Nang matapos ang klase, tumayo agad si Aikira at naglakad papunta sa rooftop. Kung saan palagi silang tumatumbay magkakaibigan dati. Inilabas niya ang kaniyang laptop at pinanood ang mga cctv. Kailangan niyang mamonitor ang buong paaralan, dahil may nagsabi sa kaniya na may miyembro rito ng Skull.
Hindi siya kumain ng tanghalian, dahil wala siyang gana. Kahit hindi siya kumain ng umagahan. Sanay siya na hindi kumain ng ilang araw, dahil naranasan niya na ito sa presinto sa tuwing hindi agad siya nailalabas ng kaniyang abugado.
"What?" sabi ni Aikira nang tumawag sa kaniya si Stevan.
[Nakita mo na ba ang balita?]
"Pwede ba manood ng balita sa paaralan?"
[Tang-ina mo, Aikira. Hindi ako nakikipagbiruan. Panoodin mo ang ibinigay kong link sa'yo. Tawagan mo ako kapag nakita mo na.]
Pagkapatay ng tawag ay pinanood agad ni Aikira ang sinend na link ni Stevan.
"The secretary of Mr. Herin?" Sininara niya ang laptop ng pagalit. Buti na lang at hindi niya pinatay ang secretary ni Mr. Herin, dahil kung pinatay niya ito ay hindi sila makakakuha ng impormasyon, tungkol sa mga Skull.
Nang marinig niya ang kaniyang selpon na tumunog ay sinagot niya agad ito.
[Agent Deguztin, kailangan mong makapunta agad dito. May ipapadala akong choper.]
Magsasalita na sana siya nang mamatay ang tawag.
Kakarating niya lang sa Grimson City, tapos papabalikin agad siya? Ang akala niya ba tapos na ang trabaho niya sa Manila? Kaya nga siya ipinadala ni Lieutenant General Fransiscko sa Grimson eh. Ano na naman ba ang ipapagawa sa kaniya?
Inilagay niya ang laptop sa bag at nagmamadali na pumunta sa opisina ng kaniyang Tiya.
"Mawawala ako ng isang araw, ikaw na lang ang magsabi sa Dad ko." Nang tumalikod siya sa Tiya niya ay bigla itong nagsalita.
"Ano na naman ba ang gagawin mo? Ano na naman ba ang gusto mong sabihin kong rason sa Tatay mo, Aikira? Sasabihin ko na lang ba ulit ang mga rason na sinasabi mo sa akin noon sa Daddy mo? Hindi siya maniniwala sa akin." Humarap siya sa Tiya niya.
"Sabihin mo magpapakamatay ako. Ayus na ba 'yung rason na iyon para sa'yo?" Pagkatapos niyang sabihin iyon, lumabas agad siya sa opisina at dumeretsyo sa cafeteria, para kumuha ng pagkain dahil ayaw niya namang lumipad papuntang Manila na walang kinakain.
Hindi naman niya alam na may gagawin siyang misyon sa Manila at hindi pa pala tapos ang kaso ni Mr. Herin. Ang akala niya kapag napatay niya na si Mr. Herin ay tapos na ang kaniyang misyon.
"One cheese burger with fries, take out," tumungo ang chef ng kanilang paaralan at niluto ang inorder niyang pagkain. Habang naghihintay sa kaniyang pagkain ay umupo muna siya sa isang upuan at inilabas ang kaniyang laptop.
Hinahanap niya ang mga file na kailangan niyang mahanap ito hanggat hindi pa siya nakakapunta sa Manila.
Biglang tumunog ang kaniyang selpon kaya sinagot niya ang tumatuwag sa kaniya.
[Papunta na riyan ang chopper, sabi sa akin ni Lietenant General Fransiscko. Hinatayin mo nalang.]
"Ok," sabi na lang ni Aikira at pinatay ang tawag. Si Stevan ang tumawag sa kaniya at hindi niya alam kung bakit ito tumawag, kung pwede naman text na lang. Mayaman pala sa load si Stevan ngayon niya lang ulit naisip.
"f**k," bulong na mura niya nang hindi niya nakita ang files na pinapahanap ni Lieutenant General Fransiscko. Padabog niyang isinara ang kaniyang laptop. Wala siyang pake kung masira ang laptop, dahil kaya niya namang bumili pa ng bago at ipasa ang mga files.
Dahil sa inis niya pinuntahan niya ang chef na nagluluto ng kaniyang pagkain.
"My food?" Tinignan siya ng chef na inis.
"Hindi pa po tapos, Ma'am."
"Bilisan mo, kanina pa ako naghihintay." kanina niya pa hinahanap ang files tapos hindi pa rin tapos. Gaano ba katagal lutuin ang burger at fries? Ayaw niya ng pinaghihintay siya lalo na kapag nakatayo siya.
"Hindi po ba kayo makakapaghintay?" Tinignan lang ni Aikira ang chef. Hindi ba halata sa itsura niya na hindi siya makapaghintay?
"Ito na po ang pagkain mo." Padabog niya itong inilapag sa harapan niya kaya mas lalo siyang nainis.
"Ano pangalan mo?"
"Seyan."
"Full name." Napakunot ang noo ng lalaki, kaya napataas ang dalwang kilay ni Aikira. Wala rin namang nagawa ang lalaki kung hindi ang sabihin ang buing pangalan niya.
"Seyany Hinala." Nang marinig ni Aikira ang pangalan na iyon, may inis niyang kinuha ang maliit na paper bag, sabay labas ng cafeteria.
Binuksan niya muna ang plastic ng burger at kinagatan, bago kinuha ang selpon sa bulsa para tawagan ang kaniyang Tiya.
"Fire Seyany Hinala," sabi niya sabay patay ng tawag. Kahit hindi pa niya naririnig ang Tiya na mag-agree sa sinabi niya.
Habang naglalakad sa hallway papunta sa sports field, para roon niya nalang hihintayin ang chopper, pero hindi niya inaasahan na may babaeng makakabangga sa kaniya. Kaya ang burger na kaniyang kinakain ay nalaglag.
"Sorry, hindi ko po sinasadya, bibilihan na lang kita ng bago sorry talaga." Aalis na sana ang babae nang hawakan ni Aikira ang braso nito, sabay hila sa babae paharap sa kaniya.
"Sorry talaga ate, pero pwede niyo po ba akong bitawan? May humahabol po kasi sa akin." Pinipilit ng babae na makaalpas sa kamay ni Aikira pero napakahigpit ng hawak nito sa braso niya. Naalala niya na kung saan niya nakita ang babaeng ito. Siya ang babae na nakasama sa away kanina.
"Pulutin mo ang pagkain ko."
"Ano po?" Magsasalita na sana ulit si Aikira nang may dumating na tatlong lalaki sa harap nila. Ang tatlong lalaki na pinarusahan niya kaninang umaga.
Nang makita ng tatlo si Aikira ay napatayo ang mga ito ng tuwid at yumuko.
"Anong ginagawa niyo?" Inilapit niya ang babaeng hawak-hawak niya sa kaniya.
"Sorry po. Sorry, sorry," paulit-ulit na sabi ng tatlo.
"May ginawa ba ang babaeng ito sa inyo?" Natakot ang tatlong lalaki nang magbago ang tunog ng boses ni Aikira.
"Wala po," sabi ni Quino, habang nakayuko at kinakalikot ang mga daliri.
"Bakit niyo siya hinahabol?" Hindi sumagot ang tatlong lalaki, kaya alam agad ni Aikira na binubully nila ang babaeng iyon.
"Pagdating ko na ibibigay ang parusa niyo, at kapag nalaman ko ulit na may binully kayo. Dadagdagan ko ang parusa niyo." Dahil sa takot ng tatlong lalaki kay Aikira ay tumakbo ang mga ito paalis sa kanilang harapan.
Humarap siya sa babae at naoakunot siya nang makita niya itong umiiyak.
"Salamat," mahinang sabi nito habang umiiyak.
"Hindi ko kailangan ng salamat mo, kuhain mo nalang ang pagkain na sinayang mo at tapunin mo." Tumungo ang babae at umupo. Kukuhain na sana nito ang natapon na burger nang may marinig silang boses sa kanilang gilid.
"Hindi mo kailangan pulutin 'yan." Tumayo ang babae at tinignan ang lalaking naglalakad palapit sa kanilang dalawa.
"Daven," mahinang sabi ni Aikira na hindi narinig ng babae.
"Gan'yan ka na ba ngayon?" Kumunot ang noo ni Aikira at tinignan ng walang emosyon si Daven. "Sa sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo, pati inosenteng tao tinatapakan mo?" Nagulat ang babae nang bigla siyang higitin ni Daven papunta sa likod nito.
"Napakalaki ng pinagbago mo. Huwag mong idadamay si Samantha, dahil kapag nalaman ko ulit na sinasaktan mo siya. Baka kung ano na ang gawin ko sa'yo." Hindi pinansin ni Aikira ang sinabi ni Daven, dahil may nagtext sa kaniya na nasa sports field na ang chopper. Aalis na sana siya nang marinig niya ulit na magsalita si Daven.
