"Isarado mo ang bunganga mo." Hinawakan ni Aikira ang baba ni Lilian at isinara ang bunganga nito.
"Ang haba kasi ng sinabi mo. alam kong minsan ka lang magsalita ng mahaba. Pakiramdam ko tuloy mahalaga ako sa'yo." Hinawakan ni Lilian ang kaliwang braso ni Aikira at naglakad.
"You're important to me."
"Talaga lang ahh. Namimiss ko na naman tuloy si Daddy ko."
"Sorry," mahinang sabi ni Aikira na narinig naman ni Lilian kaya napalingon si Lilian sa kaniya.
"Ayus lang, alam kong nasasaktan ka rin sa pagkawala ni Daddy, dahil parang Tatay mo na rin naman siya." Napatungo na lang si Aikira at napabuntong hininga.
Hindi naman kasi iyon ang dahilan kung bakit siya nagsosorry. May dahilan kung bakit siya nagsosorry kay Lilian. At ang dahilan na iyon ang bawal malaman ni Lilian.
"Bakit nga pala hindi ka dumalaw sa last lamay ni Daddy? Ang sabi mo sa akin dadalaw ka? Hinintay pa naman kita sa labas ng sementeryo." Hindi alam ni Aikira kung bakit pumasok sila sa isang restaurant at umupo sa isang upuan. "Kain muna tayo ahh? Hindi kasi ako nag-almusal eh."
"Me too." Pilit na ngiti ang ibinigay niya kay Lilian nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung anong sasabihin kay Lilian ang totoo, kung bakit namatay ang Ama nito. Ang alam kasi ni Lilian na namatay ang Ama nito, dahil sa stroke.
"Masaya siguro ngayon ang Daddy ko, dahil nakikita niya akong nabubuhay na masaya."
"Palaging masaya si Tito Dad, sa tuwing nakikita kang masaya. Kaya dapat hindi mo iniiyakan si Dijay." Nag-order muna silang dalawa bago ipinagpatuloy ang pag-uusap.
"Balita ko nagbar kayo nong isang araw?"
"Nagbar kami, pero nakalimutan ko na kung kailan."
"Ininvite ka lang nila para sumbatan. Hindi ka na lang sana dumating."
"I know, masyadong mainit ang ulo nila sa akin."
***
"Dad? Bakit po kayo nandito?" Umiiyak at kinakabahan na sabi ni Aikira habang ang tatlong lalaking nasa likod niya ay nakatutok ang baril sa kaniya at sa Tatay ni Lilian.
"Huwag mong saktan ang bata, parang awa mo na."
"Hindi ko sasaktan ang batang ito, kung permanente ka ng sasali ka sa grupo namin." Hinila ng isang lalaki si Aikira at hinawakan nito ang leeg niya ng mahigpit.
"Huwag po. Hindi po ako makahinga." utal-utal na sabi ni Aikira at pinipilit na makahinga. Kaba at takot lang ang nararamdaman ngayon ni Aikira, habang ang tatay naman ni Lilian ay paiyak na dahil nakikita niyang nahihirapan ang kaibigan ng kaniyang anak.
"Huwag niyong idamay ang bata rito," nanginginig na sabi ng Tatay ni Lilian.
"Wala ka nang magagawa, Ed. Damay na ang batang ito."
"Hindi, hindi," bulong ng lalaki habang nakatingin kay Aikira na nahihirapang huminga.
"Sasama na ako sa Skull. Pakawalan niyo lang ang bata."
"Hahahaha, sabi na nga ba ang anak mo lang ang magpapahina sa'yo eh." Nagulat si Ed sa sinabi ng lalaki sa kaniya. Hindi pala alam ng mga lalaking ito na kaibigan lang ng anak niya ang kinuha nilang babae. Tumulo ang luha ng Ama nang makita niyang nakangiting nakatingin sa kaniya si Aikira.
Isa lang ang ibig sabihin nito. Sinabi ni Aikira na si Aikira ang anak niya para hindi madamay si Lilian sa problema ng Ama.
"Salamat," sabi na lang ni Ed kay Aikira.
"Pero siguro, mas maganda kung tuluyan ko na ito, hahahah," malademonyo na sabi ng lalaki. Kaya mas lalong kinabahan si Ed. Hindi dapat kasi damay si Aikira sa kaniyang problema. Alam niyang mali ang pinasukan niya noon. Kaya siya napunta sa sitwasyon na ito, pero ginawa lang niya ang mga iyon para sa kaniyang pamilya.
"Sa dinami-rami kasi ng utang mo sa Boss namin, bakit hindi mo mabayaran? Nadamay tuloy pati pamilya mo." Nainis si Ed nang makita niyang ngumisi ang lalaki sa kaniya.
"Bitawan mo ang bata!" Yumakbo si Ed nang makita niya ang lalaki ay malapit nang barilin si Aikira.
Mabilis na sinuntok ni Ed ang lalaki kaya ang mga kasamahan ng lalaki ay pinagbabaril si Ed, habang nakayakap si Ed kay Aikira. Mas gugustuhin ni Ed na mabuhay si Aikira kaysa sa kaniya, dahil napakadami niya nang kasalanan sa kaniyang pamilya. Gumawa siya ng maling desisyon, kaya ito ang kaniyang karma,
"Dad!" umiiyak na sigaw ni Aikira nang makita nito ang kaniya Tito Dad na nakahilata sa sahig habang naliligo sa dugo nito. Hinawakan niya ang mukha ni Ed.
"Hindi po magiging masaya si Lilian kapag nalaman niyang wala na po kayo," mahinang sabi niya, habang nanginginig ang kanang kamay na nakahawak sa pisngi ng lalaki.
"Nandito si Miss Degustin! Bilisan niyo pasukin niyo na!" Hindi pinansin ni Aikira ang lalaking sumigaw sa labas ng kwarto dahil nakafocus lang siya sa mukha ni Ed. Ang lalaking lang na ito kasi ang nagparamdam sa kaniya kung paano magkaroon ng Ama.
"Papunta na ang mga pulis?" sabi ng isang lalaki sa likod.
"Swerte ka bata, dahil hindi pa ito ang oras ng kamatayan mo, pero ito ang tatandaan mo bata. Kahit saan ka pumunta hahuntingin kita." Kung kanina ay kinakabahan at natatakot si Aikira ngayon ay wala na itong emosyon. Hindi siya tumingin sa lalaking nagsalita ngayon, naramdaman niya nalang na umalis na ang mga lalaking pumatay sa Tito Dad niya.
"Habulin niyo ang mga lalaki!" utos ng isang FBI nang makapasok sila sa kwarto, nakita kasi nito na tumakbo ang mga lalaki kaya inutusan niya ang ibang FBI na sundan ang mga lalaking nakatakas.
"Miss Deguztin, ayos lang po ba kayo?"
"Mukha ba akong ayos sa mukhang to?" seryoso siyang tumingin sa isang FBI na nagtanong sa kaniya kung ayos lang ba siya. Sino ba naman ang hindi maiinis sa napakabobong tanong? Kung wala namang magandang itatanong, huwag na lang itanong, dahil nakakadagdag ng sakit sa ulo.
"Bitawan niyo ako!" sigaw ni Aikira nang hawakan siya ng dalawang FBI sa braso at inilayo kay Ed.
"Bitawan niyo ako, please!" Mas lalong lumakas ang iyak ni Aikira nang hindi niya na makita si Ed, dahil nasa labas na siya ng bahay.
"Hindi mo dapat iniiyakan ang isang kriminal." Hindi niya pinansin ang sinabi sa kaniya ng kaniyang Ama na nasa likod. "Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang problemang ipinasok mo?"
"Humarap ka sa akin, Aikira Deguztin!" Walang nagawa si Aikira kung hindi ang tignan ang kaniyang Ama. "Simula ngayon sa Manila ka na titira."
"Hindi mo pwedeng gawin sa akin ito, Dad."
"Kaya kong gawin ang lahat, Aikira."
"Hindi, hindi ako aalis sa Grimson City. Hindi ko hahayaan na ipatapon mo ulit ako sa ibang lugar."
"Wala ka ng magagawa, Aikira. Nakapagdesisyon na ako, mamaya aalis ka na."
"Katulad din ba ito nang ginawa mo kay Mom?"
"Ang Mommy mo mismo ang umalis, pinigilan ko siya."
"Pinigilan mo lang siya, pero hindi mo siya hinanap." Hindi nakakibo ang Ama, dahil sa seryosong sinabi ng kaniyang anak. Hindi nito alam kung bakit nag-iba ang ugali nito. Ang alam kasi ng Ama na isang malambing, makulit, at mabait na bata si Aikira, pero bakit ngayon wala ng emosyon at saya itong ipinapakita sa mukha nito?
"You cheated remember? Hindi ko nga alam kung bakit sa'yo ako nanatili. Napakatanga ko sa part na mas pinili kita kaysa sa Nanay ko. Do whatever you want, dahil gan'yan ka naman palagi." pagkatapos sabihin 'yon ni Aikira ay pumasok na siya sa kanilang sasakyan at doon na tumulo ang kaniyang pinipigilan na mga luha.
Sa sobrang tagal niya nang tinatago ang mga sakit na nasa puso niya, hindi niya alam na naipon na pala. Sa sobra niyang manhid, hindi niya na alam kung ano ang mga masasakit na nangyayare sa kaniya.
***
"Hoy!" Natauhan siya nang sigawan siya ng kaniyang kaibigan na si Lilian. "Kanina mo pa tinititigan at nilalaro ang pagkain mo, iniisip mo na naman ba si Daven?"
Napakunot ang noo ni Aikira at sumubo ng isang kutsara ng kaniyang pagkain.
"I don't care about him anymore, so don't mention his name."
"Alam mo Kira, kung wala ka ng pake sa kaniya, dapat hindi ka na nagagalit sa kaniya sa tuwing sinasabi ko ang pangalan niya." tumingin ng mapang-asar sa kaniya si Lilian. "Baka naman mahal mo pa siya?"
"Hindi ko na babalikan ang pinagsawaan ko na." Nailunok ng mabilis ni Lilian ang kaniyang kinakain kahit hindi pa niya ito nangunguya ng mabuti. Tang-ina kaibigan niya ba talaga ang nasa harap niya ngayon? Pakiramdam niya kasi isang ibang Aikira ang nasa harapan niya, ibang-ibang aura kasi ang nararamdaman niya sa babae ngayon.
"Nakita mo na ba ang babaeng ipinalit niya sa'yo noon?"
"Pake ko?"
"Tang-ina sana ayos lang utak mo."
Pagkatapos nilang kumain ay nagtingin na sila sa SM Store para magtingin ng mga damit, saktong-sakto naman, dahil kaunti lang ang damit na nadala niya galing Manila. Kaya kailangan niyang bumili ng mga damit. Ang mga damit niya naman sa bahay nila ay nakalakihan niya na.
"Bakit ang dami mo naman atang biniling damit?" Ang dami kasing bitbit ni Aikira na mga damit pati shorts.
"Kaunti lang ang nadala kong damit."
"May private plane kayo tapos hindi mo madala lahat ng damit mo?"
"Kailangan ko pa rin ng damit doon, dahil saglit lang naman akong mananatili rito."
"Aalis ka rin?"
"May misyon lang akong kailangan tapusin dito. At kapag tapos na babalik na rin ako sa Manila."
"Ang ibig sabihin, hindi ka pumunta rito para sa amin?"
"I came back here just to see you. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa taong tinalikuran ako. About sa misyon ko, sa akin na lang 'yon. Ayaw kong madamay ka pa."
"Mag-iingat ka na lang. Bakit ba iyan ang napili mong trabaho? Napakadelekado, ang sakit kaya mataman ng baril." Itinaas ni Aikira ang kaniyang t-shirt at ipinakita niya ang tama ng baril niya kay Lilian na ikinagulat naman nito.
"What the f**k Aikira! Anong kabobohan ang ginagawa mo sa buhay mo? Ano 'yan?" gulat na sabi ni Lilian sabay turo sa sugat. "Bakit may gan'yan ka?"
Sasagutin na sana ni Aikira ang tanong ni Lilian nang biglang tumunog ang kaniyang relo. Tinignan niya agad iyon at nakita niya may isang green dot sa isang lugar, sabay pindot ng dalawang beses sa relo.
"Tasty Bar?"