TED "GOOD MORNING," bati niya sa asawang kasalukuyan pa rin nakahiga. Bahagya siyang tumagilid sa gawi nito at hinapit ito palapit sa katawan at masuyong dinampian ng halik sa batok. "Hmm, ano ba? Inaantok pa ako, eh," angal ni Jade na nakapikit pa rin. "Just continue to sleep. I'll just prepare myself. I love you," aniya na hindi pa rin siya binibitawan sa pagkakayakap. "I want to feel your warmth," lambing niya. "Umm, okay, good luck!" Sagot ni Jade na nanatili pa rin nakapikit ang mga mata. "Okay!" Anito at muli siyang hinalikan sa mukha at saka bumangon. Dumiretso siya sa banyo para maglinis ng sarili. Paglabas niya ay naabutan naman niya ang asawa na nakahiga na patagilid at nakaharap sa kanya. Gising ito at pinagmamasdan lang siya. "Oh, akala ko ba inaantok ka pa?" Takang

