"What do you mean?" tanong ni Ted na mabilis ibinaba ang plastic na dala. "James is out of nowhere. Dad is looking at him. I don't know where he will go. I'm coming to look for him too," mangiyak-ngiyak na tugon ni Jade. Kinabig siya ng yakap ni Ted at inalo, "Shh, don't worry. Makikita rin natin s'ya, okay? Mabuti pa mag-stay ka na muna rito at tutulungan ko na lang si papa na hanapin ang anak natin. Just stay here and pray, okay?" Hinalikan nito sa noo si Jade at saka lumabas ng cottage para hanapin ang anak. Tumango si Jade at pinilit pigilan ang luha niyang nagbabantang pumatak kanina pa. "Shh, your husband is right. You don't need to panic. Mas mabuti na ipagdasal na lang natin na mahanap si James. Anong malay natin baka nakipaglaro lang pala sa ibang mga bata riyan? Hindi naman t

