"Naks, mukha ka 'atang napalaban ng ilang araw ah, namayat ka yata dude?" natatawang pagbibiro ni Marc sa akin. "Inubos mo ba ang energy mo dude? Grabi ka naman," wika rin ni Denz habang nagpipigil na mapatawa ng malakas. "Nabaliw sa pagkatigang ng ilang buwan eh, paano," natatawang wika naman ni Vinz. "Siguro sumasayaw sa sobrang saya ang junior mo ano?" wika naman ni Keth na siyang naging dahilan ng hagalpakan ng mga ito. Kaya naman kinuha ko ang spray na may alcohol at pinaulanan ang mga ito. Natatawa naman ang mga itong umiiwas. "Wala na kayong ginawa kun'di pagtripan ako," wika ko sa mga ito. Naupo naman ulit ang mga ito. Nasa opisina kami ng mga oras na iyon. "Anyway dude, congrats sa kasal niyo. Finally, asawa mo na rin ang tinuturing mong asawa noon pa man," wika ni Marc

