Kabanata X

1757 Words
"Teka lang!" Susundan sana ni Lilian si Aikira sa pagtatakbo nang maslal niya ang kanilang mga damit na pinili para bilihin, "Mukhang ako lahat ang magbabayad nito ahh." "Hoy putang-ina mo, Aikira! Bayaran mo ako mamaya!" Hindi tumingin si Aikira kay Lilian dahil siguro sa busy sa kakatakbo palabas ng SM Store. Lahat ng tao ay nagsitinginan kay Lilian kaya napayuko si Lilian habang hinihila ang push cart. "Ubos allowance ko nito! Mapapagalitan na naman ako ni Mama," paiyak na sabi ni Lilian habang nakatingin sa madaming mga damit na napili ni Aikira sa basket. *** "Anong meroon sa Tasty Bar?" tanong ni Aikira kay Steven sa tawag. Nang makasakay siya sa sasakyan niya, naalala niya ang mga damit na kailangan niyang bilihin. [May nadetect kaming Skull doon.] "Sino?" [Mr. Roman Flores, ang isa sa leader ng Skull.] "Ilan ang kasama niyang tauhan?" [Ten?] "Call for backups." [Roger that, Agent Deguztin.] Pinatay ni Aikira ang tawag at pinasahan ng thirty thousand na pera sa bangko ni Lilian, dahil alam niya na baka maubos ang allowance na ibinigay ng Ina nito. Ayaw niyang pagalitan ito ng Ina at madamay pa siya. Mukhang mapapalaban siya. Napakatagal pa naman dumating ang mga FBI. Ang kukupad ng mga paa, akala mo hindi kriminal ang huhulihin. Nang mapark ni Aikira ang kaniyang sasakyan sa likod ng Tasty Bar. Binuksan niya ang compartment ng kaniyang sasakyan, sabay baba ng kotse. Pumunta siya sa likod ng kotse at tinanggal ang t-shirt. Kumuha siya ng puting sando at leather jacket sabay sinuot ito, sa pang ibaba niya naman ay leather short na may gun and knife holder sa magkabaliktarang binti. Hindi niya kinalimutan ang wireless na earphone para makausap niya si Stevan. Pagkatapos niya mag-ayos, isinara niya ang kaniyang kotse at naglakad papasok ng Bar sa main door. Ipinakita niya ang ID niya para makapasok siya, bawal naman kasi ang minor doon. Nang makapasok siya, sumalubong sa kaniya ang napakalakas na music at medyo madilim na lugar. Paano naman niya mahahanap ang lalaking iyon kung napakadami ng mga lalaking nandito? [Nasa VIP room sila, number 187.] "Copy." Buti na lang at sinabi ni Stevan kung nasaan ang lalaki dahil tinatamad siyang tignan isa-isa ang mga leeg ng mga lalaki rito sa bar at wala siyang balak magtagal dito. Oo minsan naiisip niya na gusto niyang tumambay minsan sa ganitong lugar, pero wala siya sa mood ngayon. Bago pumunta sa VIP room ay pumasok muna siya sa banyo para itago ang dalawang baril sa ilalim ng lababo sa part na hindi makikita ng mga tao. Napangisi si Aikira nang makita niya ang kaniyang mukha sa salamin. Alam niya na ngayon ang kaniyang gagawin, para mapatay agad ang lalaking iyon. Isinara niya ang pintuan ng cr. Nakita niya ang isang babae na naglalakad papunta sa dereksyon niya, meroon tong hawak na isang case ng alak. "Saan mo idadala 'yan?" "VIP room 187 po, Ma'am." "Give it to me." "Po?" Hinawakan ni Aikira ang case at hinila sa babae. Hindi sana ibibigay ng babae kay Aikira ang case dahil ang sabi sa kaniya ng nag-order ay huwag ibibigay sa iba ang alak, pero ang sabi naman sa kaniya ng kaniyang Manager na ang mga customer ay palaging tama. Ayaw niya naman mawalan ng trabaho. "Leave." Pagkasabi ni Aikira non ay umalis agad ang babae, alam niya na mawawalan ng trabaho ang babae pagkatapos nito, pero siya na ang bahala roon. Hindi niya hahayaan na mawalan ng trabaho ang babaeng 'yon. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok sa VIP 187 room. "Pare, buksan mo na ang pintuan nandyan na ata ang alak natin." Napakunot ang noo niya nang mabosesan niya ang lalaking nagsalita sa loob ng kwarto. "Aikira?" gulat na sabi ni Dijay nang buksan niya ang pintuan ng VIP room at nang makita nito si Aikira. Pati si Aikira ay nagulat, dahil hindi niya akalain na nasa loob ang tatlong lalaking kaibigan niya noon. [Sorry, hindi pala riyan ang number ng kwarto.] "f**k you, Stevan," sabi ni Aikira sa kaniyang isip. Bakit ba nandito ang tatlong lalaking ito? [VIP room 113. Bilisan mo, paalis na ata sila.] "What the f**k bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Bakit ba puro palpak na lang ang sinasabi mo?" Nagulat si Dijay nang magsalita ng pasigaw si Aikira. "f*****g asshole. I swear, Stevan. Hindi ka na makakaulit pa." Padabog niyang ibinigay ang case ng alak kay Dijay, sabay takbo papunta sa banyo kung saan niya itinago ang dalawang baril niya. Masasapak niya talaga si Stevan kapag wala na siyang naabutan sa kwartong iyon. Hindi na niya pinansin ang mga nakakasabay niyang mga tao, meroon kasi siyang hawak na baril kaya takot ang mga itong lumapit sa kaniya. Nang makapunta siya sa VIP room 113, pinakiramdam niya muna kung may tao sa loob, at nang maramdaman niyang walang tao ay tumakbo agad siya papunta sa labas ng bar. [Nasa parking area sila ngayon.] Pagbukas ni Aikira ng pintuan, nakita niya ang dalawang van na paalis na ng Bar. Kumuha siya ng isang baril at itinutok sa gulong ng isang van. Nang maputok niya ang baril ay sapol ang bala sa gulong, binaril niya rin ang kabilang gulong nito, kaya biglang bumaligtad ang van. Ang pangalawang van naman ay huminto. Hinintay ni Aikira na bumukas ang pinto ng van, habang nakahanda ang dalawang baril niya nakatutok sa pinto. Nang bumukas ang pinto nagsilabasan ang pintuan, nagsilabasan ang limang tauhan ni Roman at doon niya sunod-sunod na pinutok ang kaniyang dalawang baril, kaya ang lahat ng tauhan ni Ramon na lumabas sa van, ngayon ay nakahilata na sa sahig. [Lupet! Paano mo nagawa 'yun.] "I'm a f*****g Secret Agent, Stevan. Hindi mo ako katulad." [Aray ahh, hindi mo na kailangan ng backup?] "Kailangan ko pa ba?" [Hindi na.] "Tuluyan ko na?" [Go.] Kinasa ni Aikira ang dalawa niyang baril, sabay lapit sa van. Pagkasilip niya sa loob ng van, sumalubong sa kaniya ang kamao ni Ramon. "Sa tingin mo ba ganoon mo ako kadaling matalo?" salubong sa kaniya ng lalaking si Roman. "Para ka lang isang langgam, kay daling apakan," sagot naman ni Aikira. Umatras si Aikira nang makita niyang bumaba ng van si Ramon. "Kamao laban sa kamao." Seryosong nakatingin si Aikira kay Ramon, dahil sa sinabi nito sa kaniya. "Takot ka bang mamatay agad?" Inilagay ni Aikira ang dalawa niyang baril sa gun holder at inipit ang buhok ng bun, sabay pinatunog ang dalawang kamay, pati na rin ang leeg. Nginisian ni Aikira si Ramon kaya naunang sumugod ang lalaki. Pinipigilan ni Aikira ang mga suntok ni Ramon gamit ang kaniyang dalawang kamay at sa tuwing lalapit ang paa nito sa kaniyang tagiliran ay hinaharang niya ang kaniyang tuhod. Sa sobrang bilis ng galaw ni Aikira ay hindi matamaan ni Ramon ang mukha o tyan ni Aikira. Medyo na papagod na si Ramon, pero si Aikira ay todo iwas pa rin ng mga suntok ng lalaki. Nang makita niyang papalapit ang paa ni Ramon sa kaniyang mukha, mabilis itong hinawakan sabay hinila ito at sinuntok ang mukha. Lumayo si Aikira kay Raon para bumwelo. Umikot siya at binigyan ng highkick ang lalaki, kaya nakahiga na ito sa sahig, habang namimilipit sa sakit. "Believe me, Mr. Ramon Flores. Hindi ako gano'n kadaling talunin. Dadaan ka muna sa impyerno bago mo ako matalo," bulong niya sa lalaki. "Mga pulis na ang bahala sa'yo," dagdag niya pa. Hinampas niya sa leeg si Ramon para mawalan ng malay. "Natawagan mo na ba ang mga pulis?" [Yes, papunta na sila ngayon diyan. Umalis ka na baka maabutan ka pa.] Buti na lang sa likod dumaan ang dalawang van, dahil kung sa tapat ng Bar ay madaming makakakita sa kanila. Kaya nakagalaw ng maayos si Aikira, mahirap kasi kapag may mga taong nanunood, baka mapahamak pa, edi mas humirap ang trabaho niya? Tumakbo si Aikira papunta sa kaniyang kotse. "Dinilete mo na ang cctv?" [Yes, kanina pa.] "Make sure na makukulong si Ramon dahil ayaw kong napupunta ang pinaghirapan ko sa wala." [Hindi na ako papalpak.] "Okay." Isang malamig na 'okay' lang ang nasabi ni Aikira dahil ilang beses na niyang narinig ang mga katagang na iyon kay Stevan, pero hindi pa rin nagbabago. Palagi pa ring palpak ang trabaho nito. Hindi niya nga alam kung paano naging kateam si Stevan, pero palpak naman ang trabaho. Tinanggal niya ang dalawang wireless earphones sa kaniyang tenga at itinapon sa likod ng sasakyan, habang pinapaandar ng mabilis ang sasakyan. *** "Si Aikira?" tanong ni Nathan kay Dijay nang maisara nito ang pintuan ng kanilang VIP room. "Oo pre, hindi ko nga alam kung bakit ganon ang suot eh." "Ano ba ang suot?" "Nakasando at nakamaikling short." "Bakit siya ang nagdala ng alak natin?" "Bakit ba ako ang tinatanong mo? Isa rin naman ako sa hindi alam kung bakit nandito si Aikira?" inis na sabi ni Dijay kay Nathan, dahil puro tanong ito. Si Daven naman ay nakatingin lang sa kawalan habang umiinom ng alak sa baso. "Baka naman nagtatrabaho siya rito?" takang tanong ni Nathan kay Dijay, habang umiinom. "Ilang taon tayong magkakaibigan, hindi ko alam kung sino magulang ni Aikira." napakunot ang noo ni Nathan. "Hindi niyo rin alam?" Tumungo si Dijay kay Nathan. "Ikaw Daven? Naging kasintahan mo si Aikira, hindi ba?" tumingin si Daven kay Nathan. "Alam mo ba kung sino ang mga magulang niya?" "I never ask her, about her family." "What the f**k, Daven. Naging kasintahan mo ba talaga si Kira?" Ngumisi si Daven at hindi sinagot si Nathan. "Ilang taon kayong magkasintahan, tapos hindi mo siya tinatanong?" "Ang sabi niya sa akin, huwag siyang tanungin tungkol sa mga magulang niya." "Mahirap ba si Aikira?" "Ang dami mong tanong Dijay," inis na sabi ni Nathan. "Talagang magtatanong ako, Nathan! Kaibigan natin si Aikira, tapos wala tayong alam tungkol sa pamilya niya!?" "Matagal na nating hindi kaibigan si Aikira, Dijay. Kaya manahimik ka na!" "Hindi Nathan! Napamahal na sa akin si Aikira!" sinuntok ni Nathan si Dijay kaya napaupo si Dijay sa sofa, habang hawak-hawak ang kaliwang pisngi nito. "Gusto mo ba na pati tayo magwatak-watak, dahil lang sa putanginang Aikira na 'yan!?" "Hindi iyon ang punto ko, Nathan!" "Sabihin mo lang Dijay dahil kaya kong iwan tong magkakaibigan na ito!" "Kaibigan ka ba talaga namin? Bakit ang dali mong iwan kami!?" "Manahimik na kayo." Napatingin silang dalawa kay Daven na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa. "Hindi ba kayo nagsasawa na palaging si Aikira na lang ang mukhang bibig niyo?" "Wala na akong pake sa kaniya, I have Samantha already. Sapat na siya sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD