Chapter 4
(Biglaang Desisyon)
Lena's POV:
Natapos ang buong araw na lutang ang aking isip.
Kahit anong pilit ko na mag-isip ng paraan, hindi ko magawang gawin.
Bukod sa maraming guards ang nakapaligid sa mansion na ito. Ang hirap i-memorize kung saan ang exit nila. Sa laki ba naman ng mansion, nalilito na ako kung saan ako lulusot.
Idagdag niyo pa ang lalaking kasama ko sa kwarto, na halos walang ginawa kundi ang asarin ako buong gabi.
Napatingin na lamang ako sa katabi kong si Drake, na ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog. At hindi lang 'yan ha? Ang lokong ito ay feel na feel ang pagyakap sa akin. Siya yata itong may binabalak na masama sa katawan ko.
Aalisin ko na sana ang pagkakayakap niya, kaso tila hinigpitan pa nito lalo ang pagkakasanday ng braso niya sa aking tiyan.
At this point, napatingin na lamang ako sa kanyang mukha. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang gwapo pala ni Drake. He has a perfect face. Matangos ang ilong. May mahabang pilik-mata. At yung labi niya, mapula-pula.
Bigla tuloy akong pinagpawisan nang malamig nang maalala ko yung nangyaring paghalik niya sa akin kahapon.
"I love you," mahinang sambit nito habang tulog-mantika siya.
Nananaginip yata ang lalaking ito.
"I love you, Sarah," muling saad ni Drake.
Pero sa mga oras na ito, natigilan ako. Lalo pa't narinig ko na may pangalan siyang binigkas.
The name he mentioned is Sarah... At siguro, ito ang babaeng tinutukoy niya na gusto niyang pakasalan.
Ewan ko ba — pero pakiramdam ko ay kumurot nang bahagya ang aking puso.
I was about to close my eyes para sana matulog pa rin kaya lang biglang gumalaw ang kamay nito patungo sa aking dibdib.
T-teka? Iba na yata to!
Nang maramdaman kong hawak niya na ang isa kong dede, hindi na ako nag-dalawang isip na sampalin ang binata.
"Ohh f**k!" daing ni Drake na maging siya ay nagulat sa sampal na natamo niya.
"Manyakis!" sigaw ko habang pinaghahampas ko ito.
"s**t! Stop it, Lena! What's wrong with you?" pagsasaway niya sa akin na talagang naguguluhan pa siya kung ano ang nagawa niya.
"Stop mo mukha mo! Gago ka! Manyak!" mariing mura ko sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo? — Bigla ka na lang nananampal!" pagtatanong nito.
"Aba! Nagdedeny ka pa! — Para sabihin ko sayo, hindi ako easy to get! Ulol mo! — Kaya huwag mong mahawak-hawakan ang s**o ko!" sigaw ko rito.
Unti-unti namang kumalma ang reaksyon ni Drake na animo'y naalala na nito ang kanyang panaginip.
"Tsk. Sorry... Akala ko kasi pader 'yon." pahayag nito dahilan para kumulo ang aking dugo.
"Lintik ka! Anong pader ba ang pinagsasabi mo ha?! — Hoy lalaking maliit ang itlog, para sabihin ko sa'yo, may dede ako!" galit na tugon ko habang pinipigilan ko ang aking sarili na hindi siya saktan.
Pero bigla itong tumayo at naglakad. So inexpect ko na lalabas na siya ng kwarto, kaso huminto ang binata at muli akong nilingon.
"Masyado mong minamaliit ang kargada ko. Pero ikaw, halos bra lang pala ang nagdadala sa'yo. Dapat band-aid na lang ang ginamit mo, dahil u***g lang naman ang meron ka."
Matapos niyang sabihin ito, kumaripas na siya ng takbo. Bwisit ka Drake!!!!
Inis na inis tuloy akong lumabas ng kwarto para sana habulin ang lalaki pero sa kasamaang palad nabunggo ko si Ate Bea.
"S-sorry ho." Hinging paumanhin ko sa kanya. Bakas naman sa mukha nito na siya pa yata ang concern sa akin.
"No, no, Lena. Ako ang dapat na magsorry sayo. Nasaktan ka ba? — Si baby, kumusta? Sumakit ba ang tiyan mo?" tanong niya habang chinicheck nito ang aking tiyan.
Oo nga pala. Buntis pala ako sa paningin nila. Kaya kung makapagreact siya, talagang may pag-aalala sa boses nito.
"H-hindi naman po ate. Ayos naman po ako." pilit na sagot ko naman.
"Ano ba kasing ginagawa mo at parang nagmamadali ka?" muling tanong ng dalaga.
"Ah — hahabulin ko sana 'yong kapatid mo. I mean, susundan ko sana. Masyado niya kasi akong inaasar. Nakakapikon," ani ko rito.
"Kayo talaga parang aso't pusa lagi ni Drake... Anyway, mag-ingat ka nga. Huwag kang masyadong magaslaw. Mahirap na, baka malaglag ang pamangkin ko," malambing na wika ni ate Bea kasabay nang pag-akbay nito sa akin.
"Hayaan mo na si Drake... Mamaya mo na lang siya gantihan, because mom is waiting for us. Sumabay ka na raw sa amin magbreakfast. — Dahil mamaya, isasama kita," ngiting saad niya.
"Isasama po? — Saan po tayo pupunta?"
"Mamaya malalaman mo, Lena... For now, let's eat, okay?" tanging usal ng dalaga.
Tumango na lamang ako sa kanya at sabay-sabay na nga kaming nag-almusal.
Nandito na rin si Drake sa hapag-kainan kaya yung tingin ko sa kanya halos tusukin ko na siya gamit ang aking mata.
Hindi nagtagal, natapos na nga kaming kumain.
"Nga pala mom, aalis kami ngayon ni Lena. Isasama ko sya sa mall para naman mabilhan ko siya ng mga bagong damit And of course, gusto kong maka-bonding itong sister-in-law ko," saad ni ate Bea sa kanilang ina.
Ngumiti naman ito kasabay nang pagsang-ayon.
"That's totally great, Bea... Isama mo na rin itong si Drake." suhestyon naman ng ina.
"Fuck... Ayokong sumama. May lakad kami ng barkada ko ngayon," mabilis na pag-tanggi ng lalaki kasabay nang pag-alis nito sa harapan namin.
"Hay nako. Just don't mind him mom... — Habang hindi pa sila kasal ni Lena, bigyan natin siya ng oras makasama ang mga barkada niya. Dahil once na lumabas na ang baby nila, I'm sure, focus na siya pamilya niya," saad muli ni ate.
"Sabagay. One week na lang at ikakasal na sila," ani nito na akin namang ikinagulat.
"O-one week? T-teka po, ba't parang hindi po yata ako nainform?" tanong ko sa kanila.
"Well, it's only my decision, Lena. I decided na ipakasal na kayo agad next week dahil sa araw na 'yon, saktong nandito na rin ang asawako," ngiting sagot ng Ginang.
"P-pero hindi pa po ako pumayag."
"Well, kahit hindi ka naman pumayag, wala ka ng magagawa. Because in this house, my decision, only matters. Besides, nabanggit ni Bea na ito yung gusto mong mangyari diba? Ang panagutan ka ng anak ko? So ayan, ginawan na namin ng paraan, Lena,"
mahabang wika niya ulit.
"Kaso po—",
"Sssshh. Stop! Huwag ka ng magsalita pa Lena... Let's go na," wika ni Ate Bea sa akin sabay hawak sa braso ko.