CHAPTER 7 (BAKIT NGA BA?)

1407 Words
CHAPTER 7 LENA'S POV: Nang makabalik si Drake mula sa banyo, nagsimula na kaming kumain lahat sa isang mahabang hapag-kainan. Marami akong natuklasan at nalaman tungkol sa lalaking ito dahil sa mga sinabi ng madre tungkol sa kanya. Aniya'y mabait, gentleman, magalang, mapagmahal, at higit sa lahat, may respeto siya. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Ngunit batay sa ipinapakita niya ngayong araw, alam kong bukal talaga sa loob ni Drake ang tumulong. Marami siyang nagawa at pinamahagi sa mga bata rito. Kaya labis ang pasasalamat ng mga mader sa binata. Natapos nga pala ang aming oras sa pakikipagkulitan sa mga cute na chikiting. Nakakatawa nga dahil si Drake ay nakipaglaro pa talaga. "Pasensya na, hija, napagod ka ba?" tanong sa akin ng isang madre nang tumabi ito habang umiinom ako ng mineral water. "M-medyo lang po, Mother. Ang bibilis kasi tumakbo ng mga bata," sagot ko na medyo hingal pa kung magsalita. Oo, nakipaghabulan rin ako sa mga bata para kahit papaano ay mapasaya ko sila. Hindi na kasi ako nakatanggi pa nang hilahin ako ni Drake para lang sumabay sa kanilang paglalaro. "Ganoon talaga ang mga iyan. Masyadong mabibilis kaya nag-aalala ako sa iyo, baka nakulitan ka na sa kanila." saad nito. "Naku, Mother, hindi po. Nakakatuwa nga silang kasama. Pakiramdam ko, nagkaroon ako ng mga pamangkin," sagot ko na nakangiti, habang ang aking mga mata ay nakatingin sa kinaroroonan ni Drake na nakikipag-basketbol sa mga batang lalaki. "Inlove ka na sa kanya, noh?" bigkas nito na may pagtutukso sa boses. Dahil sa tanong ni Mother, agad kong ibinaling ang aking tingin sa kanya. "H-ho? Hindi po, ah," depensang sagot ko. "Huwag mo nang ipagkaila. Halata sa mga mata mo kung paano mo siya tingnan." "Mother, hindi po. Hindi ako inlove sa kanya. Ano kasi—" "Alam kong may mahal na siyang iba, pero sa tingin ko mas bagay kayong dalawa," wika nito sa akin. "Mother naman, eh. Huwag ka pong magsabi ng ganyan... May mahal na po yung tao kaya nirerespeto ko po iyon," sabi ko na medyo naiilang. Ngunit nginitian lamang niya ako at hinaplos ang aking buhok. "Huwag kang mag-alala, hija, opinyon ko lang naman iyon," pahayag nito dahilan para hindi na humaba pa ang aming usapan. Hindi na rin kami tumagal dahil mag-gagabi na. Kaya umalis na kami ng bahay-ampunan. Nagpaalam na nga kami ni Drake sa mga madre at bata. Syempre, ang mga bata ay medyo nalungkot dahil nabitin sila sa paglalaro. Pero nangako si Drake na babalik siya Ayon nga lang, hindi na ako ang kasama niya sa pagbalik dito, kundi si Sarah. "Finally, andito na kayo!" bulalas ni Ate Bea nang makatapak kami sa mansyon. Nakauwi kaming dalawa, eksaktong alas sais ng gabi. "Saan ba kayo galing? Alam niyo bang kanina pa naghihintay itong designer? My Gosh! — At ikaw naman, Brother, ilang beses na kitang tinawagan pero hindi mo man lang sinasagot ang tawag ko," naiiritang sabi muli ni Ate Bea at binaling niya ang kanyang inis kay Drake. "Tsk. Sorry, naka-silent ang phone ko," tanging sambit ng binata. "Bobo," tanging bigkas na lamang nito. "Lena, come here. Maupo ka rito. At ikaw din, Son, maupo ka rin dito para masukatan na kayo at ma-suggest kayo ng design," tawag sa amin ng Ginang habang inaaya kami papalapit sa kanya. "Bakit ba kasi?" inis na turan ni Drake. Hay naku. Heto na naman siya. Medyo iba na naman ang ugali niya. Ang Drake na ito, pabago-bago. "Si Ynah ito, isa sa mga sikat na designer. At natutuwa akong siya ang pinili ng ate mo na magdisenyo ng damit ninyo sa kasal," pagpapakilala ng Ginang. Bigla namang kumabog ang dibdib ko. Tuloy na tuloy na ba talaga ang kasal namin? "Ahm—" ani ko kasabay ng aking pagkamot sa ulo. Nangunguna tuloy ang pagiging kabado ko kaya hindi ko magawang magsalita nang diretso. "May sasabihin ka ba, Lena?" "Ahh, kasi ano po—" Hindi ko natuloy ang gusto kong sabihin nang biglang sumigaw si Ate Bea. "OMG! Is this a wedding ring?" manghang sabi niya habang hawak-hawak ang singsing na binili ni Drake kanina. "Ate, ano ba! Ibalik mo nga 'yan