Kabanata VIII

1825 Words
"Hayup ka pare, uuwi na dapat tayo. Bakit pa tayo bumalik sa paaralan? Tara na, maya-maya rin ay magsasara na ang paaralan, baka masarahan tayo," pagpipigil ni Dijay sa kaniyang kaibigan na si Daven. Bigla na lang kasi itong tumakbo papasok ng paaralan. Kaya sinundan nila ang kaibigan. "Kay Aikira ang dugong ito, Dijay," nag-aalalang sabi ni Daven. "Bakit mo pa inaalala ang babaeng iyon? She left us," seryosong sabi ni Nathan. "She left us, because of me. I broke up with her." "Alam naming kasalanan mo, pero hindi namin kasalanan kung bakit siya nasaktan noon. Kaya hindi dapat kami nadadamay ni Dijay sa away niyo. Hindi mo pa sinasabi sa amin kung ano ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay." Napabuntong hininga na lang si Daven at hindi sinagot ang tanong ni Nathan. *** [Where are you? Late na, bakit wala ka pa rin sa bahay?] Base sa boses ng tumawag sa kaniya ay ang Ama noya ang tumawag. "Bathroom?" Inilibot ni Aikira ang kaniyang mga mata sa banyo. [Where?] "School." [It's already seven, Aikira. You have to come back here now.] "I'm not a kid anymore. You can't tell me what to do, old man." Ibinaba na ni Aikira ang tawag at inilagay sa bulsa ang selpon. Naglabas siya ng isang gauze at medical tape. Inilisan niya muna ang kaniyang sugat bago nilagyan ng guaze at tape sa bag. Marunong siyang maglinis ng sugat, dahil bago siya naging secret agent ay pinag-aralan niya muna ito. Pagkatapos niya sa kaniyang sugat ay inilagay niya ang pang-itaas niyang uniporme sa bag, kaya nakabra lang siya ngayon. Wala naman siyang pake, dahil alam niyang wala ng mga estudyante sa loob ng paaralan. Hinawi niya ang kaniyang buhok, habang naglalakad palabas ng paaralan. Pero hindi niya inaasahan na makasalubong niya sina Daven. Seryoso siyang nakatayo sa harap ng tatlong lalaki, na hindi pinapansin kung nakikita nito ang kaniyang bra. Sanay na naman siya na may nakakakita ng kaniyang bra. "Magtakip ka." Hindi niya pinansin ang sinabi sa kaniya ni Daven sa mga kaibigan nito, dahil naglakad lang siya palayo sa kanilang tatlo. Nang malampaan niya ang tatlo ay tumingin ang tatlong lalaki sa likod ng babae. "Tama nga ang hinala mo, Daven. Kay Aikira nga ang dugong nasa kamay mo kanina," sabi ni Dijay at tumingin kay Daven na ngayon ay nakakuyom ang dalawang kamay, habang nakatingin sa likod ni Aikira. Hindi lang ang sugat ni Aikira ang ikinagagalit niya, pati na rin ang pagkawalangsaplot nito. Hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman ang pagkagalit dahil wala naman na sila, pero bakit ganito? Bakit parang gusto niyang bigyan ng jacket ang babae at ihatid sa bahay nito, sabay linisin ang sugat nito sa tiyan? Hindi napigilan ni Daven ang kaniyang sarili na habulin ang babae. Nang mapantayan niya ng paglalakad ang babae, hinubad niya ang blazer ng uniporme niya at ibinigay kay Aikira. "Ayaw kong nakikita ng iba ang katawan mo. Kaya huwag kang lalabas ng bra lang ang suot." Napatingin si Aikira kay Daven at isinauli ang jacket ng lalaki. "I don't need it," seryosong sabi ng babae at bumaba papunta sa first floor ng paaralan. "Cover your body, Aikira!" Hinawakan ni Daven ang balikat ni Aikira at iniharap sa kaniya. "Pagagalitan mo na naman ba ako? You can yell at me, pero pwede ba, huwag ngayon?" Tinanggal ni Aikira ang kamay ni Daven na nasa magkabilaang balikat niya. "Ayaw kong nagpapakita ka ng pag-aalala sa akin, dahil 'yon ang pinaka-ayaw kong makita sa mga mata mo," dagdag pa niya. Pagkatapos sabihin 'yon ni Aikira ay naglakad na ito palayo kay Daven. Nawalan na ng gana si Daven na habulin ang dalaga at ibigay ang blazer nito dahil alam niyang nasaktan niya ang babae. Wala na siyang karapatan. Tinignan niya ang blazer niya at ibinato ng pagalit sa sahig. *** Nang makapasok sa bahay si Aikira, may sumalubong na kasambahay sa kaniya. "May sasabihin daw po ang iyong Ama sa'yo, Ma'am." Tumungo si Aikira at umakyat muna papunta sa kaniyang kwarto para makapagbihis. Pagkatapos niyang magbihis, pumunta naman siya sa kusina para kumuha ng tubig, sabay dumeretsyo na sa opisina ng kaniyang Ama. "Saan ka nanggaling noong nakaraang araw?" tanong agad ng kaniyang Ama pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina nito. "Bakit mo ba gustong malaman?" sagot naman ni Aikira. "Siyempre gusto kong malaman dahil anak kita. Kailangan kong malaman kung saan ka pumunta." "Dati mo pa dapat ginawa 'yan." Simula noong naggrade 5 siya, hindi na niya nakita ang mukha ng kaniyang Ama sa paaralan. Kahit ang mga okasyon na kailangan ng magulang ang mga estudyante ay wala ito sa tabi niya. Mayor ang kaniyang Ama kaya hindi niya naman masisisi ito, pero sa tuwing lumilipas ang taon ay napapalayo ang loob nito sa kaniyang Ama. Nang maisip ni Aikira na wala ng sasabihin ang kaniyang Ama, lumabas nalang siya sa opisina. Matapang siya at hindi nagpapatalo, dahil kailangan niyang maging ganon, gusto niyang maging ganon ang ugali niya. Hindi naman niya pinagsisihan nagusto niya ang ugali niya. "Hindi madali maging ganito, napakahirap." *** Nagising si Aikira dahil may tumawag sa kaniyang selpon. Kinuha niya sa tabi ng kaniyang kama ang selpon niya ng nakapikit. "What?" [It's weekend, girl. We should bonding, at nasabi sa akin ni Dijay na nandito ka na raw sa Grimson. So what do you think?] "Ang aga para magshopping." [Anong maaga, tanghali na kaya, ano ba ang ginawa mo kagabi? Puyat ka ba?] Hindi sinagot ni Aikira ang tanong ng kaniyang kaibigan na si Lilian. Ang babaeng ito lang ang may alam ng lahat, kung bakit umalis si Aikira sa Grimson City. Alam din nito kung ano ang trabaho niya. Si Lilian lang kasi ang masasabihan niya ng mga problema. Ano nga ba ang ginawa niya kagabi? *** "Ang bobobo naman ng mga kakampe ko! Mga putang-ina maglaro! Kaya nga ako naglaro ng mobile legends para wala stress ko, mas lalo pala ang nastress, amputah!" Oo nagpuyat siya, dahil sa kakalaro ng mobile legends. Paano ba naman kasi puro tanga ang ibinibigay sa kaniya ni moonton. Nakapunta ng mythical glory bobo pa rin mag-isip. Bakit kasi ang daming bobo sa ml! *** [Hoy, Aira!] Ito na naman ang kaibigan niyang si Lilian. Napakadaldal. "Huwag mo akong tinatawag na Aira hinayupak ka." [Oo na isang tao lang pala ang pwedeng tumawag sa'yo niyan.] "f*****g shut up." [Bago tayo mag-ayos, kamusta na nga pala si Poppy?] "She's good, kapapanganak niya lang last last month." [Really? Gusto ko siyang makita! Kasama mo ba siya?] "Nasa Manila." [Bakit mo naman iniwan sa Manila?] "Ipapadala ko siya kay Stevan sa Wednesday." [Isama mo mga babies niya. I want to see them.] "Ok." [Ang lamig mo hinayupak ka. Sige na, bye na ingat ka sa pagdadrive. I love you.] "You too." [Anong you too? Teka 'yong I l-.] Bago pa siya pilitin ni Lilian na magsabi ng I love you ay pinatay niya na agad ang tawag. Ganon talaga ang kaibigan niya, napakadaldal, alam niya na kung bakit sila nagbreak ni Dijay. Alam niya na ang mangyayare sa kanila, hindi lang shopping ang gagawin nila, sigurado siya roon. Naalala niya tuloy noong una niyang nakilala si Lilian. *** Papasok siya nang paaralan ng Grimson Highschool nang may makita siyang babaeng binubully, kaya pumunta siya roon. "Ano ang ginagawa niyo sa kaniya?" matapang na sabi ni Aikira. Kaya ang tatlong lalaki na bumubully sa babae ay napatingin sa kaniya. Pinipigilan lang niya ang kaniyang takot at kaba, dahil kapag ipinakita niya ito sa tatlong lalaki ay baka mabully din siya. "Kung ayaw mong madamay, umalis ka na lang." Napakunot ang noo ni Aikira at nilapitan ang lalaking nagsalita. "Alam mo ba isa kang bakla?" "Anong sabi mo?!" Dahil sa inis ng lalaki itutulak na sana nito si Aikira nang biglang may humigit sa braso niya. "Sinong may sabi sa inyo na pwede niyong saktan ang girlfriend ko?" Napayakap si Aikira kay Daven nang makita niya ito sa tabi niya. "Inaaway nila ako, Babe!" pabebeng sabi ni Aikira habang nakayakap sa lalaki. Lumaki ang mga mata ng mga lalaki at wala ng nagawa kung hind ang tumakbo. "Bakit ka ba kasi nandito? Hindi ba sabi ko sa'yo hintayin mo ako sa parking area?" "May nakita kasi akong babae na binubully nila, kaya tinulungan ko." Tinuro ni Aikira ang babaeng nakaupo sa gilid ng pader. "Hala sino 'yan?" Nilapitan ni Dijay ang babae at inalalayan makatayo, pero meroon itong bali sa kaliwang paa. "Ipunta mo na lang muna siya sa clinic, Dijay." Nang dahil sa sinabi ninDaven ay nabuhayan si Dijay at nginitian ang babaeng binully. Hinawakan ni Daven ang kamay ng kaniyang kasintahan at pumasok na sa paaralan. *** Ang araw na iyon kung kailan nila nakita si Lilian. Ang araw na rin iyon kung kailan masaya pa sila ni Daven. 'Yong tipong walang problema or away ang nangyayare sa kanila. Napabuntong hininga si Aikira at kinuha ang susi at bag niya sa kotse. "Ang baby ko! Grabe na miss kita ng tatlong taon!" Kakababa niya lang sa kaniyang kotse ay may narinig agad siyang babaeng sumigaw sa kaniyang likod. Kaya ang lahat ng tao ay tumingin sa kanilang dalawa. "Amoy Manila! Bongga!" Niyakap ni Lilian si Aikira ng mahigpit at nang mahiwalay sila sa pagyayakap biglang nakaramdam ng lungkot si Aikira nang makita niya ang mga luhang tumutulo sa dalawang mata ni Lilian. "Nakipag break sa akin si Dijay at hindi ko alam kung bakit." Sabi na nga ba na ito ang dahilan kung bakit sila magshoshopping. Kilala niya si Lilian, dahil simula highschool ay magkaibigan na sila. Sa tuwing nagyayaya ng shopping si Lilian ay ipagbasabihin malungkot ito. "You really love him." "Higit pa sa pagmamahal niya sa akin." "Tumigil ka sa pag-iiyak, walang kwenta ang iniiyakan mo." Pumasok si Aikira sa SM at si Lilian naman ay pinunasan niya muna ang kaniyang luha bago sumunod kay Aikira. "Hindi ba kaibigan mo sila?" tanong ni Lilian. "Noon." "Galit pa rin ba sila sa'yo?" "Hindi ba halata?" "Tang-ina mo," inis na sabi ni Lilian at binatukan si Aikira kaya nakatingin ng walang emosyon sa si Aikira kay Lilian. "Wala ka kasing kwentang kausap, bwesit ka! Kaya nga kita sinama rito para payuhan mo ako." "Ano ang gusto mong sabihin ko?" "Bigyan mo ako ng advice! Hinayupak ka! Sabihin mo sa akin. Ayus lang iyan Lilian mahal ka pa naman ni Dijay, kahit magkalayo kayo o naghiwalay. Ganon!" "Ayus lang iyan Lilian hindi ka na mahal ni Dijay. Kaya magmove on kana. Ayus na?" "Hays," pagbuntong hininga ni Lilia. "Ano ba naman, Kira! Ayusin mo naman." "Stop crying, mas mahalaga ang luha mo kaysa kay Dijay. If hiniwalayan ka na then accept it. Wala ka ng magagawa dahil nangyare na, pero kung may ipaglalaban pa. Huwag kang titigil sa pagmamahal sa kaniya o pangungulit sa kaniya, dahil kung nabubuhay pa ang Daddy mo, sigurado akong malulungkot din 'yon. Nakita niya kasi ang kaniyang anak na iniiyakan ang isang lalaki."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD