Napalunok ako nang bigla na lang ako nitong lampasan. Hating-gabi na ng mga oras na iyon at nagawa ko pa itong hintayin, ngunit ito lang pala ang isasalubong nito sa 'kin. "Ano ba dapat ang aasahan ko?" wika ng isip ko. Kagat-labi ko na lang itong hinabol ng tingin. Ramdam ko ang sakit sa dibdib dahil sa ginawi nito. Samantalang kanina lamang umaga, hinalikan niya ako at marunong pa magpaalam. Ngayon para akong anino na hindi man lang tinapunan ng tingin na akala mo eh walang tao. Nilagpasan lang ako nito na parang walang nakita. Ilang araw ang lumipas ng mapansin ko ang pagbabago nito ng tuluyan. Naglaho na ang dating Dave na nakilala ko. Ngayon ko lang din napagtanto kung gaano pala kahirap ang hindi ka pansinin ng taong mahal mo. Tipong halos magmakaawa na ako sa paraan ng tingin

