Episode 8

1011 Words
"Iyan na iyong pinapagawa mo lahat sa akin," wika ni Atty. Kim. Kasalukuyang nasa opisina kami habang iniisa-isa ko ang lahat ng ipinagawa ko rito. Nandoon na iyong pinagawa kong marriage paper namin ng asawa ko, at pictures kunwari ng family ng asawa ko na tinatawag kong Angel. Nandoon na rin ang I. D nito na mapapatunayang siya nga si Angel Dela Cruz. Kung saan siya nag-aral, ang family niya, pictures nilang dalawa. At marami pang iba na possibleng itanong nito sa akin. "Okay atty, thank you for this," wika ko sa aking attorney na siyang gumawa ng lahat. Sinubukan ko ring kumuha ng private investigator para malaman ang katauhan ng inaangkin kong asawa ngayon. Subalit wala pa rin itong makuha sa ngayon. Kaya kumuha pa ako ng pinakamagaling na mangguguhit kamay para makuha ang anggulo ng asawa kong si Angel. Lingid kasi rito na kinuhaan ko ito ng stolen picture para maipagawa ang plano ko. Hindi rin lingid sa mga kasambahay ang mga ginagawa ko, dahil bago pa man kami umuwi ng mansyon, sinabihan ko ang mga itong tumahimik na lamang kapag nagtanong si Angel. Kahit sa secretary ko sa kompanya, pinaalam ko rin ang dapat nilang ikilos, once na isama ko si Angel. Dahil nasisigurado akong darating ang araw na sasama ito sa kompanya ko. Kahit ang mga kaibigan ko, ipinaalam ko sa mga ito. Kahit puro kantiyawan ang natamo ko sa mga gag*ng kaibigan ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni atty. Kaagad na akong bumalik ng mansyon. Ewan ko ba pero nasasabik akong makita ang inaangkin kong asawa. Alas-7 na ng gabi ng makabalik ako ng mansyon. Nagulat pa ako ng makitang naghihintay sa sala si Angel. Mabilis ako nitong niyakap. "Akala ko hindi ka na uuwi, kanina pa ako nababahala eh," wika nito na kakikitaan ng takot sa mga mata. "Siguro dahil wala siyang maalala." "I'm sorry honey, nagkaroon lang nang kaunting problema. Huwag ka ng matakot, hindi naman kita iiwan." Sabay halik sa mga labi nito. "Did you eat?" masuyong tanong ko habang nakayakap pa rin ito sa akin na ginantihan ko rin ng mahigpit na yakap. "No, hinihintay kita eh. Hindi ko magagawang kumain ng wala ka," wika nito na lalong nagpatindi ng t***k ng puso ko. "Honey naman, lalo mo naman akong pinapamahal sa'yo niyan.. sige ka baka mabaliw ako," pagbibiro ko rito. Pero ang totoo, iba na talaga ang nararamdaman ko para sa babae. "Hmp! Bolero," wika nito sabay kurot ng pino sa tagiliran ko. Tumawa na lang ako at niyaya na itong kumain. Habang naliligo ang asawa kong si Angel hindi naman ako mapakali. May excite kasi akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Napalunok pa ako ng lumabas ito sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya ang katawan nito. Kahit tuwalya lang ang suot, kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan nito. Sa isiping iyon, nakaramdam akong sakit sa puson. "Ayos ka lang ba honey?" tanong nito sa akin. Lumapit pa ito para hawakan ang noo ko. "Hala, mainit ka honey, masama ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito sa akin. "Paano ba naman kasi akong hindi iinit." himutok ng isip ko. "I'm okay honey, n-namiss lang kita," bigla kong wika rito sabay yakap dito. Sobrang bango, nakakabaliw. "Namiss? Hindi naman ako umaalis ah," wika nito na parang naguluhan sa inakto ko. "I mean honey, palagi kitang namimiss kapag nasa opisina ako na 'di ka kasama, lalo na ngayon namimiss kita ng sobra dahil hindi mo ako maalala," kunwari' y nagtatampo ako. "Sorry na honey, hindi ko naman sinasadya na mawalan ng alaala," wika nito na ikinabahala ko. "No honey, it's okay, don't worry, hindi mo naman kasalan ang nangyari." Sabay halik ko na lang sa noo nito at pinaupo sa kama. "Ligo lang ako honey," wika ko. "Hindi ba naligo ka na?" pagtatakang tanong nito sa akin. "Yes, naligo na ako pero mukhang kailangan ko ulit maligo ng malamig na tubig para mawala ang init ng katawan ko." wika naman ng isip ko. "Yes honey, pero naiinitan kasi ako kaya kailangan kong magpalamig." Iyon lang at dumiretso na ako ng banyo at baka kung ano na naman sabihin nito at 'di ko mapigilan ang nararamdaman kong init para sa kaniya. Samantalang si Angel, naguluhan sa ikinilos ng inaakala niyang asawa. "Anong problema no' n?" Hanggang sa mapansin niya ang litrato nila noong wedding day nila. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya. "Ang guwapo talaga ng asawa ko at sobrang bait pa. Sana lang talaga maka-alala na ako." Nagulat pa si Angel ng lumabas ang asawa niya na nakatapis lang ito ng tuwalya sa baywang nito. Napanganga pa siya ng makita ang machong katawan ng asawa, namumutok na mga abs, na kay sarap hawakan. Napalunok pa siya habang pinagmamasdan ang kabuuan nito hanggang sa dumako ang tingin niya sa may natatakpang tuwalya. "Bakit parang first time ko yata itong nakita siyang ganiyan? Ha! Wala nga pala akong maalala." Gusto kong matawa sa reaksyon ni Angel. Sinadya ko talagang magpakita rito na nakatuwalya lang. At hindi ko akalain na mapapanganga pa ang inosenteng mukha nito. Napangiti na lang ako ng lumunok pa ito. "Are you done, mahal kong asawa?" tanong ko rito na may nakakalukong ngiti. Parang natauhan naman ito at namula ang pisngi nito na naging dahilan para uminit na naman ako. Sh*t! "Hmp! Nagulat lang ako, para kasing.. bago sa akin na makita kang ganiyan. Pero naalala ko rin na, wala nga pala akong matandaan," wika nito sa akin at bigla na lang itong humiga patagilid, pa talikod sa akin. Nakasuot na itong pantulog na manipis na dress. Lalo pa akong napalunok ng mapansin ang bakat nitong katawan sa manipis nitong suot. Kahit na may bra at panty itong suot. Kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Ang sexy!. Sunod-sunod akong napalunok at tumalikod dito para kumuha ng beer, at uminom na lang kaysa ang mapagsamantalahan ko ang kagandahan nito. Kung bakit naman kasi humiga, pero hindi nagkumot. Nahihirapan tuloy ako. himutok ko sa sarili. Pero kinikilig ako sa isiping asawa ang turing nito sa akin tulad ng sinasabi ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD