"Are you okay honey?" tanong ng asawa kong si Angel. "Ha, yes honey. Why?" tanong ko rito. "Hmm, pansin ko kasi parang wala ka sa sarili at mukha kang balisa riyan. May problema ba?" mahinahong wika nito. Tinitigan ko naman ang magandang mukha nito. Alam ko na sumama ang loob nito at nagalit ito sa akin noon dahil hindi ko sinasabi ang problema ko rito. Pero kailangan ko bang sabihin dito na ang inaalala ko ay ang nakaraan ng magulang ko?" Niyakap ko na lang ito bigla sabay halik sa labi nito. "Naaalala ko lang ang mga magulang ko. Sometimes I miss them," wika ko na lang sa asawa ko. Niyakap naman ako nito ng mahigit sabay halik rin sa labi ko. "Don't be sad honey. I'm sure hindi nila gugustuhin na makita kang nalulungkot. I'm here, nang anak mo," wika nito. Pilit naman akong ngumi