sa akin! f**k!" galit na sigaw ni Drake habang pilit niyang kinukuha ito. "So, ito ba ang dahilan kung bakit kayo natagalan? — Ayiieeeh, pumapag-ibig ka na nga, Brother. Ang sweet mo naman pala. Para ba ito kay Lena?" tanong niya rito. Sasagot na sana ako nang "hindi", kaso si Drake na ang sumagot. "Oo. Para sa kanya nga," tugon ng binata. Hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla akong natigilan. Namumula ang pisngi ko ngayon dahil sa panunukso nila Ate Bea at ng ina ni Drake sa akin tungkol sa singsing na iyon. Tsk. Kung alam lang nila, para talaga iyon sa babaeng mahal ng lalaki at hindi sa akin. "Masaya ako para sa inyong dalawa, Son. Ilang araw na lang at magiging kapamilya na natin si Lena," ngiting sabi ng ina ni Drake. "Oo nga, Mom. Kung alam niyo lang, ako itong kinikilig sa kanilang dalawa. At saka, habang tumatagal, nagugustuhan ko na itong si Lena. Sigurado akong magkakasundo kaming dalawa," segunda naman ni Ate Bea. "Pagod kaming dalawa ni Lena. Marami kaming pinuntahan kanina, kaya siguro naman pwede na kaming magpahinga," sabi ni Drake sa harapan ng kanyang ina at kapatid. "Pero, Son, kahit konting minuto lang at kakausapin kayo ng designer," muling sabi ng Ginang. "Kayo na ang bahalang kumausap sa kanya... Kayo naman ang nagdedesisyon ng lahat, 'di ba?" ani ni Drake. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming tumungo sa kanyang kwarto. "Brother! Dahan-dahan lang, buntis si Lena!" rinig kong pahabol na sigaw ni Ate Bea sa amin. Hayys. Nakaramdam na naman ako ng konsensya dahil sa pag-aalala nila sa akin. "Ang weird mo, Drake." 'Yan ang tanging lumabas sa bibig ko nang nasa loob na kami ng kwarto. "Bakit sa harapan ng ate at nanay mo parang wala kang galang? — Kung sagutin mo sila at kausapin, para kang demonyo," inis na patuloy ko rito. "Shut up." "Shut-up? — Matapos kong makita ang dalawa mong pag-uugali, you want me to shup up? — Tapatin mo nga ako, ano ba talaga ang ugali mo? Napakabait ng pamilya mo, pero kung sumagot ka sa kanila, wala kang respeto. Alam mo, naniwala na sana ako na mabait ka kanina, kaso sa inasta mo ngayon, hindi ko alam kung—" Hindi ko na natuloy pa ang aking sinasabi nang sumigaw siya. "f**k! I said shut up! Will you?!" malutong na mura nito. "— Wala kang karapatan na husgahan ako! Hindi mo pa naman lubusang kilala si Mom at Ate, kaya huwag kang magsabi na parang kilala mo na agad sila," sabi niya muli sa akin at tumalikod para kumuha ng wine sa ref. Isinalin niya sa maliit na baso ang wine, kasabay ng paglagok nito. Nanatili akong tahimik habang tinitingnan siyang umiinom. "Kung alam mo lang, ayoko sa kanila," seryosong sabi ng lalaki. Sa oras na ito, handa akong pakinggan ang sasabihin niya. Dahil ramdam ko na may problema nga siya pagdating sa kanyang pamilya. "Pinipilit nila akong pakasalan ka kahit hindi ka mayaman at kahit hindi ka nila masyadong kilala. Pero si Sarah? Ilang beses ko nang sinabi sa kanila na siya ang babaeng gusto kong pakasalan. Kaso ayaw nila at tutol sila." Teka, tama ba ang naririnig ko? Ayaw nila Ate Bea at nanay ni Drake kay Sarah? Bakit naman? "Hindi ko alam ang dahilan nila. Mabait naman si Sarah. Katulad ko, mahilig din siya sa mga bata. Pero hindi nila kayang tanggapin ang babaeng mahal ko. — Samantalang ikaw, ilang araw ka pa lang dito, gusto ka na nila agad. Tinanggap ka nila na walang pag-aalinlangan," mahabang litanya ni Drake. "Ang akala kasi nila, buntis ako. 'Yon siguro ang dahilan kaya gusto nila ako," sabi ko rito. Umiling lang siya at mapaklang ngumiti. "Tama ka, akala nila buntis ka. — Pero sa tingin ko, hindi talaga iyan ang totoong dahilan kung bakit ka nila gusto." Napatingin naman ako sa kanya nang wala sa oras. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Sa ngayon, hindi ko pa alam. Kaya hindi ko pa masasabi sa iyo," sagot nito sa akin at inilagay niya na ulit ang wine sa loob ng ref. Ang weird ha? Ano ba talaga ang meron sa pamilya ng binata? At bakit ayaw nila kay Sarah? Bakit nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD