Kabanata IV

1715 Words
"Hindi ka na ba mag-uumagahan?" "No thanks, Dad. Malelate na ako sa paaralan." Magmamadaling sumakay sa sasakyan si Aikira. Ang sasakyan na gamit niy ay ang sasakyan na regalo ng kaniyang Ama. Habang pinapatakbo ng mabilis ni Aikira ang kaniyang sasakyan ay biglang may tumawid na lalaki sa kalsada. Buti nalang ay mabilis ang kaniyang apa at nahinto agad ang sasakyan. Pagkababa niya tinignan niya ang lalaki na namimilipit sa sakit ng paa. "Tatawid ka pa ahh," inis na sabi niya nang tumingin ang lalaki sa kaniya. Buti na lang at walang masyadong dumadaan na sasaktan sa dinaanan niya, dahil kung meroon ay makikita niya na naman ang kaniyang sarili na pinapagalitan ng kaniyang Ama. "Tumayo ka," utos niya sa lalaki, pero hindi pa rin ito tumatayo. "Punyeta, tumayo ka!" Dahil natakot ang lalaki ay napatayo ito at doon nalaman ni Aikira na hindi masakit ang paa nito. "Tsk." Sasakay na sana siya ng kaniyang sasakyan nang pigilan siya ng lalaki. "Hindi mo ako dadalhin sa hospital?" "Pake ko sa'yo?" malamig na sabi ni Aikira, sabay sumakay ng sasakyan. Sinayang niya lang ang oras sa isang tao na niloloko lang siya. Nang makita niya ang oras sa kotse ay mas lalo niyang pinabilis ang pag-aandar sa sasakyan. Iniiwasan niya lang ang mga kotse na mga nasa harapan niya. Wala siyang pakeealam kung magalit ito sa kaniya, dahil ang mahalaga ay hindi siya malate sa first day of class niya. Nang makapasok siya sa paaralan. Pinark niya muna ang kaniyang sasakyan sa parking area. Wala siyang masyadong nakikitang mga estudyante sa labas, kaya alam niya na nag-umpisa na ang klase nila. Pumasok muna siya sa opisina ng punong guro. "Tita," niyakap niya ang kapatid ng kaniyang Ama na ikinagulat naman nito. Ang alam kasi nito na nakarating na si Aikira sa Grimson City, pero hindi alam nito na mag-aaral ulit siya. Kilala niya si Aikira, ang pinaka-ayaw nito ay ang pag-aaral. Kaya nga nag-graduate agad ito ng maaga para hindi na mag-aral. "Hindi ko inaasahan na mag-aaral ka ulit." Umupo silang dalawa at ngayon sila ay magkaharapan. "Dad, want me to study again." "Namimiss ka lang non, kaya gusto niyang bumalik ka rito. By the way, late ka na sa klase." "Tatambay na lang po muna ako rito." "Sige, may pupuntahan lang ako saglit. Dito ka lang huwag kang aalis, dahil madami pa tayong pag-uusapan." Nang tumungo siya ay lumabas na ng opisina ang kaniyang Tiya. Inilabas niya agad ang kaniyang laptop sa bag at mabilis na hinack ang lahat ng cctv sa buong paaralan. Nang makita niya ang mga nag-oopen na mga video ay napa'tsk' siya at sinabi sa sarili na napakadali, kailangan niyang isecure ang cctv ng paaralan, para wala kung sino man ang makahack nito. "Puta," mura niya nang biglang nawawala ang mga video ng cctv sa kaniyang laptop. Isa lang ang ipagsabihin nito. "Someone hacked all the cctv," inilagay niya sa kaniyang bag ang laptop at pumunta sa security room ng paaralan. "Make way." Nakita niya kasi ang mga lalaki na nagpapanic habang nakatingin sa cctv na puro malabo. Nang magbigay ng daan ang mga lalaki sa kaniya, inilabas niya ang kaniyang laptop at icononnect ang mga wire sa laptop niya at inumpisahan na hulihin ang computer na naghack sa cctv. "Tang-ina mo," seryosong sabi niya nang mablock niya ang computer na nang hack. Ilang minuto rin itinagal niya para mablock ang computer at sa wakas ay nablock niya na ito. Napahinga siya ng malalim at inilagay ang laptop sa bag. Pagkaharap niya sa mga lalaki, nakatulala ito sa kaniya at hindi makapaniwala na ang isang babae ay nagawang iblock ang nang hack. Hindi nalang ito pinansin ni Aikira. bumalik siya sa opisina ng kaniyang Tiya at hinintay na makabalik. Ano ba naman ang Tiya niya, nablock niya na nga nag nang hack kanina tas wala pa rin ngayon? Ano ba ang ginagawa non? Bakit naman ang tagal bumalik? "Hindi ba ang sabi ko sa'yo Mr. De Loughrey? Huwag ka nang makikipag-away? Pinakiusapan ko na ang Dean niyo na ako nalang ang kakausap sa'yo!" umupo sa gilid si Aikira para hindi agad siya makita ng dalawa, rinig na rinig niya ang malakas na boses ng kaniyang Tiya sa labas. Nang bumukas ang pintuan ng opisina ay pumasok agad ang kaniyang Tiya, sabay upo sa upuan nito. Tumingin ang Tiya niya sa kaniya pero nagsign siya na huwag maingay, kaya napatungo ito. "Sabihin niyo sa akin, bakit kayo nag-away?" nakatalikod ang apat na lalaki at isang babae sa kaniya, kaya hindi siya nito nakikita at ayaw niya rin magpakita. Para bang may lalabas sa kaniyang puso kapag nagkita ulit sila. "Wala po akong ginagawa, bigla nalang po akong sinugod ni Daven," naririnig niya pa lang ang pangalan ng lalaki ay parang sasabog na ang kaniyang puso sa bilis ng t***k nito. Ito na naman siya hindi mapakali. "Sinungaling, amputa," narinig niyang bulong ni Daven, kaya napailing nalang siya. Hindi pa rin ito nagbabago, pala away pa rin sa paaralan, katulad noon. "Sigurado ka ba, Mr. Magiba? Sigurado ka ba na si Daven ang may pakana ng lahat ng ito?" tumungo ng sabay-sabay ang tatlong lalaki. "Sumunod kayo sa akin," pagkaharap ni Daven ay nakita niya agad si Aikira na nakatingin sa kaniya. Para bang nagslow mo ang mundo ni Aikira nang makita niya ang mata nito, pero nawala rin ito, dahil umiwas agad ang lalaki sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas ang mga tao sa loob. Inisip niya nalang kung sino ang taong nang hack kanina. Alam niya na may dahilan kung bakit hinack niya ang buong cctv ng paaralan. Nahack ang cctv habang nakikipag-away si Daven sa tatlong lalaki, hindi kaya may koneksyon ito sa nang hack kanina? Pero ano ang kailangan nito sa away ng apat na lalaki? *** "Kailangan kong makita kung ano ang nangyare sa basketball court kanina," ang tatlong lalaki ay pinapawisan, dahil sila ay kinakabahan, nakalimutan nila na may cctv sa basketball court. Habang si Daven naman ay malademonyong nakatingin sa tatlo, sabay tingin sa babaeng inosenteng nakatingin sa mga cctv. Ang babaeng ito kung bakit siya napaaway kanina. "Madam, wala po rito ang copy ng nangyae kanina sa basketball court," sabi ng isang lalaki. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Kanina po kasi, may nang hack ng lahat ng cctv, may napansin po kami kanina sa video na para pong may nagcut ng video. Ito po ata ang dahilan kung bakit hinack niya ang cctv sa paaralan. Buti nga po na nablock ng isang babae ang nang hack, kaya po naging maayos po ulit ang cctv, pero may nakuha pong copy ang hacker. "Tabi," napatingin sila sa baabeng nagsalita sa kanilang likod. Ang mga lalaki na nakaassign sa security room ay napangiti, dahil nakita nila ulit ang babaeng nagblock sa hacker. Pumunta sa Aikira sa harapan at inilabas ang laptop sabay binuksan ito. Binuksan niya ang file kung nasaan ang video, nakita nilang lahat na hindi si Daven ang may pakana ng lahat, dahil tinutulungan niya lang ang babae. "Malinaw na ba?" walang ganang sabi niya. "Paano ka nagkacopy niyan?" tanong ng lalaki na nagsabi na si Daven ang may gawa ng gulo. Naglakad si Aikira palapit sa lalaking nagsalita at tinitigan ang mukha nito. "Hulaan mo," bulong niya. Tinignan niya muna si Daven bago inilagay ang laptop sa bag at umalis ng security room. "Kayong tatlo, sumunod kayo sa akin," walang nagawa ang tatlong lalaki na bumalik sa opisina ng punong guro. "Itaas niyo ang mga kamay niyo,"sabi agad ng punong guro nang makapasok sila sa opisina nito. "Doon kayo tumayo, hindi niyo pwedeng ibaba ang inyong mga kamay hanggat hindi ko sinasabi na ibaba niyo!" Napabuntong hininga si Aikira at umupo sa harapan ng kaniyang Tiya, nang makita niyang nagsign ito na lumapit sa kaniya. "Ikaw na ang bahala magparusa sa mga iyan pagkatapos ng klase." "Hindi ko trabaho ang magpadisiplina ng estudyante." "Alam ko, pero alam ko na ikaw lang ang magpapaamo sa mga iyan." "Sigurado ka?" nang makita niyang tumungo ang kaniyang Tiya ay humarap siya tatlong lalaki. "Name?" lumaki ang mga mata ng tatlo nang marinig nila ang malamig na boses ng babae. "Quino," sabi ng lalaking nasa kaliwa, "Ten," ang nasa gitna, ang lalaking nagsinungaling kanina. "Yuun," sabi naman ng nasa kaliwa. Humarap si Aikira sa kaniyang Tiya. "Give them a paper test, at sabihin mo sa akin kung anong score nila. Kapag hindi nakapasa advance work," tumungo ang Tiya niya at binalik ulit ang tingin sa tatlong lalaki. "Pwede niyo nang ibaba ang mga kamay niyo at pumunta sa next subject niyo," nagpasalamat ang tatlong lalaki at nagmamadaling lumabas ng opisina. "Pumunta ako rito para mag-aral hindi para magdisiplina ng mga bata," napangiti ang Tiya niya, kaya lumabas na siya ng opisina at dumeretsyo sa next subject niya. Wala naman siyang pake kung ma late siya, sadyang ayaw niya lang na hindi siya nakakapasok ng first subject. Nang makapasok siya sa silid-aralan ay napatingin ang lahat ng estudyante sa kaniya. Ano naman ang itinitingin-tingin ng mga ito? Isa ba siyang artista para pagtinginan? Meroon pang mga taong nagbubulungan. Nakita niya si Daven, Nathan, at Dijay na nakaupo sa likod, kaya mas pinili niya na umupo sa unahan. Para hindi mapakinggan ang mga bulong ng mga estudyante ay naglagay nalang siya ng earphone sa tenga at nilakasan ang volume. Isang oras na ang nakakalipas ay wala pa rin ang kanilang professor. Ano ba ito? Pinaghihintay sila ng matagal? Pumasok pa siya ng maaga kung malelate naman ang mga guro? "Good morning class, sorry late ako, may pinag-usapan lang kami ng tatlong lalaking ito," masamang tingin ang ibinigay niya sa tatlong lalaking pinarusahan niya kanina. Mukhang pinagalitan sila ng kanilang professor. "Meroon tayong bagong estudyante ngayon, Miss, pwede ka bang tumayo at magpakilala sa'yong bagong mga kaklase?" hindi siya pinansin ni Aikira, dahil hindi nito narinig ang sinabi ng guro. Malakas kasi ang tunog ng musika sa kaniyang tenga. "Miss," lumapit ang guro at itinanggal ang earphone sa mga tenga niya. Tinignan naman ni Aikira ng masama ang professor. "Tell us your name, Miss," inilayo ni Aikira ang lalaki sa kaniyang tabi at tumayo. "Aikira," malamig na sabi nito at umupo agad, sabay inilagay ulit ang earphone sa tenga. Malamig, 'yan palagi ang ugali at palaging lumalabas sa kaniyang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD