Kabanata VII

1804 Words
"What happened to your face!" sigaw ng kaniyang Tiya nang makapasok si Aikira sa opisina nito. Lumapit ang Tiya niya sa kaniya at hinawakan ang kaniyang dalawang balikat at tinignan ng malapitan ang mukha niya. "Bakit ka nagkaroon ng ganitong mga pasa?" Tinanggal ni Aikira ang dalawang kamay ng kaniyang Tiya sa kaniyang balikat. "Walang nangyare." Umupo ang kaniyang Tiya kaya umupo na rin siya sa harap nito. "Nasaan na ang ginawa mong test para sa tatlong gago?" Napatawa ang kaniyang Tiya at ibinigay ang tatlong brown na folder. "Ito, nandito na rin ang kanilang mga pangalan." Nang makuha ni Aikira ang folder ay lumabas agad ito sa opisina ng kaniyang Tiya. Habang naglalakad ay my narinig siyang mga bulong. "Hindi ba siya 'yong babaeng kasama nong lalaki sa field?" "Bakit naging gan'yan ang mukha niyan?" "Nakipagsuntukan ba ang babaeng ito?" "Tomboy ba siya?" "Masiyado siyang pacool. Hindi naman siya cool." Humarap si Aikira sa mga babaeng nagbubulungan. "f*****g shut up." Napaatras ang mga babaeng nagbubulungan dahil sa takot na pinakawalan ni Aikira na boses at tingin sa mga babae. Ilang beses niya ba sasabihin na kapag magbubulungan ang mga tao ay siguraduhin muna nila na mahina ang kanilang boses. Nakakahiya naman kasi kung pagbubulungan niyo ang isang tao tapos maririnig niya, hindi ba? Para bang nananadya ang mga tao. Halatang pinapahalata nila na bastos sila. Pumasok na hindi kumakatok si Aikira sa classroom nila na walang pakeelam kung nagkaklase pa ang kanilang guro. Wala namang pake si Aikira, dahil may pinapagawa sa kaniya ang kaniyang Tiya. Minsan lang humingi ng favor ang Tiya niya kaya pinapayagan niya na ito. "Yuun, Quino, and Ten, follow me," seryosong sabi ni Aikira sa mga lalaking tinawag niya. Maglalakad na sana si Aikira palabas ng silid-aralan nang pigilan ito ng kanilang guro. "Saan kayo pupunta?" Humarap si Aikira sa guro at walang pake kung ang mga dating kaibigan niya at ang mga estudyante ay nakatingin sa kaniya. "May gagawin kami." Tinignan ni Aikira ang tatlong nakatayo sa hulihan at binigyan ng sign na lumabas na ng silid-aralan. "Ano ang gagawin niyo?" Dahil sa kabastusan ng isip ng guro nila ay iba ang naisip nito. Humakbang palapit si Aikira sa guro at inilapit ang bibig nito sa tenga ng lalaki. "Gusto mo bang sumama, Professor?" seryosong mahinang sabi ni Aikira at lumayo na sa guro. "Kung gusto mong makita ang ginagawa namin nasa labas lang kami." Pagkatapos sabihin ni Aikira ang mga katagang iyon. Naglakad na siya palabas ng silid at tinignan ng seryoso ang tatlong lalaking nakasandal sa pader. Pinalapit niya ang tatlo sa kaniya at ibinigay tig-iisa ang folder. "Sundan niyo ako." Habang naglalakad sila, binuksan ng tatlong lalaki ang kanilang test at nagulat sa dami ng kanilang sasagutan. Hindi naman agad sila makapagreklamo, dahil naglalakad sila at baka kapag nagreklamo sila ay dag-dagan ng babae ang kanilang parusa. Nang makapunta sila sa sports field ay humarap si Aikira sa tatlong lalaki. "Alam niyo naman siguro kung saan ginagamit ang field, hindi ba?" Tumungo ang tatlo bilang sagot. "Habang tumatakbo kayo, dapat sinasagutan niyo ang test paper na iyan." Nakita ni Aikira si Ten na nagtaas ng kamay. Maya tinaasan niya ito ng kilay na nagsasabi na ano ang tanong ng lalaki. "Bakit parang ang hirap naman ng pinapagawa mo sa amin? Ang daming sasagutin oh!" "Kaya madami 'yan, para matagalan kayo sa pagtatakbo. Kapag natapos niyo na ang test pwede na kayong tumigil sa kakatakbo. Dinagdagan ko ang inyong parusa, dahil sa ginawa niyo sa babae noon." "Paano kung hindi namin napasa ang test?" Tumingin siya kay Quino. "Kayo ang maglilinis ng sports field, once a week." Hindi nakapagsalita ang tatlo, dahil nagulat sila sa sinabi ng babae. "Hindi naman ata tama ang pinapagawa mo sa amin." "Nagrereklamo ka ba, Yuun?" Tinignan niya ng seryoso si Yuun, kaya hindi na nakapagsalita ang lalaki. "Hindi mo ba ako kilala?" Hinawi ni Aikira ang kaniyang mahabang buhok at nang tumingin siya kay Quino. Bigla na lang napalunok ng laway si Quino, nang makita nito ang leeg ni Aikira. "Kilala mo rin ba ako?" "May oras ba ang pagsasagot?" Nagising si Quino sa katotoha an nang marinig niya ang boses ni Ten, sabay iwas sa tingin nito sa leeg ni Aikira. Ano ba itong ginagawa niyo? Hindi naman siya ganito sa ibang mga babae. "Wala." Nagsign si Yen ng yes. Halatang tuwang-tuwa ang dalawa maliban kay Quino. "Tara na! Ayaw kong umabot ng gabi rito!" sigaw ni Yuun. Nagsitakbuhan ang tatlong lalaki sa field at nagsimula na itong magsagot ng test. Umikot-ikot lang ang mga lalaki sa field at unti-unti rin naman silang napapagod. Kaya napailing si Aikira. Mga ilang minuto may nakita si Aikira sa bintana ng kanilang silid-aralan. Tama nga ang hinala niya manunood nga ang kanilang mga kaklase. Sigurado siya na nagtataka ang mga iyon, kung bakit pinaparusan niya ang mga badboy ng school. Iniwan niya muna ang tatlong lalaki sa field, kasi kailangan niyang oumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain at tubig. Pero pagkarating niya sa field ay madami ng tao ang nakapalibot sa field kaya hindi niya na makita ang tatlong lalaking pinaparusahan niya. "Tabi!" sigaw ni Aikira, pero hindi narinig ng mga estudyante ang sigaw niya, dahil mas malakas ang mga sigaw at tili ng mga ito. Nakalimutan niya, meroon pala silang break time. Sumiksik si Aikira sa mga tao at napahilot bigla ng noo nang makita niya ang tatlong lalaki na pinatakbo niya sa field ay mga nakahubad. Wala siyang sinabi na maghubad ang mga lalaki. Ang sabi niya lang ay tumakbo sila, habang nagtetest. Nang papunta na sa kanila banda ang tatlong lalaki ay tinignan niya ito ng seryoso isa-isa. Kaya napatigil ang tatlo at napatingin kay Aikira. Napairap si Aikira nang makita niyang kinindatan siya ni Quino. Ang akala naman ng mga lalaki, mapapansin ni Aikira ang mga magaganda nilang katawan pero doon sila nagkakamali. Ang ginawa ni Aikira ay hinagis niya isa-isa ang kanilang mga pang-itaas. "Paalisin niyo ang mga tao rito." Mabilis na nagsuot ang mga lalaki ng kanilang uniporme at nataranta sa pagpapaalis ng mga estudyante. May ibang mga babae na nagreklamo, pero ang iba naman ay nakinig na lang sa tatlong lalaki, dahil sa sobrang crush nila ito. "Sa amin ba 'to? Yown oh, akin na." Kukuhain na sana ni Yuun ang dalang pagkain ni Aikira nang ilayo niya ito sa lalaki. "Magpatuloy kayo sa inyong ginagawa." "Bakit? Gutom na gutom na kami! Bakit ba ang strikto mo ha? Hindi mo ba talaga kami kilala?" Lumapit si Quino kay Aikira, hanggang sa magkalapit ang kanilang mga mukha. Hindi naman nagpatalo si Aikira sa titigan ng mga mata, dahil wala sa dictionary niya ang matalo. "Ako si Quino Pillar, ang anak ng may-ari ng Flower Village, kung saan na ninirahan ang mga mayayaman, kasama na ang ating Mayor na si Mayor Heraldo Deguztin." Napangisi si Aikira nang ilayo ni Quino ang mukha nito sa kaniya. "Huwag kang masyadong mayabang, Mr. Pillar, dahil baka sa isang pikit mo lang wala na sa tatay mo ang village na iyon." Napatahimik si Quino, dahil sa mala kakatakot na boses ni Aikira. Hindi dapat siya matakot, dahil isa siyang badboy sa paaralan. Hindi dapat siya nagpapatalo, lalo na't babae ang humahamon sa kaniya. "Paano mo naman gagawin yon?" "Isipin mo, Mr. Pillar..." "Bakit ako ang naisipang utusan ng punong guro na magbigay ng parusa para sa inyo?" Binuksan niya ang plastic at isa-isa binigyan ng tubig ang mga lalaki. "Nakaisip ka na ba?" Pagkakuha ng inumin ni Quino sa mga kamay ni Aikira ay ininom niya agad ang tubig, sabay tumakbo ulit sa field habang sinasagutan ang test. *** "How's the punishment?" tanong nang kaniyang Tiya pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina nito. "Here's their test papers, ikaw na ang bahala magcheck," sabi niya at inilapag sa table ng Tiya ang mga folder. "Ikaw na ang magcheck, Iha. Marami pa kasi akong kailangan tapusin ngayon," sabi nito, sabay balik ng folder sa kaniya. "I'm not a teacher, it's your work..." binigay niya ulit ang folder sa Principal. "...not mine." Pagkatapos sabihin iyon ni Aikira ay lumabas agad siya sa opisina. Nang makalabas siya hindi niya inaasahan na nasa labas ang tatlong lalaking pinarusahan niya. Tinignan niya ang tatlong pawis na pawis at hingal na hingal. Kung tititignan mo sila ay parang hindi ang mga ito ng kabayo. Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod? Tatlumpung beses nilang inikot ang buong field, habang nagsasagot ng test. Nagkakaroon tuloy sila ng kaunting pag-asang pumasa. Napakainit na nga ng kanilang tinakbuhan, sinamahan pa ng napakahirap na test. "Ate! Bigyan mo naman kami ng isang pagkakataon kapag hindi pumasa!" sigaw ni Ten. Nagulat si Aikira nang biglang hawakan ng tatlong lalaki ang kaniyang dalawang kamay. "Ayaw ko talagang maglinis ng buong field," sabi naman ni Yuun. Si Quino naman ay nakatingin lang kay Aikira. "Sa Principal niyo iyan sabihin, huwag sa akin." Tinanggal ni Aikira ang mga kamay ng tatlong lalaki sa kaniyang mga kamay at naglakad na papunta sa banyo para sa linisin ang kaniyang sugat sa tiyan. Hinawakan niya ang tiyan at nagulat siya nang may dugo ang kaniyang kanang kamay. Ipagsabihin tumagos ang dugo sa kaniyang gauze kaya pati ang damit niya ay nagkaroon ng dugo. Kailangan niya nang linisan ang kaniyang sugat. Kasalanan niya ito, dahil sinuway niya ang doktor ng hospital. Nagmamadali si Aikira maglakad at nang palikod na sana siya sa kaliwa ng hallway nang biglang may nabangga siyang isang lalaki. Natamaan ng kamay ng lalaki ang kaniyang tiyan kaya namilipit siya sa sakit. "f*****g shit." Hindi na pinansin ni Aikira ang lalaking nabangga niya, dahil nagmamadali siyang makapunta sa banyo. Nang makapunta siya sa banyo inilapag niya ang kaniyang bag sa tabi ng hugasan at tinanggal ang pang itaas. Napabuntong hininga nalang siya nang makita niya ang kaniyang sarili sa salamin. Ang payat niya at para siyang isang zombie sa sobrang putla ng kaniyang mukha. Bakit hindi manlang sinabi sa kaniya ng mga lalaki na maputla na pala ang mukha niya? Tang-ina naman! Bakit ngayon pa naging ganito ang sugat niya, kung kailan naman nasa paaralan siya doon lalabas ang mga dugo. "Aarrghhh," ungol niya sa sakit nang tanggalin niya ang guaze na nakalagay sa kaniyang sugat. Punung-puno iyon ng dugo, kaya itinapon niya na sa basurahan. Wala naman sigurong makakaalam kung kanino nang galing ang dugong iyon, hindi ba? At iisipin ng mga babae na period ang dugong iyon, sana. *** "Pre, kanina kapa namin hinihintay dito, bakit ang tagal mo?" tanong ng kaniyang kaibigan sa kaniya, nang makarating siya sa parking area. "Bakit may dugo ang kamay mo, Daven?" napatingin si Daven sa kaniyang kamay, dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan na si Dijay. Naalala niya noong mabangga niya si Aikira at doon niya lang naisip na sa babae ang dugong nasa kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD