bc

Stories From the Wounded Heart (One-Shot Story Collection)

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
scary
loser
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

This is a collection of stories that could tear your heart a part. This is a collection of heartbreaking stories with a lot of lessons. This is also about my experiences and about my struggles and hardships. In this collection of stories, you'll see how true love works. Love waits, love heals. Love doesn't hurt, love comforts.

chap-preview
Free preview
So Near, Yet so Far
SO NEAR, YET SO FAR Hi everyone! I am Hailey but people call me "H". Lahat daw kasi ng "h" ay nasa akin na. Hyper, Humourous, Hugotera at Hopeless Romantic. And speaking of hopeless, wala na ata talaga akong pag-asa sa crush ko. He's name is Kio Miguel. Famous siya sa school and pogi din. Human magnet nga eh, kasi naattract niya lahat ng girls saan man siya magpunta. Hayys, bakit kasi ampogi niya? Minsan, 'yong sobrang kapogian ay nakakasama lalo na kapag andami na ng kaagaw! Since elementary pa lang ay gusto ko na siya. He's smart, athletic, kind and gentlemen din kasi! Ackk, ang perfect ng hubby ko! “Hoii Love! Ipanalo mo 'yan! Proud na proud kami ng mga anak mo sa'yo!“ walanghiya kong sigaw noong may basketball competition sila. Nasa pinakalikod kasi kami na upuan kaya alam kong hindi naman niya ako maririnig. Matapos kong sabihin 'yon ay nagulat ako ng magtagpo ang mga mata namin. Halos himatayin ako ng kumindat siya sa akin! Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Omgg! Kinindatan ako ni Crush! Pero naglaho 'yong kilig ko nang makita ko 'yong muse namin na nasa may unahan ko pa pala nakaupo. Hayys, bakit ba wala ito sa unahan? Muse siya, tas nasa likod nakaupo! Habang nanonood ng liga ay walang gana kong tiningnan ang crush ko habang naglalaro siya roon sa may court. “10 ka sana kaso madami akong kaagaw. . . pero 11 ka, kasi pogi.“ natatawa kong saad sa sarili. Noong matapos ang game ay nakita ko siyang lumapit papunta sa direksyon ko. Omg! Lalapitan na ba niya ako? Magpo-propose na ba siya sa'kin? I do na agad, Father! Lumukot ang aking mukha ng makita ko siyang lumapit sa muse namin. “Hi Chlouie, are you free tonight?” malambing niyang tanong kay Chlouie; ang muse namin. Kunwari naman ay nahihiyang tumango ang babae. Hayys, pabebe! Nang lumabas kami ng gate kasama ang mga kaibigan ko ay nagpaiwan muna ako. Syempre babatiin ko muna ang crush ko kasi nanalo sila. Akala ko ay masaya akong uuwi ng bahay. Hindi pala. Nakita ko kasi na kiniss ni Chlouie 'yong pisngi ng crush ko! Kairita! Tas hindi man lang pumalag ang bbko! Matapos ang insidente na iyon ay hindi na ako pumupunta sa mga laro niya. Hindi ko na rin siya ginugulo kasi baka mali na, kasi baka sila na ni Chlouie, 'di ba? I distanced myself from him. Oo nga't crush ko siya pero hindi ko naman ugaling manira ng relasyon. Hindi naman ako desperada. Isang araw, nagulat na lang ako nang pumunta si Kio sa room namin. Mygosh! Hinahanap niya ako! He excused me from our teacher kasi may klase noon. Nagulat pa nga ako when he suddenly hold my wrist. It brings electricity and a different shock on my spine and stomach. Omg! Anlambot ng kamay niya mhie! “Why didn't you attend my game last Sunday?“ maotoridad niyang tanong. “ Ah. . . K-Kasi nagreview ako.“ palusot ko sa kaniya. “My game last-last Sunday?“ “May lakad ako.“ I answered. “My game before that?“ “Naglaba ako?“ Pumikit muna siya bago nagsalita. “Damn it! Hapon ang game namin tas naglaba ka!? What kind of excuse was that?”nagtitimpi niyang saad. “Oo na. . . Sige na, sasabihin ko na ang totoo. . .” “Hindi ako pumunta kasi baka magalit na ang girlfriend mo. Kasi 'di ba, ano. . . masyado akong madada, baka ma-offend siya. . .“ seryoso kong sabi. “Girlfriend? Who?“ “Hindi ba kayo ni Chlouie?“ “ Hell No!” “Eh 'di ba kiniss ka niya sa pisngi? Akala ko kayo na. . .“ “Halik? You mean beso?“ “Ayy, beso ba 'yon? Sorry!“ saad ko with matching peace sign. Natatawa naman siyang umiling pagkatapos ay nagsalita. “Can I have your number, H?“ saad niya. Omg! Hihimatayin ata ako. “ S-Sure...“ Nanginginig kong kinuha ang phone ko sa bag ko at iniabot iyon sa kaniya para makuha niya ang number ko. Since that day, lagi na kaming magkausap sa phone. He would always tell me how his day went and vice versa. We're so sweet in chats na parang kami, kahit hindi. He also told me to stay away from the other guys and I told him to stay away from the other girls too. We both agreed that after Senior High School, we'll make our relationship official. Kinikilig ako, pero hindi ko ipinapahalata kasi dapat lowkey lang. Chozz. Ayan na nga, when we both graduated from Senior High, we became official. He's clingy din pala and he's too sweet. He's the type of guy that I am dreaming to have. He's my ideal guy; he's my standard. We celebrated our first monthsarry on their house and we celebrated the 2nd on mine. We both agreed na we won't tell our parents that we are in a relationship because we both want to see if we will surpass a year of being together. We want to remain lowkey 'til we reach our first anniversary. On all our monthsarries, we would always use alibis for both our parents to not suspect that we're in a relationship. Minsan nga, ginawa kong alibi na may ipapatutor lang ako sa kaniya, pero siyempre naghanda ako ng food na kunwari ay meryenda niya(cake tas lasagna. Hmmp) pero ang totoo ay handa 'yon para sa monthsarry namin. Nakakatunog na kaya 'yong mga magulang ko? Mwehehe (•‿•) I thought everything will go well. Akala ko ay palaging in good terms ang relationship namin but I was wrong. One time, nag-away kami when I didn't immediately answer his call. Siyempre may ginagawa ako that time and I turn off my phone. Nagkasagutan kami then isang linggo kaming hindi nagpansinan. I thought wala nang mas sasakit pa doon. Nasa akin nga pala lahat ng "h". I have the humour, the hugots, the hypeness and the Huntington's Disease and Heart Disease. I had learned na may Huntingtons Disease ako when my Mom went to the hospital to consult her doctor. Napag-usapan kasi nila ang tungkol sa sakit ng tita ko, ang Huntington's Disease. Namamana daw ang sakit na ito at wala raw itong lunas. Sinabi din nila sa'kin ang mga sintomas nito na ikinagulat ko naman dahil nararanasan ko ang ilan sa mga sintomas. My mom encouraged me to take a genetic test to ease my worry. Kinakabahan man at natatakot ay sinunod ko siya; and what I had found out, wrecked me. I inherited my Aunt's disease! I could still remember how I cried when I found out that I have an illness. That night, I also found out that I have a heart disease which I inherited from my Mom. I was crying my heart out when I felt that I couldn't breathe and my legs and arms were numb. Thankfully, my mom entered my room and saw me touching my chest while catching my breath. I had lost my consciousness and when I woke up, I am at the hospital. That's when I found out my other disease. After a day in the hospital, nagpumilit ako na umuwi na. Tutol man ang parents ko noong una ay pumayag na din sila. Nakita kasi nilang mukha akong nahihirapan at iyak na lang ako ng iyak. My doctor advised me na huwag ko daw istresin ang sarili ko. Lumayo daw muna ako sa mga bagay na makakapagpalala or makakapagtrigger sa mga sakit ko. Nang buksan ko ang cellphone ko ay tumambad sa akin ang mga messages ni Kio. Gustong gusto ko siyang replyan ngunit pinigilan ko ang sarili ko. At last, I decided to do the biggest and most painful act. Tinawagan ko siya at mas sumakit ang puso ko noong malambing niya akong kinausap. “Hi Love, sorry na... Sorry kung masyado akong childish at immature. Promise, iiwasan ko na 'yon and I will never do it again.“ he said; pleading. “Okay lang.“ I tried to act unaffected, as goid as possible. “May problema ba, Love?“ ramdam ko sa boses niya na nag-alala siya't kinakabahan. “Let's break up.“ walang pakundangan kong saad. “Joke lang 'yan 'di ba? Sabihin mo H, nagbibiro ka lang naman 'di ba?“ “Seryoso ako. Maghiwalay na tayo. Nakakapagod kang mahalin! Nasasakal na ako! Lagi ka na lang nagagalit dahil lang sa maliliit na bagay! Napakachildish mo! Nakakasawa na!” Patawad Mahal, kung kailangan kong gawin ito. You deserve the best at 'yong babaeng makakasama mo habang buhay. Pwede namang ako na lang 'yon ngunit walang kasiguraduhan kung mabubuhay ba ako ng matagal. “G-Ganoon ba? S-Sige Love, pero sana maging masaya ka. P-please, maging masaya ka.“ saad niya habang bakas ang panginginig ng kaniyang boses. Pinatay ko ang tawag habang pinipigilang muling mapaluha. Sorry, sorry sa lahat... Mahal kita pero hindi ako ang babaeng para sa'yo. Ginugol ko ang panahon ko sa pagpapagamot. Ginawa ko ang lahat para mawala 'yong sakit ko kahit alam kong imposible iyon. Huntington's Disease is incurable and so as Heart Disease and all I could do was to undergo treatments and take medicines. Nagpalakas ako para mabuhay kasi gusto kong bumalik sa kaniya. Gusto kong magsorry at magpaliwanag kung bakit nakipaghiwalay ako sa kaniya. Gusto kong makasama siya ulit. Akala ko ay maibabalik pa namin ang dati pero mali ako; when I was about to talk to him, I learned that he now has a girlfriend. Magwa-one year na sila and they are going strong. I stalked his i********: account just to saw their pictures. They're too sweet and they're just like us. . . but better. Mas masaya siya ngayon. Mas masaya pa kaysa noong kami pa. Noong nagreunion na ang batch namin ay nakausap ko siya. We talked about life but we're both distant. He would smile at me pero alam ko na pilit lang 'yon. Alam kong hindi pa ako nakakapag-explain kaya I took the chance para iexplain 'yong side ko. “Sorry for leaving you, Kio. It's not my intention to hurt you and I have something big in my plate that time. I was sick and I was devastated. I thought leaving you was the best choice. I thought setting you free was the right thing to do but then I regretted it. I regretted that I left you.“ “It's okay, the damage was done and we can't do nothing about it. All we have to do now is have the closure that we didn't get when we part ways. When you told me na nakakasawa ako, my walls broke down. Bakit sa lahat ng tao, ikaw pa 'yong nagsawa sa'kin. Of all people, bakit ikaw pa 'di ba? But reality hit me, baka nga nakakasawa at nakakasakal na nga ako so kahit masakit, I set you free.“ nakangiti niyang saad. “I finally found my woman, H. Sana masaya ka para sa akin!“nakangiti niyang saad. “Oo naman, masaya ako para sa'yo! Anong name niya? Mukhang masaya ka ah!“ I to acted like it was nothing pero deep-inside, nasasaktan na ako. “Her name is Fayeah. She's sweet, caring and loving.“ Malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan ang kaniyang mga mata habang siya ay buong pagmamahal na nagkukwento tungkol sa mga katangian ni Fayeah. Ako dapat 'yon eh! Ako dapat 'yong kasama niya. Ako dapat 'yong mahal niya ngayon. After our talk ay labis kong napabayaan ang sarili ko. I stopped taking my meds and I stopped undergoing treatments. Lumala ang mga sakit ko. Humina ang katawan ko at mas naging madalas ang mga panic attacks, moodswings at mga anxiety attacks ko. One time ay muntik na akong ma-coma kung hindi lang naagapan ang mini-heart attack ko. My doctor said that I only had 3 months to live; and that wrecked the shits out of me. When I found it out, parang nawalan na ako ng bait. Gusto ko pang mabuhay ng matagal! Noong isang buwan na lang ang taning na ibinigay sa akin ay nakipagkita ako sa kaniya. . . Sa kanila, to be exact. Kinausap ko si Fayeah at inamin ko sa kaniyang mahal ko pa rin si Kio but I won't show it to him anymore kasi nirerespeto ko siya. Pinakiusapan ko rin siyang huwag niyang sasaktan si Kio at alagaan niya ito. He's the man I treasure at gusto kong bago ako mamatay ay nasa mabuti siyang mga kamay. Gusto kong bago ako mawala ay masigurado kong may nagmamahal sa kaniya. Kinausap ko rin si Kio. I thanked him for the nine-months na naging kami. I thanked him because I know this will be the last time na makakausap ko siya; because after this, mawawala na ako. In our life, may mga taong dadating na akala natin ay siya na nating makakasama sa buhay. May mga taong darating para iparamdam sa atin ang pagmamahal ngunit hindi rin naman magtatagal. Kio is my greatest love. He's my devotion, my dream and also my standard. I fell for him before he fell for me. In him, I had felt the unrequited love, the comfort, the security, and the love itself. Loving him was like the cycle of seasons. With him, I found comfort and warmth just like the summer. With him, I found the chills just like winter. With him, I bloomed just like the flower in spring but just like the autumn, his love faded away. Our lovestory was an example of a love that everyone would look for. We're good in any terms. No one cheated and there's no bigger problems. He's too near, yet so far, for he was with me but his heart belongs to somebody else. I'll die happy for my man was being loved by the girl he deserves. Again, this is Hailey. A girl with the nickname of "H", who was humorous, hugotera, hopeless romantic and a Heart and Huntington's Disease victim. Now signing off. . . THE END

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
53.2K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
50.0K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
105.6K
bc

The Forgotten Wife

read
44.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.9K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.5K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook