"Sir may naghahanap po sainyo," wika ni Lea na nasa intercom. "Who?" "Siya raw po si Evangeline Reyes," sagot nito. Ano naman ang kailangan ng anak ni Mr Reyes?" sagi sa aking isipan. "Okay, papasukin mo." Isang matamis kaagad ang napansin ko sa babae. Ngunit halata dito ang pagiging professional. "Hi Mr. Dela Montre," wika nito. Napansin ko rin na pormal lang ang suot nito. Hindi katulad ng ibang babae na halos ilabas na ang katawan mapansin ko lang. Ngunit mukhang nag-iba yata ito simula ng malaman na may asawa't anak ko. Well, mas better naman kung ganoon. Atleast hindi siya katulad ng iba. "Hi, take a sit," wika ko rito. "Anong mayroon at napapunta ang anak ni Mr. Reyes?" Bumuntong-hininga ito bago sumagot sa akin. Mukha pang nalungkot ang mukha nito. "Pinapunta ako rito ni

