"Agent? Hindi ba mahirap 'yon? Paano kung may masamang mangyari sa 'yo habang nasa misyon ka? Hindi mga kilalang tao ang hinahanap n'yo," biglang sabi ni Jade matapos magsalita ang asawa. "Hon, kahit mahirap kailangan natin gawin. Kapag hindi natin hinarap ito mas lalo tayong hindi titigilan ng mga 'yon," ani Ted. "Nga naman, anak. May tiwala ako sa asawa mo. Wala lang naman siyang ibang hinahangad kundi ang kapakanan ninyong mag-anak. Kapag hindi sila nahanap, mas lalong lahat tayo apektado. Ang kailangan lang d'yan, suporta nating buong pamilya niya sa kung ano man ang dapat. Saka hindi naman sa kanya ibibigay ang misyon na 'yan kung alam nilang hindi niya kaya. Mas malaki ang tiwala nila sa asawa mo. Suportahan na lang natin siya," sagot ng kanyang ama. Napa-buntonghiniga si Jade a

