May isang babaeng nasa taas ng building. Nakasuot sya ng black gloves leather jacket, black leggings, and black boots. Nakatutok ang kanang mata nito sa isang 8x scope, siya ay may hawak na spiner at may handa ng patayin.
*Bang!!*
Pinindot niya ang button sa earphone na nakalagay sa kaniyang kanang tenga sabay nagsalita.
"Mr. Herin." sinipat niya ulit ang lalakeng pinatay niya gamit ang scope ng sniper. Napangisi siya nang makita niya ang mga tao na nagkakagulo sa loob ng conference room, hindi alam ng mga ito kung saan nang gagaling ang pagputok ng bala sa kanilang boss, dahil ang layo siya sa building na iyon.
"Dead."
"What about his secretary?"
"What? We can't kill his secretary. She knows the secret of her Boss."
"Ok, get out of there. May mga pulis na papunta riyan."
"Sh*t!" inilagay niya ang sniper sa lalagyan nito at inilagay sa kaniyang likod. Wala na siyang pake sa ibang gamit dahil ang mas mahalaga ay maka alis siya roon.
Dumaan siya sa fire exit para mas madali.
"Where am I going?"
"Baba ka lang diyan bilisan mo papasok pa lang ang mga pulis sa building."
Dahil sa inis niya. Tinalon niya nalang ang mga hagdanan. Galit na galit na siya dahil pinatakbo siya ng mga ito at kung sino man ang nagsumbong na nandoon siya sa building malalagot sa kaniya. Lalo na ang lalaking kausap niya kanina.
Pagkapunta niya sa ground floor ng building itinaas niya ang kaniyang hood at nagsuot ng shades. Confident na confident siya na walang makakakita sa kaniya dahil parang ordinaryo lang siyang babae na mayaman. Hindi niya inintindi ang mga taong nakatingin sa kaniya dahil alam niyang nagagandahan ang mga ito sa kaniya, kahit hindi naman talaga.
"Sir we lost her," narinig niya ang dalawang nag-uusap na pulis. Napangisi nalang siya dahil nalampasan niya ito at dahil na rin sa katangahan ng mga pulis.
"What? Search the whole area! We can't lose he! Now!"
"But Sir-."
"Now!"
Pagkalabas niya ng building sumakay ka agad siya sa kaniyang sasakyan na Lamborghini it's color black dahil favorite color niya ito. Well, everyone loves black even gray and white.
"Easy," mahina niyang sabi, sabay paandar ng makina ng sasakyan.
Pero hindi niya inaasahan na may nakasunood sa kan'yang mga car police.
"F*ck Stevan! Go to hell!"
"Sorry, just drive," isinisi niya kay Stevan ang lahat, dahil hindi agad sinabi sa kaniya na may police palang sumusunod sa kaniya.
Binilisan niya ang pagpapaandar ng sasaktan, habang tumitingin sa side mirror.
"Stop the car!"
Stop the car? Ano siya tanga para sundin niya ang mga pulis? Kapag itinigil niya sigurado siya na mahuhuli siya ng mga pulis. Ang bobo naman ng nagsabi non. Hindi ba nila naisip na mautak ang sinabihan nila non?
"Turn left--"
"Hello?! Stevan! f**k you!" mas lalo siyang nanggigigil dahil nawalan ng connection, sabay din ng pagtapon niya ng wireless earphone sa sasakyan.
Nasa kanya na kung magpapahuli sya o hindi. Walang kwenta ang kasama nya sa mission. Hindi man lang nya naasahan. Yare sa kanya ang lalakeng yun pag nahuli sya.
Binilisan niya ang pagtatakbo. Nagulat nalang siya, dahil may nakita siyang apat na sasakyan na nakaharap sa kaniya at ang mga pulis ay nakatutok ang mga baril sa kaniya. May diin niyang inapakan ang preno at inikot ang manibela para bumalik pero huli na, dahil nakapalibot na sa kaniya ang mga pulis.
Nakarinig siya ng tunog ng helicopter. Napatingin nalang siya sa langit at napabuga ng hangin ng malalim. Hindi niya inakala na pati ang bodyguards ng Tatay niya ay gustong-gustong mahuli siya.
"Lumabas ka sa sasakyan," wala na siyang nagawa kundi lumabas.
"Curse Stevan for this," bulong nya.
"Ilagay mo ang iyong mga kamay sa iyong ulo," sa tingin siguro nila lalaban pa siya. Geez, wala na siyang laban dito. Desperada silang mahuli siya. Atat na atat akala naman nila may ginawa siyang masama.
Kaya imbis na sundin ang mga pulis naglagay na lang siya ng headphone sa tenga at nagpatugtog ng maingay na music para wala siyang marinig na usapan.
Naglakad siya pabalik sa kaniyang sasakyan na hindi inabala ang muntik na bala na malapit ng tumama sa kaniyang ulo. Wala siyang pake kung barilin siya ng mga ito dahil sila din naman ang malalagot kapag namatay siya dahil lang doon.
Pagkabukas ng pintuan ng kaniyang sasakyan kinuha niya ang isang lolipop na strawberry flavor at binuksan ito sabay kinain. Alam niyang may sinasabi ang mga pulis pero wala siyang pake. Gagawin niya ang gusto niyang gawin at wala silang magagawa. Pagkatapos niyang sunggabin ang lolipop sinarado niya na ang sasakyan at nilock gamit ang car key.
Wala siyang sinusunod na batas dahil isa siyang Rule Breaker. Wala rin siyang inuurungan na labanan dahil isa siyang Troublemaker at higit sa lahat wala siyang galang. Wala na ngang galang mayabang pa. Minsan lang siya magsalita kapag kailangan talaga, dahil ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang sinasayang ang laway niya sa mga walang kwentang bagay.
Lalaban siya kahit wala siyang laban, dahil ipinaglalaban niya ang totoo, pero hindi niya pinipilit ang isang tao na maniwala sa kaniya ang mahalaga ay sinabi niya ang totoo.
Meroon siyang salita na hindi mo maiaalis sa kaniya. "Kapag binato mo ako ng bato, ang ibabato ko sa'yo ay ang kamatayan mo."
Nakatingin siya sa tatlong pulis na palapit sa kaniya. Nginisian naman siya ng tatlong pulis, kaya napairap nalang siya.
"Kailangan mong sumama sa amin sa presinto." tumingin lang siya sa nagsalita. Rinig niya ito dahil sumigaw ang pulis. Galit ata siya sa babae dahil siguro na babastusan siya roon. Sabagay sino ba namang hindi mababastusan sa inaasal niya. Sino ba ang hindi maiinis kung ang kinakausap mo ay hindi ka sinasagot.
Hinawakan siya ng dalawang pulis at isa naman sa likod. Talagang secure na secure siya sa mga pulis. Hindi talaga siya hahayaang makaalpas.
"Don't f*****g touch me, assholes," inalis niya ang dalawang kamay na nakahawak sa kaniyang magkabilarang braso, sabay pinagpagan ang dalawang braso niya. Iyon kasi ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ang hinahawakan siya, lalo na kung wala namang rason para hawakan siya.
Galit na galit siya sa mga mayayabang na pulis, akala mo kung sino, isang normal na pulis lang naman.
Isinakay siya sa police car at nagdrive na papuntang police station. Nang makarating sila sa Manila Police Station bumababa siya at sinundan lang ang mga police.
Kinakausap siya ng mataas na police sa station pero wala siyang naririnig dahil sa lakas ng tunog ng music niya.
Umabot sa pagkukuha ng larawan sa kaniyang mukha kaliwa't kanan, sabay harap dahil sa kaso na ginawa niya, habang may hawak na maliit na board na hindi nya inabala na basahin.
Hindi siya malungkot kun'di masaya siya. Oo masaya siya dahil rest day niya na naman. Rest House niya kasi ang kulungan. Kung saan niya nararamdaman ang payapa at kalayaan. Isang araw lang naman siya rito dahil dadating din agad ang kaniyang abugado para mailabas siya.
Kung tatanungin mo siya. Mas gusto niya pa sa kulungan nalang tumira at huwag nang lumabas pa. Kakaiba man sa lahat ng tao ang isip niya pero ito kasi ang nararamdaman niya. Feeling niya wala na siyang pahinga at pagod na pagod na sya.
Ito na naman siya nakahiga sa matigas na upuan na nakakulong, habang ang headphone ay naka saksak sa kaniyang tenga.
"Hoy may bisita ka." tumingin siya sa pulis ng masama. Anong karapatan niya para maging bastos siya sa kaniya? Walang respeto pulis pa naman ito. Kapag siya nakalabas dito hahuntingin niya ito.
Tinignan nalang niya ang pulis ng nakakatakot at doon mo makikita ang sunod-sunod na paglunok ng laway ng pulis.
"Tsk, pathetic," bulong niya nang makalapit siya sa pulis. Nakita niyang napatigil ang pulis at napatulala. Dumeretsyo siya sa room na kung saan nandoon ang bumisita sa kanya.
"Ms. Deguztin," walang emotion niyang tinignan ang dalawang lalake na nakatayo sa harapan niya, pero mas lalo siyang nagalit nang tinignan niya si Stevan at hindi niya ito pinansin.
"What now?"
"Lets go," walang emotion niyang tinignan ang Attorney, sabay naglakad siya papunta kay Steven at binulungan.
"f**k you and your computers."