bc

Signs for True Love

book_age16+
492
FOLLOW
2.6K
READ
friends to lovers
independent
drama
tragedy
twisted
heavy
female lead
campus
teacher
lecturer
like
intro-logo
Blurb

Ang mga salitang happy endings para kay Yvette ay hindi uso sa kanya sapagkat sa sitwasyong naganap at kanyang natunghayan sa masaklap na pag-iibigan ng kanyang mga magulang. Si Travester, ang kanyang masugid na manliligaw ay ginawa ang lahat upang makuha man lamang ang kanyang matamis na pagpayag ngunit kahit man hindi niya maitatangging gusto niya rin ang binata ay naging matigas ang kanyang puso para rito kaya hinayaan lamang niya itong manligaw sa kanya at handa namang maghintay ang binata kahit gaano pa katagal. Nasilayan niya ang senseridad ng manliligaw ngunit dahil takot siyang sumugal sa pag-ibig dahil ayaw niyang magaya sa kanyang mga magulang ay hinayaan niya ang universe na magdesisyon para sa kanyang tadhana sa pag-ibig sa pamamagitan ng signs.

Kapag nagkatotoo ang lahat ng signs na hinihingi niya. Ito'y nagpapatunay na ang binata ay para talaga sa kanya at ang siyang kanyang papakasalan.

Matutupad kaya ang kanyang mga hinihingi at hinahanap na signs para sa kanyang tunay na pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Prologue
NAMAMANGHA ako sa mga mahahalimuyak na bulaklak na siyang pumapalibot sa simbahan. Ang pook na aking kinatatayuan ngayon ay parang napakalawak na palasyo na kung saan matatagpuan ang isang reynang ngayon ay naglalakad papunta sa altar habang naghihintay ang hari upang mahawakan ang kamay ng kanyang irog. Kanilang panghahawakan ang mga pangakong magkaisa sa harapan mismo ng Diyos. Ang reyna ang siyang sentro ng atraksyon ngayon. Habang pinapatugtog ang nakakahalinang musika galing sa orkestra ay patuloy ito sa pagsagawa ng mga hakbang. Nasilayan ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ng hari habang ito'y nakatitig pa rin sa kanyang iniibig. Nang makarating sa tapat ng hari ang reyna ay iniabot nito ang kanyang kamay sa magiging kasama niya panghabang-buhay. I, Elijah, take you Carmen, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part. Binitawan nila ang mga pangakong iyon sa harapan ng Diyos at marami ang nakasaksi. Masigapong palakpakan ang bumungad pagkatapos na mahalikan ng hari ang kanyang reyna. Kaagad nilang pinuntahan ang kanilang maliit na prinsesang masayang-masaya habang sila'y pinagmamasdan. Natunghayan ko mismo ang seremonya ng kasal ng aking mga magulang ngunit ang akala kong masayang simula ng aming pamilya ay ang pag-uumpisa rin pala ng aming kalbaryo. NANINIWALA ka ba sa mga salitang happy endings? Siguro isa ka sa mga taong nakaranas niyan at nagpapatunay na iyan ay makatotohanan at hindi isang pantasya. Ngunit, iba sa naging sitwasyon ko. I was once a believer of happy endings ngunit nawala iyon nang matunghayan ko ang masalimuot na pag-iibigan ng aking mga magulang. Akala kong tutuparin nila ang ipinangako nila sa harapan ng altar. Mga pangakong magsisilbi sanang tatag sa kanilang pagsasamahan. Ngunit, ang mga pangakong iyon ay nasira sapagkat binitawan at hindi isinagawa. Kompletong pamilyang mayroong matatawag na ilaw at haligi ng tahanan ngunit ang komposisyong iyon ay hindi panghabang-buhay na mabubuo sapagkat mayroon nang kakulangan. Mga kakulangang malabong mapunan. Ang happy ending sanang matatawag ay nauwi sa tragic ending sapagkat ipinagtagpo lang ang aking mga magulang ngunit hindi pinagsama hanggang sa pagtanda't pagputi ng mga buhok. Kaya hinayaan ko ang universe ang magtuturo sa akin sa paghahanap ng aking tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng signs. Mga panandang makatutulong sa akin upang gabayan ako sa pagdesisyon kung sasagutin ko ba ang taong sa katunayan naman ay matagal ko na ring minahal ngunit takot lang naman akong sumugal. Sa paghahanap ko ng signs para sa tunay na pag-ibig ay tuluyan ko na ba talagang matatagpuan ang kapanatagan ng aking puso? May pag-asa bang maghilom ang sakit na dulot ng karanasan ng aking pamilyang ipinaghiwalay ng masasalimuot na alaala? At sa pag-ibig, mababago nga ba ng signs ang aking mga paniniwala?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook