NANATILI sa loob ng headquarter sina Ted at mga kasama habang hinihintay nila ang ginagawang pag-iimbestiga sa prinsipal. Gustuhin man ni Ted na siya ang magtanong dito ay hindi rin siya pinahintulutan ng mga opisyal, dahil 'di umano sa personal niyang interes dito. "Hey, easy! Siguro naman ngayon na nalaman natin na siya ang nagpasimula nito, tiyak naman siguro na matatakot siya at magsasalita rin. Alam naman niya kung ano ang kakaharapin niya ngayon," ani Ivan. Tumayo at nagpabalik-balik nang lakad si Ted sa kabuuan ng hallway. "Iyon na nga, eh. Paano kung magmatigas siya at hindi pa rin niya aminin kungbano ang totoo? Hindi ko alam kung saan tayo tuloy nito magsisimula," ani Ted. "Don't worry, high quality ang camera na ginamit ng establishment na nakuhanan namin ng kopya ng footag

