"TRAVES, simula noon alam mo na kung gaano ako nasaktan dahil kay Itay. Alam mo na ring ayaw ko sa mga ganito. Alam mo ring kinaiinisan ko ang pagpasok sa isang relasyon dahil alam ko namang mauuwi lamang sa wala ang lahat kapag susubukan kong magmahal! Tapos ngayon sasabihin mo sa aking gusto mo ako at balak mo akong ligawan? Naantog ba ang ulo mo? Sa kayraming babae... Bakit ako?" Nasilayan ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata nang sabihin ko iyon lahat. Sa katunayan, nasasaktan ako sa mga binitawan ko sa kaniya ngayong mga salita ngunit iyon naman talaga ang totoo, ayaw kong maramdaman ang nararamdaman ng iba – ang pag-ibig dahil hanggang ngayon, natatakot pa rin akong magmahal dahil wala namang kasiguraduhan sa mundo. "Y-Yvette, I'm sorry. I'm sorry kung lumagpas sa linya iyong p

