Prologue

1191 Words
We all have fears. We all have strength. We all have lovers. We all have family. We all have dreams. We all have SECRETS. Pero kilala mo ba talaga siya? Kilala mo ba talaga ang babaeng kasama mo araw-araw? Dahil kung kilala mo siya hindi ka magtataka kung palagi siya wala at palagi siyang pumapatay. Sino ka ba talaga? Sino ka Aikira? *** "Ano ba Heraldo! Mayor ka ng Grimson City, hindi ka makakasama sa amin at hindi ka pwedeng sumama, dahil hiwalay na tayo!" "Hindi, hindi ko kayo papayagan na umalis dito! Hinding-hindi kayo aalis sa bahay na ito! Naiintindihan mo ba ako Cecilia!? Hindi mo ilalayo ang anak ko sa akin!" "Wala ka ng magagawa! Nakapagdesisyon na ako na aalis, na kami rito! Hintayin mo ang annulment paper na ibibigay ng Attorney ko sa'yo." "Huwag mo akong iwan, Cecilia, parang awa mo na. Huwag na kayong umalis ni Aikira, hindi ko kaya na mawala kayong dalawa sa buhay ko." "Ayaw mong umalis kami? Sana naisip mo iyan bago ka gumawa ng katarantaduhan sa buhay mo! Heraldo, I gave you a second chance, but you just wasted it! Hindi ka pa rin natututo sa kamalian mo noon! You hurt me again and this time I will never forgive you, kahit lumuhod ka pa sa harapan ko!" Habang nag-aaway ang dalawang mag-asawa, hindi nila alam na ang kanilang anak ay naka-upo sa kaniyang kama at nagbabasa ng libro. Araw-araw nagbabangayan ang kaniyang mga magulang, kaya ang kaniyang ginagawa nalang ay nagbabasa ng isang libro para hindi mapasok ang nga sinasabi ng kaniyang mga magulang sa kaniyang utak, pero hindi pa rin ito tumatalab. Sa tuwing nag-aaway ang kaniyang mga magulang, hindi niya napipigilan ang mapaluha at mayakap ang kaniyang mga tuhod, dahil sa takot at kaba na kaniyang nararamdaman. May naririnig din kasi siyang mga tunog na parang nagbabatuhan ang kaniyang nga magulang ng mga bagay, habang nagsisigawan. Hindi niya dapat nararamdaman ang mga ganitong bagay, dahil siya ay bata pa lang, baka magkaroon ng trauma ang bata, pero hindi siya iniitindi ng kaniyang mga magulang. "Come on, baby, aalis na tayo," napatayo si Aikira sa kaniyang kama at tinignan ang kaniyang Ina na inaayos ang kaniyang mga dami at inilalagay sa isang maleta. Tumakbo ang batang si Aikira sa kaniyang Ama at tumago sa likod nito. "Anong ginagawa mo sa likod ng iyong Ama?" binato ng Ina ang maleta ng bata at lalapit sana sa bata nang harangan ito ng Ama. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Heraldo? Tumabi ka!" Sinusubukan na ialis ni Cecilia sa harap niya si Heraldo, pero masyadong malakas ang asawa nito, kaya napaupo nalang siya at umiyak habang tinitignan ang anak nito sa mata. "Sumama ka na kay Mama, anak," mahinang sabi nito, pero si Aikira ay mahigpit na nakahawak sa short ng Ama at nakatago pa rin ito sa likod nito. Hindi alam ng Ina kung ano ang pwede niyang gawin, para maisama ang anak sa kaniyang pag-alis. "Anak, hindi na tayo pwedeng manatili pa rito," sinusubukan ng Ina na lumapit sa anak pero ayaw talaga nito magpahawak. "Tignan mo ang ginawa mo, Heraldo," tumayo si Cecilia at seryosong tinignan ang kaniyang asawa, habang ang mga luha nito ay hindi natatapos sa pagtutulo. "Ayaw sa akin ng anak ko nang dahil sa'yo, ano bang klaseng parusa ito! Bakit ganito ang nangyayare sa akin." "Cecilia, makinig ka sa akin, hindi kita niloko at hinding-hindi na kita lolokohin, simula noong binigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon." "Hindi ako naniniwala sa sinungaling na kagaya mo! Ilang beses mo na akong ginawang tanga at simula ngayon, hindi na ako magpapakatanga sa'yo. Hinding-hindi na ako maniniwala sa mga kasinungaling mo!" parang lasing si Cecilia kung makatayo, dahil ito ay pagewang-gewang. "Ano ba ang ginawa ko sa'yo para saktan mo ako ng ganito, ha!?" lumapit si Cecilia sa asawa at kiniwelyohan. "Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin!? Napakasakit! Sa sobrang sakit, gusto ko ng mamatay! Dahil sawang-sawa na ako sa mga pinakawalan mong mga salita na hindi mo naman ginawa." Binitawan ng babae ang kwelyo ng lalaki at humakbang ng isa paatras. "Hindi pa ba ako sapat sa'yo? Kaya ka humanap ng iba na makapagpapasaya sa'yo?" "Gan'yan ba talaga ang tingin at iniisip mo sa akin?" dismayado na sabi ni Heraldo. "Hindi ba?" tumawa si Cecilia na walang gana at biglang tumingin sa asawa ng seryoso. "Hindi ba ganoon ka? Nakalimutan mo na ba ang nakaraan na ginawa mo sa akin?" "Tapos na 'yon! Nakaraan na, kaya huwag mo ng idala 'yon sa isapan na ito!" "Ibigay mo nalang sa akin ang aking anak, gusto ko nang umalis sa bahay na ito." "Natin, anak natin, Cecilia, huwag mong angkinin ang anak natin." "Simula noong nagloko ka, hindi mo na anak si Aikira." "Ano ba ang pinagsasabi mo! Kahit anong gawin mo anak ko pa rin si Aikira! Hindi mo siya pwedeng angkinin," hinawakan ni Heraldo ng mahigpit ang kamay ng knaiyang anak, para hindi nito makuha ng kaniyang asawa. "Ibigay mo sa akin ang aking anak Heraldo!" malakas na itinulak ni Cecilia si Heraldo kaya natumba ang lalaki sa sahig at nagkaroon ng pagkakataon si Cecilia na buhatin ang anak, pero lalabas na sana si Cecilia ng bahay nang marinig niya ang sinabi sinigaw ng kaniyang asawa. "Alam mo naman siguro ang mangyayare sa'yo kapag kinuha mo ang anak ko sa akin hindi ba?" napaharap si Cecilia sa kaniyang asawa. "Hindi mo makukuha ang anak natin sa akin, kung gusto mong umalis sa pamamahay ko, iwan mo sa akin ang bata, para makaalis ka rito ng hindi napapahamak ang kinabukasan mo." "Demonyo ka talaga! Heraldo, hindi ko hahayaan na palakihin mo ang anak natin, dahil alam ko na puro ka demonyohan lang ang ituturo mo sa kaniya!" "Iba talaga ang pagkakakilala mo sa akin." "Ibang-iba," sarkastiko na sabi ni Cecilia. Binatawan ni Aikira ang kamay ng kaniyang Ina at tumakbo papunta sa likod ng kaniyang Ama. Parang nawalan ng buhay ang buong buhay ni Cecilia nang makita niya ang kaniyang anak na ayaw sumama sa kaniya. Mas gusto nito sa Ama nito, kaysa sa kaniya. Para siyang namatay sa kaniyang nakita ngayon. "Mukhang alam ko na ang ikalalabasan ng ginawa mo anak," pilit na ngumiti si Cecilia sa kaniyang anak. "Alagaan mo nalang ng mabuti ang anak natin, dahil ako? Ayaw ko na nasasaktan siya palagi." Tinignan muna ni Cecilia ang kaniyang asawa sa mga mata, bago siya lumabas ng bahay. Doon niya mas lalong ibinuhos ang lahat ng kaniyang mga luha. Bilang isang Ina, napakasakit makita ang sarili mong anak na iba ang pinili kaysa sa kaniyang sarili. Siya ang lumuwal, nagpadede, at nag-alaga noong sanggol pa siya, pero hindi siya ang pinili. "Tama na ang sakit, ayaw ko na," bulong ni Cecilia. Habang naglalakad sa daanan biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napangiti ng mapait si Cecilia at tumingin sa langit. "Napakasama ng mundo sa akin, hindi na ako nabuhay ng payapa at masaya. Palaging lungkot at sakit nalang ang nararamdaman ko araw-raw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD