"Nagagalak akong makilala ang nag-iisang anak ng Dela Montre," wika ni Mr. Reyes sa akin. Noong nabubuhay pa kasi ang mga magulang ko, nalaman kong kalaban ito pagdating sa negosyo. Ngunit hanggang doon lang ang alam ko. Dahil noong kabataan ko, wala akong inaatupag kun'di mambabae at pumunta palagi sa bar. Dahil malakas pa naman noon ang daddy ko kaya 'di muna ako nito pinapahawak sa business. Kaya halos hindi ako kilala ng mga tao na ako ang anak nang bilyonaryo ng isang Dela Montre. At ito rin ang unang nakilala ko ang taong ito sa personal. Well, nakita ko na ito noon pero sa mga television at magazine lang. At ngayon kaharap ko ito dahil gusto nitong makipag business partner sa akin. Curios ako dahil alam kung kalaban ito ni daddy noon, ngunit pinaunlakan ko pa rin dahil katulad

