"NASAAN SIYA?" muling umalingawngaw ang tinig ni Ted sa kabuuan ng silid. Kapansin pansin ang bahagyang panginginig ng prinsipal habang nakikita nito ang galit na galit na awra ni Ted. Sa unang pagkakataon pakiramdam kasi ni Ted ay pinaglalaruan siya ng mga nakapaligid sa kanya sa loob ng eskwelahan na iyon. "Hey, easy lang. Kalma. Pwede bang hinaan mo naman ang boses mo? Tayo tayo na nga lang ang narito, eh," ani Erica na kasunod ni Ted kasama si Ivan. Marahan nitong hinawakan ang braso ni Ted na may hawak ng baril para maibaba nito. Paano akong kakalma kung ngayon pa lang pinanggigigil na ako nang mga tao rito? Ano ba talaga, ha? Bastosan na ba tayo rito?" Ani Ted at muling itinaas ang hawak na sandata. At akma sana niyang itututok sa prinsipal. Alam niya na mali ang ginagawa niya n

