CHAPTER 5 (GLOW UP)
LENA's POV:
Dahan-dahang pinatakbo ni Ate Bea ang kanyang sasakyan patungo sa mall na kanyang binanggit. Tinitiyak niyang hindi ako masasaktan sa anumang paraan. Ramdam ko ang pagtanggap at pagmamahal niya sa akin, para na niya akong tunay na kapatid kung ituring.
Kaya habang tumatagal, lalo akong nakokonsensya. Nakokonsensya akong niloloko ko sila, lalo na't napakabait at maalaga ng pamilya ni Drake.
Ang takot na baka matuklasan nilang hindi ako buntis ay bumabagabag sa akin.
Habang magkasama kami ngayon ni Ate Bea, hindi ko maiwasang mailang. Sa bawat lakad kasi namin ay pana'y ngiti ng mga taong nakakasalubong namin sa daan.
At dito ko lang napagtanto na kanila pala ang mall na ito. Kaya sa madaling salita, pag-aari nila ang buong mall at ibang negosyo rito sa Manila.
"Hi, Ma'am Bea."
"Good morning, Ma'am Bea."
"Hello, Ma'am."
"Magandang araw po sa inyo, Ma'am."
Ilan lamang ito sa mga bumabati sa amin. Halos mga saleslady sa mall ang siyang sumasalubong sa amin ni ate Bea. Kaya tanging matamis na ngiti lamang ang isinusukli namin sa kanila bilang pagtugon.
"Leah! Halika rito!" tawag ni Ate Bea sa isang saleslady.
"Ano po iyon, Ma'am?" magalang na tanong nito sa kanyang amo.
"Hanapan mo ng magagandang damit pambuntis itong kasama ko. Siguraduhin mong babagay sa kanya, ha?" utos ni Ate Bea.
"Opo, Ma'am."
"Sige na, Lena. Sumama ka na sa kanya. Dito lang ako maghihintay," sabi niya sa akin.
Sumama na nga ako sa saleslady.
Isa-isa niyang ipinakita ang mga damit na para sa akin. Sa loob ng isang oras, apat na damit lamang ang bumagay sa katawan ko.
Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa mga damit na pang-buntis; katulad ng dress, lahat ay mukhang baduy para sa akin. Kaya iyon, kaunti lang ang nabili.
"Ate Bea, hindi naman po ito kailangan talaga," sabi ko sa kanya, nahihiya.
Matapos naming mamili sa mall, dumiretso kami sa isang parlor.
Nakakagulat nga dahil ang napag-usapan lang namin ay ang mamasyal sa mall at bumili, pero may parlor pa palang pupuntahan.
"Hindi, Lena. Dapat kahit buntis ka, may oras ka pa rin para magpaganda. Dahil ang kapatid ko, madali 'yon magsawang. Baka maghanap 'yon ng iba, sige ka," sabi niya sa akin.
'Hays. Pakialam ko ba kung maghanap siya? Kung alam mo lang, Ate, wala talaga kaming relasyon ng kapatid mo,' naisip ko.
"Oh, hello, Sisteret Bea. Anong kailangan mo?" bungad na tanong ng beki.
"Gusto kong ayusan mo itong kasama ko. Dapat bongga, ha?" ani niya.
"Of corz, Sisteret. Walang problema. Pero, sino nga pala siya?" usisang bigkas ng beki.
"Siya ang aking sister-in-law," tipid ngunit proud na sagot ni Ate Bea.
"Omg! Ibig sabihin, asawa ng kapatid mo?"
"Yes."
"Enebe! Ang swerte mo, girlalu! Talagang nakuha mo ang lalaking mahal na mahal ko," pagdadrama nito.
"Tumigil ka na nga at simulan mo na siyang ayusan," inis na sabi ni Ate Bea.
"Oo na. Eto na, Sisteret. Masyado ka namang atat."
Nagsimula nang ayusin ng beki ang aking buhok. Marami siyang ginawa na tila sinusunod niya talaga ang bilin ni Ate Bea.
"So, ano sa tingin mo, Sisteret? Ayos na ba?" tanong ng bakla kay Ate Bea matapos niyang iharap ako sa dalaga.
"Wow! Perfect! Magaling ka talaga pagdating sa pagandahan... Thank you," tanging sagot ni Ate Bea, sabay abot ng bayad.
"Welcome sisteret. Ako lang ito noh," nakangiting turan nito.
Kumain muna kami ni Ate Bea sa isang mamahaling restaurant bago umuwi. Inabutan kasi kami ng hapon kaya parehong kumalam ang aming sikmura matapos ang mahabang oras na magkasama kaming dalawa.
Pagdating namin sa mansion, bumungad agad ang mukha ni Drake.
"Tsk. Ang tagal n'yo," iritadong sabi niya.
"Iyan lang ba ang masasabi mo, Brother?" saad ni ate sa binata.
"Bakit, may dapat pa ba akong sabihin, Ate?" balik na litanya nito.
"Wala ka bang napapansin na kakaiba kay Lena ngayon? — Look at your fiance. She looks stunning, right?" tanong ni Ate Bea.
"Yung buhok lang naman ang kakaiba sa kanya... Wala namang nagbago. Panget pa rin," usal ni Drake na talagang nilait pa ako.
"My gosh, Brother! Iyan lang ba ang masasabi mo? Alam mo bang ilang oras siyang inayos?" inis na turan ni ate Bea upang pilitin si Drake na mag-komplimentong maganda tungkol sa akin.
"I don't give a damn, Ate. Hindi siya maganda sa paningin ko. Tignan mo siya, kung hindi lang siya nagpakulay ng buhok, baka napagkamalan ko pa siyang si Dora the Explorer," pagsasabi nito.
Teka, parang may mali akong narinig na sinabi niya tungkol sa akin?
Hindi ko alam, ngunit kusang gumalaw ang aking kamay para hawakan ang aking buhok kasabay ng aking bangs. At doon ko lang napagtanto, para nga akong si Dora! Potah!
Nakatutok ako ngayon sa harap ng isang malaking salamin, pinagmamasdan ang aking mukha. Hindi naman ako si Dora, sa totoo lang, maputi akong babae.
Ang Drake na iyon, grabe kung makapanglait.
Nga pala, nandito na ako sa loob ng kwarto. Kung hinahanap niyo ang binata, nasa loob siya ng banyo at naliligo.
Humiga muna ako saglit para sana makapagpahinga. Ngunit ilang minuto pa lang, narinig ko na ang tunog ng pagbukas ng pinto ng banyo, kasabay ng kanyang paglabas.
Nagpanggap akong tulog para sana hindi niya ako laitin. Ngunit talagang malandi ang aking mga mata at unti-unti ko itong binuksan para tingnan si Drake.
At ano ang nakita ko? Nakatopless lang ang loko! Ang kanyang abs ay dinadaluyan ng tubig mula sa kanyang buhok. Shet! Ang hot niyang tingnan!
"Kung gusto mong hawakan ang abs ko, 'wag ka nang mahiya," agad na sabi niya. Dahil doon, ipinikit ko ang aking mga mata at nagpanggap ulit na tulog.
"Tsk. Manyakis na flat," rinig kong bulong niya. Gusto ko sanang batuhin siya ng unan, ngunit kinalma ko ang sarili ko at hindi na lamang pinansin. Kaso hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng tuluyan.
Nagising na lamang ako na katabi ko na ang Drake na ito. Napatingin ako sa wall clock at nakita kong 8 PM na. Akma na sana akong tatayo nang marinig kong nag-ring ang phone ni Drake. At dahil sa aking pagkausyoso, napatingin ako sa screen kung sino ang tumatawag. Nabasa ko ang pangalan ng babae, si Sarah.
Teka, Sarah? Mukhang narinig ko na yata ang pangalang iyon. Ewan ko lang kung kailan. Dahil walang sumagot, naging missed call ang tawag. Ngunit pagkatapos ng isang minuto, nag-text ito.
"Ilang araw na lang, uuwi na ako. Excited na akong makita ka ulit, honey."
Hindi ko naman sinasadyang mabasa iyon. Honey? May tawagan silang dalawa? At Sarah ang pangalan niya? Muli kong binalikan ang aking alaala para alalahanin kung saan ko nga narinig ang pangalang iyon. Doon sumagi sa isip ko, ang panaginip ng lalaki.
Tama! Siya nga! Sarah ang binanggit ni Drake kasabay ng pag-"I love you" nito habang natutulog. Kaya hindi ako magkakamali na baka si Sarah ang babaeng mahal niya.
Hays. Bigla tuloy nalungkot ang puso ko sa mga napagtanto ko ngayon.