"Pulutin mo ang kalat mo." Humarap si Aikira sa dalawa ng walang emosyon na ipinapakita.
"Hindi ko kasalanan kung bakit nasa sahig 'yan. Ipapulot mo sa kasintahan mo, dahil siya ang may dahilan kung bakit nasa sahig ang pagkain ko." Pagkatalikod ni Aikira, mabilis na naglakad si Daven palapit kay Aikira at hinawakan ang pulsuhan ni Aikira, sabay ipinaharap sa kaniya.
"Pulutin mo."
"Pupulutin ko kung-."
"Pulutin mo," pagpuputol ni Daven sa sasabihin sana ni Aikira.
"Aikira!" Napalingon silang lahat nang may sumigaw sa likod ni Aikira. "Nandito ka lang pala, tara na!" Napatigil sa pagtatakbo si Stevan nang makita niya si Daven.
"Ipapulot mo sa kaniya, huwag sa akin." Tinanggal niya ang kamay ni Daven sa kaniyang pulsuhan at naglakad palayo kay Daven.
"Iyon ba 'yung lalaki?" hindi sinagot ni Aikira ang tanong ni Stevan, sapagkat ang nasa isip ni Aikira ang nawawalang files ni Mr. Herin.
"May copy ka ba ng files ni Mr. Herin?"
"Meroon, bakit?"
"Transfer it to my laptop later. Kailangan ko ulit ang mga files niya." Ang akala niya kasi hindi na niya kailangan ang files kaya, dinilete niya na ito. Hindi naman niya alam na magagamit niya pa pala ito.
"Dinilete mo na naman ba?" Hindi siya nito pinansin.
"Huwag mo na kasing idelete, ilagay mo nalang sa flashdrive." Nang makarating sila sa sports field ang lahat ng mga estudyante ay nakapalibot sa chopper. Kaya nahirapan silang makalapit sa nagpapalipag ng chopper.
"Paborito ka talaga ni Lieutenant General Fransiscko. Kapag ako naman kotse lang, tapos kapag ikaw chopper? s**t," naiinggit na sabi ni Stevan.
Tumakbo ang piloto ng chopper sa kanilang dalawa nang makita sila nito at sinaluduhan.
"Sino naman ang babaeng ito?"
"What the f**k?"
"s**t, ang gwapo ng kasama ni ate girl."
"Gwapo sana 'yong lalaki, kaso hindi sila bagay nong kasama niyang babae."
Napairap si Aikira sa mga narinig niyang mga nagbubulungan. Nagbubulungan pa ang ibang babae kung naririnig niya rin naman. Ang ibang mga babae at lalaki naman na malayo ay halatang siya ang pinag-uusapan, dahil nakatingin ito sa kaniya, habang nagbubulungan.
Nang makapasok sila sa chopper, isinara agad ng piloto ng pintuan ng chopper, sabay pinalipad ang chopper.
"Kailangan mo 'yung files hindi ba?" Tumungo si Aikira. "Pasa ko sa'yo mamaya, pagkatapos ng meeting. Nasa headquarters kasi ang files eh, at nagmamadali tayo. Kailangan agad nating makapunta sa headquarters."
"Hindi ka ba nagtataka?" singit ni Aikira.
"Saan? Kanino?"
"Sa sekretary ni Mr. Herin."
"What do you mean?"
"Wala, pag-usapan na lang natin ito mamaya." Biglang nakaramdam ng gutom si Aikira kaya napabuntong hininga nalang siya at kinain ang fries. Kulang sa kaniya ang fries, siguro kung hindi natapon ang burger niya ay hindi siya makakaramdam ng gutom ngayon. Sayang, ilang minuto pa naman niya hinintay ang pagkain na iyon tapos matatalon din naman pala. Paharang-harang kasi ang babaeng iyon.
Naalala niya ang nangyare kanina, noong dumating si Daven. Napangisi na lang siya at ipinikit ang mga mata.
Naramdaman niya ang pagkalanding nila sa rooftop ng headquarters, kaya tinanggal niya ang headphone na nakalagay sa kaniyang tenga kanina at bumaba ng chopper nang buksan ng piloto ang pintuan.
"Agent Deguztin." Nakipagshake hands siya sa isang lalaki na sumalubong sa kanila. "Kayo na lang po ang hinihintay sa conference room." Tumungo si Aikira at naglakad na papunta sa conference room.
Nagsitayuan ang mga tao sa loob ng conference room at sumaludo sa kaniya.
"Agent Deguztin."