CHAPTER 15 (DOUBLE DATE)

1403 Words
CHAPTER 15 (DOUBLE DATE) Drake POV: Hindi ako mapakali ngayon habang nakatingin sa aking relo. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang mga kilos ko. Alam kong maging si Sarah ay nagtataka dahil pabalik-balik akong naglalakad sa harapan niya. Sino ba kasing 'di mapakali? Mahigit dalawang oras nang magkasama sila Jake at Lena. Ang usapan lang ay bibili sila ng makakain. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umuuwi. Masyado naman silang mabagal kung gano'n. Siguro tinotohanan na nila ang pagdi-date. f**k. "Drake, ano bang problema mo? Kanina pa ako nahihilo sa kakatingin sa'yo," inis na wika ni Sarah at hinawakan ang aking balikat dahilan para mapahinto ako. "Wala," tipid na sagot ko. "Wala? 'Wag mo nga akong pinagloloko d'yan! Sabihin mo nga sa akin, magkakilala kayo ni Lena, noh?" sambit nito na may kataasan ang tono. Napatingin ako sa kanyang mata at ramdam ko na may halong selos ang tingin ng dalaga. "Hindi. Hindi nga kami magkakilala, Sarah," sagot ko rito. "Kung gano'n, why are you acting like that, Drake?" muling tanong nito. Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus hinawakan ko ang kamay ni Sarah. "Mag-date rin tayo," aya ko sa kanya para maiba ang usapan. Agad namang napangiti siya at tila ba nakalimutan nito ang tanong niya. "Really? Sige. Gusto ko 'yan. Thanks, honey," sambit ng babae kasabay ng paghalik niya sa aking pisngi. Mabilis siyang pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. At nang matapos, sabay na kaming lumabas ng bahay. Ang suot ni Sarah ngayon ay masyadong fit sa kanya. Medyo maiksi rin ito kung titingnan dahil kitang-kita ang kaputian ng legs nito. "Bakit ba kasi ganyan ang suot mo?" tanong ko sa dalaga. Kanina pa kasi siya pinagtitinginan ng mga lalaki. Halos agaw atensyon siya ng lahat. "Why, Drake? Is it bad? — Bagay naman sa akin, ha?" "Oo, bagay sa'yo. Pero masyadong kita ang legs mo. Lahat tuloy ng lalaki, napapatingin sa'yo," inis na saad ko ulit. "Asus, nagseselos ka lang eh.. Ikaw talaga, don't mind them, okay? Sayo lang kaya ako," ngiting tugon nito at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Ang totoo n'yan, hindi naman talaga selos ang nararamdaman ko. Sadyang naiilang ako sa mga pasimpleng sulyap sa kanya ng mga taong nakakasalubong namin. Nang makakita ako ng taxi, pumara agad ako para makasakay na kami. Wala kasi kaming dalang payong at ayaw ni Sarah na mabilad ang kutis niya, kaya minabuti naming sumakay na lang. Habang nasa loob naman kami ng sakayan, laman ng isip ko si Lena. "Saan kaya nag-date ang dalawang 'yon?" wala sa oras na tanong ko sa aking isipan. Pero mukhang nasagot yata ang katanungan ko dahil nakita ko mismo ang dalawa na masayang magkasama. Nasa restaurant sila kumakain. May nalalaman pang papunas-punas ng sauce ang binata sa gilid ng labi ni Lena. Tsk. "Dito na lang kami, kuya," sambit ko sa driver ng taxi. Hininto naman nito ang sasakyan kaya't agad kong inabot ang bayad. Bumaba na kami ni Sarah at bakas sa mukha niya ang pagkainis. "Ano ba, Drake?! Don't tell me na dito tayo magde-date?" "Dito nga," maikling sagot ko. "What? Are you serious? Eh masyadong cheap na ang lugar na 'to," sambit ni Sarah na tila'y disappointed siya sa lugar na pinuntahan namin. Napailing na lamang ako dahil sa tinuran niya. Pakiramdam ko, tila may pagbabago na kay Sarah. Medyo natahimik ako at huminga na lamang nang malalim. "Fine. Sige na... Dito na lang tayo," bigkas nito na alam kong napipilitan lang. Hindi niya pa siguro nakikita sila Lena dahil sa puntong ito, maraming tao ang dumaraan sa labas ng restaurant. Habang tumutungo kami sa loob, hindi pa rin maalis ang tingin ko kina Lena na ngayon ay nagtatawanan na. "Wait Drake — tama ba itong nakikita ko?— Sila Jake at Lena ba 'yon?" halos hindi makapaniwalang turo nito sa gawi ng dalawa. "Ano?" takang bigkas ko, kunwari'y hindi ko alam ang kanyang tinutukoy. "Silang dalawa nga... Sabi na nga ba, magde-date ang dalawa.. Look at them, they are so sweet," wika ni Sarah na animo'y kinikilig. " — Let's go Drake. Let's join them," ngiting pahayag nito at hinila niya ako sa mismong pwesto nila Jake. Nang makalapit kami, masiglang bumati agad si Sarah dahilan para mapalingon sila. "The world is too small for us... Akalain niyo, nandito rin pala kayo. — Pero infairness, talagang tinotohanan niyo ang date. But anyway, if you don't mind, maaari bang makijoin kami sa inyo? Alam niyo naman siguro ang double date, right?" ngiting sabi ng katabi ko na si Sarah. Hindi ko mabasa ang gustong iparating ng mukha ni Lena ngayon dahil bakas rito na medyo nagulat siya sa biglaang pagsulpot namin ng dalaga. "Of course, couz. Wala namang problema kung makisalo kayo sa amin... Mas magandang ideya nga ang double date na 'yan para naman makilala niyo nang lubusan si Lena," si Jake na mismo ang tumugon para pumayag sa suhestyon ng pinsan niya. Wala na ngang choice si Lena kaya pilit siyang umusog sa gilid. Ako sana ang uupo sa tabi niya kaso biglang tumayo si Jake. "Dito ka na lang, Drake para makatabi mo si Sarah at makatabi ko rin si Lena," bigkas nito at umupo na nga siya sa tabi ng babae. "Grabe! I can't believe na ganito ang mangyayari. Sa dami-rami na restaurant talagang dito pa tayo nagkita-kita, 'noh? Is this tadhana na siguro," masayang wika ni Sarah. Kung alam niya lang. Hindi ito tadhana, talagang ginusto ko 'to para makita ko si Lena. "Oh, by the way, diba bibili lang kayo? So, bakit naisipan niyong kumain na lang dito?" muling tanong nito. "Napag-isipan namin 'to dahil ayaw naming istorbohin ang sweet moments niyo. Nakakahiya naman kasi kung makabulabog kami ni Jake," sagot ni Lena na akin namang ikinagulat. "— Kaso ayon, lumabas din pala kayo," muling sambit n'ya at tumingin ng diretsa sa mata ko. "You're so kind naman, Lena. Talagang inisip mo ang bonding namin ni Drake. But it's okay dahil hindi naman kayo nakaistorbo sa amin," wika ni Sarah sa kanya. "Oh wait, tatawagin ko muna ang waiter para naman makapag-order na kami ni Drake.. — Waiter!" tawag ng dalaga. May lumapit nga sa aming waiter at si Sarah na mismo ang nagdesisyon ng makakain namin. "Since naghihintay pa kami ng pagkain, ano kaya kung magpakilala ka sa amin nang lubusan, Lena, so that I can know you better. Kasi sa totoo lang, bet na bet kita para sa pinsan ko. Ikaw ang unang babae na dinala niya sa bahay." pag-oopen na topic ni Sarah. "Bakit, Sarah? Ano bang gusto mong malaman sa akin?" hamon na tanong ni Lena dahilan para kumabog ang puso ko. "Marami akong gustong malaman sa'yo, Lena. Like kung may boyfriend ka na ba or whatever na hindi ko pa alam sa'yo," she said again. "Actually, hindi pa ako nagkaboyfriend. Peeron akong nakilalang lalaki," sambit nito at napatingin sa aking gawi. Napalunok ako ng laway dahil sa kakaibang ngiti niya. "Ang lalaking 'yon, ninakaw niya ang first kiss ko," muling bigkas ni Lena. At this moment, alam kong ako ang tinutukoy niya. Naalala ko kasi bigla ang paghalik ko sa kanya no'ng nasa mansion siya. "Ibig sabihin, meron ka ng first kiss, Lena?" singit ni Jake na may kalungkutan sa boses. "Oo, Jake, meron na nga.. Isang halik na hindi ko lubos maisip na gagawin niya. I was shocked that time kaya hindi na rin ako nakapalag pa," sagot naman ng babae. Kita ko na medyo nadismaya ang mukha ng binata dahil sa nalaman. "Sino ba ang lalaking nagnakaw ng halik mo? — Kilala mo ba siya Lena? Pambabastos ang ginawa niya sa'yo kaya nararapat lang na turuan siya ng leksyon o kaya'y kasuhan." Ang lungkot ni Jake ay napalitan ng inis na may halong galit. "Jake is right, Lena. What he did to you is kind of harassment... Naalala mo ba ang mukha niya or yung name niya?" curious na tanong ni Sarah. "Yung mukha niya? Oo. Kilalang-kilala ko ang mukha niya. — Pero yung pangalan niya? Nakalimutan ko na... Wala naman kasi akong nakikitang rason para alalahanin ko pa ang pangalan niya. He's a jerk... So I did forget him," ani ni Lena. Fuck! Gumaganti yata siya sa akin dahil kina-ila kong hindi ko siya kilala sa harapan ni Sarah. Tila nabara tuloy ang lalamunan ko dahil hindi ko magawang makapagsalita. Damn it. Ibang klase si Lena kung gumanti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD