Kabanata II

1152 Words
[Wala ka nang magagawa sa desisyon ko Kira! Babalik ka rito sa Grimson, kahit ayaw mo!] "Tapos ka na po ba?" [Ano!? Aikira Deguztin! Huwag mo akong babastusin! Nakapagdesisyon na ako, babalik ka rito bukas na bukas! Naririnig mo ba ako!?] Gigil na gigil ang kaniyang Ama sa kaniya, dahil hindi ito nakikinig o sumusunod sa kaniya. Palagi itong nagagalit sa tuwing nag-uusap silang dalawa. "Wala naman akong ginawang masama." [Wala? Someone called me earlier at ang sabi nila sa akin na nadagdagan na naman daw ang record mo riyan sa Manila! Bilang isang Ama mo, Kira, bumalik kana rito!] "Dad, hindi ko mapipigilan ang sarili ko, kung palaging lumalapit sa akin ang gulo. Papatay ako kung kailan ko gustong pumatay, hindi mo ako mapipigilan," seryosong sabi ni Kira, sabay patay ng tawag. Hinagis niya ang kaniyang selpon sa sofa at lumapit sa balcony ng kaniyang apartment. Sa daming apartment sa Manila ito ang pinili niya. Ang apartment na nasa malaking building at kapag pumunta ka sa balcony ng apartment ay makikita mo ang madaming ilaw sa Manila. Makikita mo ang mga highway na palaging traffic at ang malaking langit ang paborito niyang tignan lalo na kapag dumadating ang gabi. Hindi niya kasi maintindihan ang kaniyang nararamdaman sa tuwing tumitingin siya roon. Para bang bumabalik ang sakit na nangyare sa kaniya noon. *Tok*tok* Tumingin siya sa pintuan ng kaniyang apartment at pinagbuksan kung sino man ang kumatok. "Young lady," sabay-sabay na sabi ng limang lalaki. Napabuntong hininga nalang siya at pinapasok ang mga lalaki sa kaniyang apartment, para ayusin ang mga damit na dadalihin niya sa Grimson City. Hindi talaga siya titigilan ng kaniyang Ama, talagang nagpadala pa ito ng mga lalaki, para ipahanda ang mga damit niya. Habang inaantay ang mga lalaki na matapos sa paglalagay ng mga gamit niya sa maleta ay nakaupo siya sa sofa at naglalaro ng Mobile Legends pampalipas oras lang, dahil ayaw niyang panoodin ang mga lalaki, baka mapatay niya pa ang mga ito, dahil sa inis. Wala naman talaga siyang balak bumalik sa Grimson City, dahil wala naman doon ang kaniyang hinahanap. Hindi siya pwedeng manatili roon. Napatigil si Kira sa paglalaro nang may nagtext sa kaniya. Napatayo siya at pumunta sa kaniyang kwarto. Nagulat siya nang makita niya ang mga lalaki na nakatutok ang mga baril nito sa kaniya. "s**t," bulong nito sa kaniyang sarili. Kung kailan niya gustong magpahinga roon naman magkakaroon ng kalaban at bakit sa apartment niya pa? Mas gusto niyang sa labas nalang, para walang mga furniture na masisira habang nakikipaglaban siya. "You're dead," napangisi si Kira at mabilis na kinuha ang baril sa lalaki na lalapit sa kaniya, sabay niyakap niya ito para ang lahat na bala na ipuputok ng apat na lalaki at masasalo ng lalaking kayakap niya. Nang malaman ng mga lalaki na ang kakampe nila ang kanilang binabaril ay tumakbo ang apat papalapit kay Kira, pero hindi naman agad sila nakalapit, dahil itinulak ni Kira ang lalaking kayakap nito sa apat, kaya nakatakbo si Kira sa sala at pinatay ang mga ilaw, kaya madilim ang buong bahay, sabay tago sa likod ng sofa. "Hanapin niyo ang siya," rinig ni Kira ang bulong ng isang lalaki sa kasamahan nito. Napailing nalang si Kira, dahil sa katangahan ng apat na lalaki, hindi dapat ito naghiwalay-hiwalay. Naramdaman ni Kira ang isang yabag ng paa at ito ay palapit na palapit sa kaniya. Bago siya nito makita ay dahan-dahan siyang naglakad sa likod nito at inikot ang ulo, para patay agad na hindi naglilikha ng ingay. Dahil apat nalang ang kaniyang kalaban, lumabas na siya sa sofa at pumunta sa kusina, sabay kumuha ng water bottle sa ref, kaya nagkaroon ng ilaw ang bahay. Napatingin si Aikira sa kaniyang likod, nang may naramdaman siya na tao roon. Mabilis niyang binuhusan ng malamig na tubig ang lalaki, sabay sinuntok sa mukha at tiyan. Itinutok niya ang baril sa noo ng lalaki sabay pinutok ito. Bigla nalang may nagpaputok ng baril sa pintuan ng kusina kaya napayuko siya sabay binaril din ang lalaki. Yumuko ulit siya nang makita niya ang isa pa niyang kalaban na sunod-suod na nagpaputok. Nang marinig niya na tapos na itong magpaputok at alam niya na wala na itong bala, ay sumampa siya sa lamesa, sabay tinalunan ang lalaki na ang kamao ay nakahanda na suntukin ang lalaki sa mukha. Nang masuntok niya ang lalaki ay nakahiga na ito sa sahig habang hawak-hawak ang mukha. "Susugod kayo rito ng hindi marunong makipagsuntukan?" paatras ng paatras ang lalaki, habang si Kira naman ay hakbang ng hakbang. "Bibigyan kita ng tatlong segundo na makaalis sa apartment ko," nataranta ang lalaki. "Isa," natataranta na lumabas ang lalaki. "Dalawa," makalmang naglakad si Kira palabas ng kaniyang apart at kinasa ang baril ng kalaban. "Tatlo," itinutok niya ang baril sa mismong ulo ng lalaki na tumatakbo sa hallway at pinutok ito. Napailing nalang si Kira at napabuntong hininga nang makita niya ang lalaki na natumba sa sahig. Pinanood niya ang paglabas ng dugo nito sa noo ng lalaki. Tinignan niya ang likod sa tenga nito at nadismaya siya nang wala siyang makitang tattoo sa lalaki. Ang mga lalaki lang pala na ito na gustong patayin siya. Ang tattoo na Skull ang kanilang hinahanap, palatandaan ng isang masamang tao. Kapag may ganoon ka sa likod ng tenga mo, ipagsabihin isa ka pinakamasamang tao sa Pilipinas. Magtago ka na rin, dahil hindi titigil ang mga pulis kakahanap sa mga taong ganoon. Bumalik si Kira sa kaniyang apartment at tinawagan si Stevan, para linisin ang kaniyang apartment. Wala ngang masyadong nasirang gamit nadumihan naman ng mga taong masasama. "Bakit ako nalang palagi ang tinatawagan mo sa tuwing may ipapagawa ka?" sabi ni Stevan, pagkadating na pagkadating nito sa apartment niya. Hindi siya sinagot ni Kira, dahil naglalaro siya ng Mobile Legends. "Ilang beses ko ba kasing sasabihin sa'yo, Kira, huwag mong babarilin sa noo," inis na sabi nito habang inilalagay ang mga bangkay sa isang plastic bag. "Tang-inang pagkabrutal 'yan, magbago ka naman." "Ang ingay," malamig na sabi ni Kira, kaya napatingin si Stevan sa babae. "May masasabi ka ba sa nangyare ngayon?" kinunutan siya ng noo ni Kira at bumalik ulit sa paglalaro. "May masasabi ka ba sa nangyare ngayon, Stevan?" tanong nito sa kaniyang sarili, habang naglilinis ng mga dugo. "Wala naman, masaya nga ako ngayon eh, kasi nakapaglinis ako ng patay." "Titigil ka o isasama kita sa mga patay?" "Ito na nga titigil na," inirapan ni Stevan si Kira, kaya pumasok nalang si Kira sa kaniyang kwarto. pero pinigilan siya ni Stevan. "May pinadalang sulat pala si Lieutenant General Fransiscko sa'yo kanina, hindi mo pa ba nakikita?" "May nakikita ka bang sulat sa bahay ko?" "Wala." "Edi wala, tanga ka?" isinara ni Kira ng malakas ang pintuan ng kwarto niya at humiga sa kaniyang kama. "Sulat? Anong sulat?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD