Episode 7 (Dave POV)

1015 Words
Mukhang nakalimutan 'ata ang tungkol sa pamilya nito. Dahil mabilis itong nagbihis para makapamasyal kami. Na siyang ikinatuwa ko naman. At ngayon nga nasa mall kami na pag-aari ko. Hindi ko pinapansin ang mga taong panay tingin sa aming dalawa ng Angel ko. "Honey, bakit panay yuko ang mga empleyado sa atin?" takang tanong nito sa akin. "Kasi nga honey, pag-aari pa natin ito. Dito kita dinala baka sakaling may maalala ka," pagsisinungaling ko rito. "Talaga? Sa atin pa pala ito.. wow, ang yaman pala ng asawa ko," wika nito sabay kapit sa braso ko. Pansin ko rin ang ngiting sumilay sa mapupulang labi nito. Kinikilig naman ako dahil sa ginagawi nito sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming napapatinging lalaki sa amin. Napakaganda yata ng asawa ko. Proud na wika ko sa sarili. "Asawa ba talaga Dave?" saway bigla ng kontrabidang isip ko. "Yes honey, at lahat ng ito ay dahil sa'yo, you're my inspiration," ngiting wika ko rito. Nagulat pa ako ng halikan ako nito sa pisngi. "Thank you honey, ang suwerte ko sa'yo, bukod sa guwapo na, mabait, mapagmahal, malambing, mayaman at ako lang ang mahal," wika nito na halos ikinatunaw ng puso ko. Hindi ko tuloy maiwasang titigan ito, napakaganda talaga niya, lalo na 'pag nakangiti, she look innocent. Napaka-amo ng mukha at ang mapupulang nitong mga labi na natural lamang. Everytime I see her lips, I really want to kiss it. Ngunit nagpipigil ako at baka kung saan pa mapunta ang pagnanasa ko sa Angel ko. "What?" takang tanong nito sa akin. "Hmm, masaya lang ako dahil ako ang pinili mo, aba ang ganda yata ng asawa ko, naiinis nga ako dahil maraming nakatingin saiyong mga lalake eh," kunwa'y nagseselos ako. Pero totoo naman. Kung pwede nga lang manuntok ng mga oras na iyon o mambulyaw ginawa ko na. "Sus! Bakit sa akin lang ba, tingnan mo naman iyang mga babae, halos mabali na ang mga leeg kakasunod ng tingin sa'yo, dami pa nagpapa-cute, sarap dukutin ng mga mata," himutok nito na parang bata. Na siyang ikinatawa ko. "It is real, nagseselos ba ito?" Amused naman akong tumingin dito. "What's funny?" tanong nito, na lalo kong ikinatawa. Hindi ko naman kasi akalain na magkakatotoo ang pagsisinungaling kong selosa nga ito sa totoong buhay. "Nothing honey, natatawa ako kasi kahit may amnesia ka, ganoon na ganoon pa rin ang ugali mo kapag wala kang amnesia. You're so cute, that's why I love you." "Talaga mahal mo ako kahit selosa ako?" Paglalambing pa nito habang nakangiti sa akin ng matamis. "Sana kahit makaalala ka, ganiyan ka pa rin. Kung puwede nga lang huwag ka nang makaalala, huwag ka lang mawala sa akin. Natatakot ako na baka may pamilya kang naiwan, hindi ko alam kung kakayanin ko." wika ng isip ko. "Yes, iyon nga ang dahilan kung bakit higit kitang minahal, dahil sa pagiging selosa mo. Dahil alam kung mahal na mahal mo lang ako kaya ka nagseselos," pagsisinungaling ko na naman. "How about our marriage? Matagal na ba tayong kinasal?" tanong na naman nito na nagpapahirap sa kalooban ko. Kasalukuyan kaming naghihintay ng in-order ng mga oras na iyon. "One year pa lang tayong kasal honey, pero matagal na tayong magkarelasyon," wika ko. "Oh, hayan na ang pagkain, kain na muna tayo." Pag-iiba ko ng usapan. Mabuti na lang talaga 'di nito napapansin ang pag-iiba ko ng topic. Hindi ko tuloy napigilan ang mapabuntong-hininga ng palihim. Maya maya tumawag sa cellphone ko si Atty. Kim. Dahilan upang magpaalam ako sandali sa Angel ko. "Wait honey, sagutin ko lang itong tumatawag," wika ko rito sabay tayo. "Sino tumatawag sa'yo?" Lihim akong napangiti sa tanong nito. Selosa talaga. "Sa opisina honey, wait lang ha." Pagkatango nito, umalis ako kaagad. "Sige Mr. Kim, usap tayo mamaya. Sa opisina na lang tayo mag-usap," wika ko. Ilang minuto lang ang pinag-usapan namin at kaagad na din akong bumalik sa Angel ko. Ilang beses kaming umikot nang umikot sa loob ng mall bago ako nagpasyang yayain itong umuwi. Hapon na nang bumalik kami. "Honey, dito ka na muna ha, may emergency kasing meeting na kailangan kong asikasuhin sa opisina. Babalik din ako kaagad," wika ko kay Angel pagkarating namin sa mansyon. "Hindi mo ako isasama?" malungkot na tanong nito sa akin. Bigla rin naging busangot ang mukha nito. Ngunit nanatili pa rin itong maganda. Mas nagmukha nga itong cute sa paningin ko. "Kung alam mo lang gusto kitang palaging nasa tabi ko. Pero hindi maari." Piping wika ng isipan ko. Hinawakan ko ang mukha nito gamit ang dalawa kong kamay. "Huwag na muna honey, kasi maboboard ka lang sa opisina, lalo na busy ako, hindi kita maasikaso roon. Next time, isasama kita kapag wala akong masyadong gagawin okay? Saglit lang naman ako roon, pahinga ka na muna," wika ko rito. "Ahmm sige, balik ka kaagad." Sabay yakap nito sa akin. "Sh*t bakit ganito pakiramdam ko, naninigas ako f**k!" Inilayo ko ito ng kaunti dahil sa takot na maramdaman nito ang alaga kong nagigising. "Yes honey, I'll be back immediately." Nagulat pa ako ng ito mismo humalik sa labi ko. Ihihiwalay na sana nito ang labi nito ng kabigin ko muli ito at halikan ng malalim. "Ahmp," rinig kong napaungol ito ng mahina sa ginawa ko. "P-parang ayaw ko nang umalis," paos na wika ko rito ng maghiwalay ang mga labi namin sa isa't isa. Lalo ko pang naramdaman ang pagkabuhay ng alaga ko. Damn! Tumawa naman ito. "Crazy, mamaya na iyang pang-iinit mo. Pumunta ka na, importante iyan eh," wika nito sa akin na namumula ang pisngi. Tumawa na lang ako ng mahina at niyakap ito ng mahigpit. "Ikaw kasi eh, pinapainit mo asawa mo. Okay aalis na ako, babalik din ako 'agad." Humalik ako sa noo nito pagkatapos sa labi. Habang nasa sasakyan ako, hindi ko naman maiwasang mapangiti. Hindi ko maiwasang isipin ang maamo at napakagandang mukha nito. Ang mga mapupulang labi nito na parang nag-aanyaya na mahagkan. Ang mga ngiti nito na makakapagpatunaw sa puso ko. "Inlove na 'ata talaga ako. Sa tagal na panahon, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa babae."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD