Isang araw ng maisipan kong tawagan ang numero ng aking matalik na kaibigan. Ang tagal na rin kasing hindi man lang ako rito nakakapagparamdam simula ng hindi matuloy ang kasal ko. Wala tuloy akong balita rito kung bumalik na ba ito ng ibang bansa. "Hello," wika ng kabilang linya. Galak naman ang naramdaman ko ng makuntak ko ito. "Bes," wika ko. "Bes?! Omg! Akala ko hindi ka na magpaparamdam? Kumusta ka? Nasaan ka ba ngayon? At ano bang nangyari, bakit 'di ka nakadalo sa kasal mo? Alam mo na ba ang mga nangyari?" sunod-sunod nitong tanong. Napakagat-labi naman ako dahil sa sunod-sunod nitong tanong. "Mahabang kuwento bes, pero maayos naman ako. Ikaw? Nasaan ka ba ngayon? Bumalik ka na ba ng ibang bansa?" tanong ko rin dito. "Mabuti naman kung ganoon bes, nandito pa rin ako sa amin

