CHAPTER 14 (PAGTATAPAT)

1520 Words
Chapter 13 (DOUBLE DATE) Lena's POV: Umalis na ako sa harapan ng dalawa dahil hindi ko na kayang tingnan pa ang mga ito. Walang katapusan kasi ang kanilang paglalambingan. Kanina pa nakayakap si Sarah kay Drake at tila ba ayaw na nitong kumalas. Nagsisi tuloy ako na pumayag ako sa alok ni Jake na mag-aral dito. Ang akala ko ay pag-aaral lang ang gagawin namin, hindi ko akalain na mapupunta pa ako sa sitwasyong ito. Nang makapasok ako sa kwarto, nakita ko si Jake na medyo abala sa pag-aayos ng mga libro sa lamesa, ang mga pahina ng Math ay nakabuklat na, handa nang simulan ang pag-aaral. "Okay na ba ang pakiramdam mo, Lena?" tanong niya, lumingon sa akin, ang kanyang mga tingin ay puno ng pag-aalala. Ngumiti naman ako kasabay nang pag-upo ko sa harap niya. "Hmm, okay na ako," tipid kong sagot, pinipilit na itago ang aking nararamdaman. Ang totoo n'yan, hindi ako uminom ng tubig kanina dahil mas tinuon ko ang aking atensyon sa pakikipag-usap kay Drake. "So, magsimula na tayo," muling sabi niya at kinuha ang isang libro sa Math. Binuklat niya ang pahina kung saan kami magre-review. Gaya ng sinabi niya, nagsimula na nga kaming mag-aral. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Jake, bigla kong narinig ang boses ng dalawa sa labas. Nawala tuloy ang focus ko sa pag-aaral, bagkus natuon na ang aking pandinig sa tawanan nila Sarah at Drake. "Wag na, honey. Hahaha." "Ano ba, Drake, nakikiliti nga ako. Hahaha." "I said, stop it Drake... Ikaw talaga ang kulit mo hahaha." "Honey, tama na, hahaha. I can't breathe anymore!" Mga tawanan na narinig ko mula sa bibig ng dalaga. Naririnig ko rin ang tawa ni Drake, na alam kong nasisiyahan siya sa kanilang ginagawa. Napatitig ako sa libro, pero ang isip ko ay nasa labas, sa kanila. "Tsk. Ang arte," wala sa sariling sambit ko. "Huh? Sinong maarte, Lena?" kunot-noong tanong ni Jake sa akin, tila ba nagulat sa aking sinabi. "Ahm, 'yung Math. Masyadong maarte, nakakainit ng ulo," matigas kong bigkas, kahit na ang totoo, hindi naman math ang tinutukoy ko. Nais ko lang na mapunta ang usapan sa iba. "Oo nga eh, masyadong maarte ang math. Ang dami kasing problema, hahaha," natatawang wika niya, at nakita ko ang lubog niyang mga dimples sa magkabilang pisngi. Hindi ko tuloy lubos maisip na pinsan nito si Sarah. Kasi si Jake, ang bait niyang tao. Samantalang si Sarah, mukhang hindi ko yata gusto ang ugali niya. Siguro ito ang dahilan kung bakit ayaw ng pamilya ni Drake sa kanya. Ang kanyang pagiging possessive at ang pagpaparamdam ng insecurity sa iba ay hindi magandang katangian. Halos dalawang oras rin kaming nag-aral sa Math. Kaya napag-isipan naming magpahinga dahil nakakalito talaga ang mga equation sa subject na 'to. "Bibíli muna ako sa labas ng makakain natin," paalam ni Jake sa akin. Hinawakan ko ang braso nito at tumayo na rin. "Sama ako sa iyo," tipid kong sambit. "Sigurado ka? Mainit ang panahon kaya baka sumakit pa lalo ang ulo mo," wika ng lalaki na tila ba nag-aalala. "Hindi naman. Besides, nakakaboring dito. At gusto kong maglakad-lakad," saad ko sa kanya para payagan ako na sumama. Ayoko naman kasing maiwan dito dahil nakakairita ang tinig at boses nila Sarah. Ang kanilang tawanan at lambingan ay tila ba lalong nagpapatindi ng aking sakit. "Oh sige. Magdadala na lang tayo ng payong," tanging tugon ni Jake at inakay na ako palabas ng kwarto. Hawak ngayon ng binata ang aking kamay, at ang isang kamay nito ay bitbit ang payong. "Oh? Saan kayo pupunta, couz?" agad na tanong ng babae mula sa sala. Nakaupo siya sa tabi ni Drake, na tila ba nagbabantay. "Sa labas, bibili ng makakain," turan niya rito. "Bibili lang talaga? Baka naman magde-date lang kayo," muling sabi ni Sarah, ang kanyang tono ay may bahid ng panunukso at pagdududa. Pero sa puntong ito, nakatingin ako kay Drake, bakas ang kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha. At teka nga lang, bakit parang nakatingin siya sa kamay naming dalawa ni Jake? Tila ba may kung anong pumasok sa kanyang isipan. "Ikaw talaga, Sarah, bibili lang kami. Pero kung pumayag si Lena na gawing date ang paglabas namin, why not, 'di ba?" wikang tanong ni Jake, ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Drake, tila ba hinahamon ito. Biglang kumabog ang puso ko kasabay nang pagtingin ko sa aking katabi, na diretsang nakatingin sa mata ko. "Ayieeeh, binata ka na talaga, couz. But I'm so happy for you. Bagay kayong dalawa ni Lena, 'right, honey?" kinikilig na baling nito kay Drake. "Hindi," mariing sagot ng lalaki, na aming ikinagulat. Ang kanyang mga salita ay tila yelo na bumalot sa aming tatlo. "Huh? Anong ibig mong sabihin na hindi?" takang tanong ni Sarah, ang kanyang mukha ay puno ng pagtataka. "Hindi sila bagay. Look, gwapo ang pinsan mo kaya bagay siya sa magandang babae," walang ekspresyon na paliwanag ni Drake. Ang kanyang mga kataga ay para bang isang direktang insulto. Bwisit! Pinaparating niya ba na pangit ako? Tangina lang ha! Parang gusto kong sumabog sa galit. "Wala akong nakikita na panget kay Lena. She's beautiful inside and out. Wala siyang katulad," saad naman ni Jake para ipagtanggol ako, ang kanyang mga mata ay puno ng paghanga sa akin. Pero shemay! Bakit ganyan ang lumalabas sa bibig niya? Hindi ko alam kung matutuwa ako o lalong maiilang. "Tsk," tanging sambit ni Drake, tila ba hindi siya naniniwala sa sinabi ni Jake. "Sige, mauna na kami. Medyo malayo pa kasi ang grocery store kaya magsisimula na kaming maglakad," paalam ni Jake at tumalikod na kaming dalawa. Palabas na sana kami ng bahay kaso bigla ulit nagsalita si Drake. "May taxi naman ha? Talagang maglalakad kayo? — Masyadong mainit ang panahon kaya gamitin niyo ang utak niyo." Hindi ko alam pero iba ang dating ng boses niya sa sinabi nito. Tila ba may halong pang-aalala, pero sa paraan niya, parang galit pa rin. Kaya hindi na ako nakapagtimpi at ako na mismo ang humarap sa kanya. "Pake mo ba? Ikaw ba ang maglalakad? Hindi naman, 'di ba? Kaya huwag kang magsalita ng ganyan dahil hindi ikaw ang maiinitan. — At gamitin ang utak? Hindi mo ba nakikita na may dala kaming payong? — Ikaw yata ang hindi gumagamit ng utak. Putak ka lang ng putak." Pagkatapos kong sabihin 'yon, ako na mismo ang humila kay Jake palabas. Hindi ko na nagawang lumingon pa sa kanila dahil masyadong kumukulo ang dugo ko kay Drake. Ang kanyang pagtanggi, ang kanyang pagiging insensitive, ay talagang hindi ko matanggap. "Sorry, Jake, hindi ko napigilan ang sarili ko," hinging paumanhin ko rito nang makalabas kami ng bahay, ang aking mga salita ay lumalabas na may kasamang galit. "Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin, Lena. Ako nga ang dapat na mag-sorry sa iyo dahil sa mga sinabi niya," wika nito sa akin, ang kanyang tono ay malungkot. "Alam mo? Nagtataka nga ako dahil ngayon ko lang nakita na gan'on 'yon si Drake, hays." Natahimik ako at kunot-noo ko siyang tiningnan dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito. "Pa'no mo naman nasabi 'yan? Gaano ba kayo ka-close ng hinayupak--este, ng lalaking 'yon?" tanong ko rito, muntik nang mapadulas ang dila ko. Ang aking pagkabigla sa sinabi ni Drake ay nagdulot ng hindi inaasahang pagkakamali. "Kung close lang ang pag-uusapan, sobrang close talaga kami." Nagpatuloy siya, "Naalala ko nga ang sinabi niya sa akin noon, na susuportahan niya ako sa babaeng magugustuhan ko. Pero ngayon, ewan ko ba at ang gulo niya masyado." mahabang litanya nito, ang kanyang mga mata ay tila naghahanap ng sagot. "Bakit mo kasi sinabi 'yon? Hindi naman ako maganda, kaya dapat 'di mo na lang ako pinagtanggol," sabi ko, ibinababa ang aking tingin. Ang aking insecurities ay tila ba lumalabas sa bawat salita ko. "Hindi, Lena. Hindi pagtatanggol ang ginawa ko. Ginawa ko 'yon dahil alam kong maganda ka. Alam mo, mabuti na lang talaga at hindi kayo magkakilalang dalawa. Kasi kung magkataon, iisipin kong nagseselos lang 'yon sa akin," muling wika ni Jake, ang kanyang mga salita ay tila ba nagpapagaan ng aking loob. Pero teka? Magseselos? Nagpapatawa ba siya? "Pero 'yung sinabi ko kanina, Lena, hindi 'yon biro. Ikaw talaga ang pinakamaganda sa mata ko. Kaya nga, ikaw ang tipo kong babae," bigkas ng binata sa akin, ang kanyang mga salita na parang musika sa aking pandinig. Napahinto naman ako sa paglalakad at gano'n din siya. "A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito na medyo kinakabahan, ang aking puso ay kumakabog sa dibdib. "I like you, Lena. Matagal na," walang alinlangan na pagtatapat nito. Tila tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makasalita dahil talagang nagulat ako. Ang kanyang pagtatapat ay isang bagay na hindi ko inaasahan. "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman hinahangad na magustuhan mo rin ako. Basta 'wag mo lang akong pigilan na magustuhan ka, Lena," Sambit nito sa akin at nagpatuloy na muli sa paglalakad, iniwan akong nakatayo roon, napakaraming nangyari sa araw na 'to at sobrang naguguluhan ako. Ang pagtatapat ni Jake, ang kilos ni Drake, at ang buong sitwasyon ay tila ba isang malaking palaisipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD