Kabanata VI

1742 Words
"Agent Deguztin, permission to fire," sabi ni Aikira habang nakatutok ang sniper sa isang lalaking nagtatangkang patayin ang sekretarya ni Mr. Herin. Siya ngayon ay nasa itaas ng isang malaking building, habang ang binabantayan niya na babae ay naglalakad sa kalsada na wala masyadong mgabtao na dumadaan. Kaya maayos ang kanilang posisyon. [Fire.] *Bang!* Napangisi siya nang makita niya ang lalaking binaril niya na nakahiga sa sahig. Ang taong katabi ng lalaki ay gulat na gulat nang makita nito ang kasamanniya ay patay na. Nagulat si Aikira nang makakita ulit siyang lalaki na sumusunod sa sekretarya. "Permission to fire again." Itinutok niya ang kaniyang spiner sa lalaki. [Fire.] *Bang!* "f*****g s**t! I need backup!" Mabilis na tumakbo si Aikira pababa ng building nang may makita siyang limang lalaking humahabol sa sekretarya. Bigla na lang lumabas ang limang lalaki sa isang bahay kaya hindi siya nakapaghanda. Nang makababa siya sa building pinuntahan niya ang pinasukang abandunadong bahay ng sekretarya. [Huwag ka munang magpapaputok o gagawa ng galaw. Hanggat hindi pa nakakarating ang mga pulis, Agent Deguztin. Papunta pa lang sila.] "Yes, Sir." Ang baril na kinuha ni Aikira sa kaniyang likod kanina ay ibinalik niya sa kaniyang likod, dahil kailangan niyang sundin ang kanilang Commander. "Ano ba! Bitawan niyo ako!" Nakarinig ng boses ng babae si Aikira, kaya sinundan niya ang noses na iyon, hanggang sa makarating siya sa pinanggagalingan ng boses. Nakita niya ang isang lalaki na nakatutok ang baril nito sa noo ng sekretarya. Inutusan siya ng kanilang Commander na huwag magpapaputok, dahil baka madamay ang sekretarya, lalo na't nalaman nila na buntis ang babae. Hindi naman siya pwedeng walang gawin. Kailangan niyang iligtas agad ang babae. Hindi niya na kailangan ng backup. Hindi niya na hihintayin ang mga kasama niya na dumating, dahil pagkadating ng mga iyon ay baka patay na ang sekretarya. "Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang atraso ng Boss mo sa amin?" sabi ng lalaking nakatutok ang baril sa sekretarya. "Wala akong alam! Hindi ko alam ang mga sinasabi niyo!" Base sa pagsasalita ng babae ay natatakot na ito at baka may mangyare sa dinadala nitong bata sa tyan kapag pinagpatuloy nito ang pagkakabalisa. "Hindi mo alam? Binentahan niya kami ng droga! At dahil sa droga na iyon, nagkagulo-gulo ang buhay namin!" "Bakit ako nadamay?! Wala akong kinalaman sa droga! Hindi ko alam na isang drug dealer ang Boss ko! Patay na siya! Kaya itigil niyo na 'to!" "Patay na nga siya, pero ang kaniyang anak ay hindi pa." Biglang nakaramdam ng kaba ang sekretarya nang tumingin ang lalaki sa kaniyang tiyan. Mabilis niyang tinakpan ang kaniyang tiyan, gamit ang dalawang braso niya. "Huwag ang anak ko, parang awa niyo na! Inosente ang anak ko!" "Hahahaha," mala demonyo nitong tawa. "Sa tingin mo ba hahayaan kong mabuhay ang hampas lupang batang iyan?" "Magsama sila ng Ama niyang manloloko!" Bago iputok ng lalaki ang baril nito. Mabilis na tumakbo si Aikira, para kuhain ang baril ng lalaki sa kamay nito at itinutok sa noo ng lalaki. "Sino ka naman?" "Ang tatapos ng buhay mo," seryosong sabi ni Aikira, sabay suntok sa lalaki, kaya napaatras ang lalaki. Ang apat na lalaki namang kasama nito ay napatutok ang mga baril kay Aikira. [Anong ginagawa mo, Agent Deguztin!] [Inutusan kitang huwag munang gumawa ng galaw! Bilang i-] Itinapon ni Aikira ang earpiece na suot niya, para hindi niya marinig ang boses ng kaniyang Commander. Wala na siyang pake kung hindi niya ito sinunod. Ang mahalaga sa kaniya ay ligtas ang sekretarya. Hindi siya tanga para hintayin ang mga backup, habang ang babae ay papatayin na. Naramdaman ni Aikira na may kumuha ng baril niya sa likod kaya napatingin siya sa babae habang ang baril niya ay nakatutok sa mga lalaki. "Huwag kang lalapit sa akin, kung hindi papatayin ko ang sarili ko," nanginginig na sabi nito, habang ang baril na hawak ng babae ay nakatutok sa noo nito. "Secretary Guinz, makinig ka sa akin..." Tinignan siya ng babae sa mata. "...nandito ako para tulungan ka, para iligtas kayo ng iyong anak sa kapahamakan. Hindi mo kailangan gumawa ng kahit anong makakapahamak sa inyo." "Hindi totoo ang sinasabi mo! Isa ka rin sa kanila! Isa ka rin sa gustong mamatay ang anak namin!" Lumaki ang mata ni Aikira nang itutok ng babae ang baril sa kaniya, nang pumutok ito ay sapol ang bala sa tiyan ng isang lalaking kanina pa nagsasalita. Buti na lang at nakailag siya. Kinuha ni Aikira ang baril sa babae at pinatulog ito sa isang hampas lang ni Aikira sa leeg ng babae gamit ang kamay niya. "Dalawa baril ko paano ba 'yan?" Nginisian niya ang apat na lalaki na nakatutok ang mga baril sa kaniya. Kinasa niya parehas ang dalawang baril na hawak niya, sabay takbo, habang iniilagan ang mga pinuputok na bala ng apat na lalaki. Nang makalapit si Aikira sa apat ay mabilis niya itong pinagsusuntok. Umiilag din naman siya sa tuwing sinusubukan siyang suntukin ng isang lalaki. "Tang-ina tumigil ka na!" Napatingin si Aikira sa lalaking nagsalita sa gilid. Ang lalaking nabaril ng sekretarya ang nagsalita, kaya nasuntok siya ng isang lalaki sa mukha pati sa tiyan. Hindi siya nagpatalo sa mga lalaki. Pinagsusuntok niya ang mga ito sa mukha at mabilis na pinatumba. Tumingin siya sa lalaking nakatutok ang baril sa sekretarya. Mabilis siyang tumakbo at hinarangan ang babae, sabay putok ng baril ni Aikira sa lalaki. Pero hindi niya inaasahan na nagpaputok din ng baril ang lalaki, kaya natamaan siya sa tagiliran. Hinawakan niya ang kaniyang tama ng baril, at mabilis na sinipa sa ulo ang lalaking bumaril sa kaniya, kaya natumba ito sa sahig. Lumapit siya sa sekretarya at hinawakan ang kamay nito. Buti nalang at hindi niya naisipang patayin ang sekretarya noon, dahil kapag napatay niya ito, at nalaman niya na buntis ang babae. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili. Inosente ang bata, at hindi alam ng sekretarya na isang drug dealer ang Boss nito. Nagdidilim ang paningin ni Aikira nang makita niya ang mga backup na pinatawag niya na papunta sa kanila. Mga ilang segundo, nagdilim na ang kaniyang paningin at bigla nalang siyang nawalan ng malay. *** Nagising si Aikira, dahil sa init ng kaniyang buong paligid. Ang buong mukha niya ay basang-basa sa pawis. "Aikira! Gising ka na." Inalalayan ni Stevan si Aikira na makaupo sa kama, pero hinampas ni Aikira si Stevan sa braso. "Tang-ina mo! Buksan mo ang aircon!" "Huh? Hindi ba nilalamig ka?" "Mukha ba akong nilalamig?" Napalunok ng laway si Stevan nang makita niyang pawis na pawis ang buong mukha ng babae. Nataranta si Stevan, kaya tumakbo siya papunta sa aircon para sana buksan ito, pero hindiniya inaasahan na madulas siya. Napabuntong hininga si Aikira. Tumayo si Aikira na hindi pinapansin ang sakit ng sugat niya at binuksan ang aircon, sabay pasok sa banyo para umihi. Si Stevan naman ay dahan-dahan na naglakad papunta sa kama ni Aikira at humiga. Pagkalabas ni Aikira sa labas ng banyo, napatigil siya nang makita niyang si Stevan na natutulog sa kaniyang kama. Nadapa lang nasa kama niya na ito, sino ba ang nabaril, hindi ba siya? Bakit si Stevan ang nakahiga sa kama? Napatingin bigla si Aikira sa pintuan ng kaniyang kwarto nang bigla itong bumukas. "Agent Deguztin," sabi ng kaniyang Commander. Nataranta siya kaya mabilis siyang napasaludo. "Bakit hindi ka nagpapahinga?" Tumingin si Aikira kay Stevan na natutulog sa kaniyang kama, kaya ang Commander ay napatingin din sa tinignan ni Aikira. "Bakit si Agent Hunk," tawag ng Commander kay Stevan, pero hindi ito nagigising. Kaya lumapit ang Commander, sabay sapok sa noo ni Stevan. "Bakit! May umatake!" Biglang napatayo si Stevan sa kama ng nakahanda na ang dalawang kamay nito sa suntukan. "Commander." Sumaludo si Stevan nang makita niya ang Commander nila at bumaba sa kama. "Ano po pala ang ipinunta niyo rito?" tanong ni Stevan. "Si Agent Deguztin ang ipinunta ko rito." Humarap ang Commander kay Aikira. "Alam mo naman siguro kung ano ang ginawa mo kanina hindi ba?" Tingin lang ang sagot ni Aikira. "Mukhang ayus ka naman na ngayon. Pumunta ka sa headquarters bukas ng umaga." Pagkatapos nitong sabihin iyon, lumabas agad ang Commander. "Bakit mo ba naisip na sawayin ang utos ni Commander?" Uupo na sana si Stevan sa kamay niya nang tulakin niya ito at humiga sa kaniyang kama. Siya ang may sugat, nadapa lang si Stevan. Kaya siya ang may karapatan sa higaan na ito. "Uupo lang eh ang damot, ako kaya ang nagbayad ng gastusin mo rito sa hospital." "Wala akong sinabi na bayaran mo ang bills ko rito." "Paano mo mababayaran kung tulog ka?" "Isipin mo." Kinumutan ni Aikira ang kaniyang sarili. "Bilihan mo ako ng pagkain. Nagugutom ako." walang nagawa si Stevan kung hindi ang bilihan ng pagkain si Aikira. Ang bilin kasi ng Commander nila sa kaniya na bantayan ng mabuti si Aikira, at kapag may nangyareng masama sa babae ay malalagut siya. Kaya kailangan niyang alagan si Aikira. Si Aikira naman ay kinuha ang selpon niya at kinalikot ito. Meron siyang nakitang mga tumawag sa kaniya kanina. Ang number ng kaniyang Ama. Mukhang nalaman na nito na bumalik siya sa Manila. Kailangan niya nga pa lang pumunta sa headquarter bukas ng umaga. *** "Agent Deguztin, ikaw ay lumabag sa aking utos, alam mo naman kung ano ang kaparusahan ang makukuha mo kapag lumabag ka hindi ba?" Ngayon sila ay nasa loob ng conference room. Ang lahat ng tao ay nakatingin sa kaniya na nakatayo. "Yes, Sir," walang ganang sabi ni Aikira. "Pero Commander, hindi pa siya magaling." "Agent Hunk hindi ka kasali sa usapan, kaya huwag kang sisingit." Napatahimik na lang si Stevan at hindi na umimik. Kahit gusto nitong ipagtanggol si Aikira ay wala siyang magagawa. "Do it later, before 12." "Yes, Sir." Sumaludo si Aikira sa Commander at nang makalabas ang mga tao sa conference room ay napaupo si Aikira sa kaniyang upuan. Hindi ang parusa ang iniisip niya ngayon, ang iniisip niya ngayon kung paano siya makakauwi mamaya, may parusa siya, mukhang hindi ito makakabalik sa Grimson City mamaya kung hindi bukas. Kanina nga sa hospital pinilit lang nila ang doktor na paalisin sila, hindi pa dapat siya paaalisi, dahil baka mainfection ang kaniyang sugat, pero dahil sabi ng kanilang Commander ay kailangan nila itong sundin, lalo na't hindi na pwedeng lumabag si Aikira sa utos nito. "Anong balak mo ngayon?" Napatingin si Aikira kay Stevan na nasa harapan niya habang nakaupo. "Ang balak ko ay ang patayin ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD