may kapalit," ani niya. "Ano pong kapalit, Ma'am? — Pangako, kahit ano pa 'yan, handa ko pa 'yan na gawin," saad ko naman. "Well, I want you to be a maid for my son," diretsang pahayag nito. "Katulong lang po pala.. Sige po, tatanggapin ko po 'yan Ma'am. At huwag po kayong mag-alala, kahit habang buhay na akong maging katulong ng anak niyo, gagawin ko," masayang wika ko habang hinahawakan ko ang kamay ng Ginang. "Huwag ka agad magpasalamat dahil hindi ka lang basta katulong ng anak ko," she said again. "H-ho? Ano pong ibig ninyong sabihin?" takang tanong ko sa kanya. "I will be straight to the point, Lena. Gusto kong kunin mo ang loob ng anak ko. — Sa madaling salita, pa-ibigin mo siya. Gusto kong mabaling sa iyo ang pagmamahal ng anak ko," muling saad niya. Sa binitawan nitong kataga, mukhang mahihirapan akong gawin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD