CHAPTER 3 (IMAHINASYON)

1230 Words
CHAPTER 3 (Imahinasyon) Lena's POV: Matapos ang usapan namin, napagdesisyunan nga ng ina nila Drake na dito muna ako tumira sa kanilang mansion. Hindi na ako nakatanggi pa — dahil ramdam kong wala akong kawala sa pamilya ng binata. Sobrang higpit nila. Pakiramdam ko ay bantay sarado ako ng bente kwatro oras. Natatakot na tuloy ako sa pwedeng mangyari sa akin sa mga susunod na araw. Paano kung bigla nilang malaman na hindi talaga ako buntis? Malamang ay liligpitin nga ako ng nanay ni Drake. Hindi ito imposible — sapagkat kitang-kita ko sa mata ng babae ang pagiging seryoso niya habang binibigkas ang katagang 'yon. At ayoko na mangyari ito — dahil marami pa akong pangarap sa buhay. Pangarap para sa sarili ko. Wala na kasi akong magulang. Pumanaw na sila, two years ago. Kaya sariling-kayod na lang ako ngayon para mabuhay ko ang aking sarili. Bumalik na nga pala kami ni Drake sa kanyang kwarto. Kaya kasalukuyan akong nasa loob kasama ng lalaki. And yes, dito ako matutulog sa silid niya. Ayoko nga sanang pumayag, kaso ang binata na mismo ang nagtulak sa akin na magsama na lamang kami sa kwarto. Hindi ko nga alam kung anong sumaping espirito sa lalaking ito. Parang kanina lang, galit na galit siya sa ginawa ko. Pero ngayon, ang bilis magbago ng mood niya. "Bakit mo ba sinabi 'yon, Drake?" tanong ko sa kanyang upang mabasag ko ang katahimikan na bumabalot sa loob ng kanyang kwarto. Pero tila hindi niya narinig ang tanong ko dahil hindi man lang siya sumagot. "Uyy ano ba?! Kinakausap kita. Magsalita ka nga!" sigaw ko na sa binata at tinapon ko pa ang unan sa kanyang ulo para lang makuha ko ang atensyon niya. "Fuck." tanging sambit nito at inis na tiningnan ako. — "Ano bang problema mo?!" balik na tanong niya sa akin. "Ako dapat ang magtanong nyan, Drake. Kung ano bang problema mo?! — Tangina naman kasi! Aamin na sana ako sa harapan ng pamilya mo pero umeksena ka pa at sinabi mo pa talaga 'yon! Hindi mo man lang hinayaan na tapusin ko ang sasabihin ko kanina," asar na bigkas ko sa binata. "Para saan pa, Lena? Eto naman ang gusto mo diba? — Ang panagutan ko ang batang dinadala mo kahit hindi ko naman talaga anak," wika nito sa akin habang nagkakasalubong ang kilay. Ramdam ko ang pasanin sa dibdib niya kaya minabuti kong ipagtapat kay Drake ang totoo. "Hindi ako buntis," mahinang saad ko. Hindi ko alam pero 'yan ang siyang lumabas sa bibig ko para matapos na ang kagaguhan na ginawa ko. At hindi na nga ako nagtaka pa nang lumaki bigla ang mata ng lalaki dahil sa aking sinabi. "What?!" Halos hindi makapaniwalang tanong nito. "Prank lang ang lahat nang 'yon. Mga kaibigan ko ang nakaisip na i-prank ka. Ayoko sanang gawin 'yon pero tinulak na nila ako. So I don't have choice but to do it. Dahil 'yon mismo ang dare nila sa akin. Ako kasi ang nakakuha ng pinakalowest na score sa exam kaya 'yon ang naging dare nila... Pero maniwala ka Drake, hindi ko naman inakalang aabot sa ganito ang lahat," paliwanag ko sa lalaki habang nakayuko ang aking ulo. "Ibang klase ang trip niyong magkakaibigan. Ginulo niyo pa ang buhay ko," ani nito. "I'm sorry... Hindi ko talaga lubos maisip na ganito ang magiging epekto ng prank na 'yon... But please, tulungan mo naman ako, Drake oh... Gusto ko nang makaalis dito," muling saad ko. Sa puntong ito, malungkot ko siyang tiningnan habang may pagsusumamo sa aking mata. "Crazy..." iyan na lamang ang tanging naitugon niya. "Ano ba, sorry na nga.. Nagso-sorry na nga yung tao. At aminado naman ako sa kasalanan ko eh... Tsaka kapag tinulungan mo akong makaalis sa puder niyo, walang kasal na magaganap. Magiging malaya ka na ulit," lakas-loob kong sambit. Kaso ang gagong ito, wala man lang na pakialam. "Ikaw ang nanghimasok sa buhay ko, Lena. Ikaw rin ang nagdala ng sarili mo sa ganitong sitwasyon. Kaya problema mo 'yan, ikaw ang dapat gumawa ng solusyon. Huwag mo akong idamay," walang ganang tugon nito. Dinampot niya naman ang unan at agad na sumampa sa kama na tila'y matutulog na siya. Kaya agad akong lumapit sa kanya, at tumabi para kumbinsihin ito na tulungan ako. Wala na kasi akong ibang malapitan — kundi siya. Kaya ibababa ko ang aking pride, makaalis lamang sa mansion nila. "Sige na kasi Drake ohh. Tulungan mo naman ako... Pangako ko sa'yo na kapag nakaalis na ako rito, itatanaw ko ng malaking utang na loob ang ginawa mo," pagsusundot ko sa binata na talagang hindi ko siya tinigilan. Pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Kinulong niya ako gamit ang dalawang bisig habang siya'y nakapatong sa akin. Sa bilis nang pangyayari ay hindi ko ito inexpect. "Siguro naman natatakot kang ligpitin ni mom, diba?" tanong niya sa akin kaya dahan-dahan naman akong tumango. "Dahil kapag nalaman ni mom na hindi ka talaga buntis, hindi siya magdadalawang isip na patayin ka... Kilala ko si mom, ayaw no'n na ginagago siya." patuloy na sabi nito habang nakangisi sa akin. "—Pero may alam akong paraan para hindi niya 'yon magawa sa'yo." saad ulit ni Drake na ngayon ay kakaiba na ang kanyang boses. "A-anong paraan naman 'yon?" kinakabahang tanong ko. Bigla namang tumigil ang mundo ko nang sagutin niya ang aking tanong. "Totohanin na natin ang kasinungalingan mo, Lena... Bubuntisin na kita," walang paligoy-ligoy na sambit ni Drake. I don't know why but after he said those words, parang may kung anong kabaliwan ang siyang pumasok sa isip ko dahil tila pumayag ako sa gusto nitong mangyari. Unti-unti kong nakita ang paglalapit ng mukha ni Drake sa akin. Ewan ko ba pero napapikit na lamang ako habang hinihintay ang pagdampi ng kanyang labi sa labi ko. Ilang segundo, naramdaman ko na nga ang paghalik ng binata. And I just found myself kissing him back. Hanggang sa unti-unti na nitong inaalis ang saplot sa katawan ko.. Hindi ko tuloy maiwasan na 'di mapaungol dahil sa sarap na pinaparanas nito sa akin sa pamamagitan nang paghahaplos niya. Kaso bigla akong napahinto nang marinig ko ang malakas na tawa ng isang lalaki.. Isang demonyong tawa na nagmumula kay Drake. Sa tawa palang nito, halos mamatay na siya. And then I realized that was just an imagination. Walang nangyari sa amin. Dahil ang totoo, nanatiling nakapatong lang ang binata sa akin at wala pa itong ginagawa. Grrr. Nakakahiya! Ang dumi masyado ng isip ko. "A-alis nga d'yan," pagtutulak ko sa kanya palayo. Halos lamunin na kasi ako ng kahihiyan dahil sa ginawa ko. "Grabe ka Lena. HAHAHA. Nakakatawa ang itsura mo," muling tawa nito. "— Hindi ko alam na expert ka pala pagdating sa kama." sambit niya at umupo siya nang maayos. "E-excuse me, hindi kaya. Kaya tumigil ka dyan," saad ko sa kanya para sawayin ito. "Really? Kaya pala,napapaungol ka na lang kahit wala pa akong ginagawa sa'yo," ngising wika niya. "Ganyan ka pala kagaling. And I guess, magaling ang performance ko base sa imahinasyon mo," pang-aasar muli nito. "Hindi nga sabi! Lintik ka!" sigaw ko at tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking kamay. "Huwag ka nang mag-deny. Halata namang gusto mo akong matikman," he said again. "Tumigil ka nga! Kapal mo! Isa pang pang-aasar at titirisin ko talaga 'yang itlog mo!" tanging singhal ko sa kanya. Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD