CHAPTER FOURTYSIX - VACATION

2145 Words

CHP-46 AFTER 3 YEARS MANILA, PHILIPPINES 9:45 AM "ARE you ready, guys?" Malakas na sabi ng kapapasok lang na si Jopay. Kadarating nito mula sa trabaho at dumiretso kaagad sa bahay nina Jade. Isa si Jopay sa pinagkakatiwalaang tao ni Jade. Kikay at makwela kasama. Nag-set nang bakasyon sa Boracay ang pamilya ni Jade. At ngayon ay kasalukuyan silang naghahanda para sa pag-alis. Tatlong araw na mula nang dumating galing sa New York ang mga kapatid ni Jade na sina Zeny at ang tyahin niya na pangalawang asawa ng kanyang ama. Itinaon na rin nila na isabay sa gaganaping birthday ng kanyang kambal. "Mukhang ang aga mo naman yatang dumating? Nasaan ang ibang barkada?" ani Jade na ang tinutukoy ay ang kanyang mga kaibigan na sina Rica, Cindy, Brenda at Jessy. May tatlo sa mga ito ang beky.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD