Inis man ang nararamdaman ko ngunit wala akong magawa kun'di gawin ang dapat mapadali sa problemang kinakaharap ko. "Hmm.. Laurin, come here," kunwa'y mahinahon kong pagtawag dito. Palabas na ito nang opisina ko ng tawagin ko ito. Napansin ko naman ang matamis nitong mga ngiti. Lihim naman akong napatiim-bagang. "Bahala na." Tumayo ako't unti-unting humakbang palapit dito na siyang papasalubong naman nito sa 'kin. Tumigil ako sa paghakbang ng nakalapit na ito sa 'kin. "Yes Sir?" tanong nito na may kasamang matamis na ngiti. Saglit ko itong tinitigan kunwari. Kahit na, gusto ko nang ipakitang labag sa loob ko ang pakikipaglapit dito at pakikipag-usap ngunit mas pinili kong magkunwari rito. "Maganda ka sana, pero mas gaganda ka kapag nakalugay ang mahaba mong buhok," wika ko na pili

