Chapter 01 - Grocery Store

1593 Words
SOBRANG abala ako sa pagbabasa ng aking mga biniling pocketbooks sa bookstore noong nakaraang araw. Ito ang aking pinagkakaabalahan pagkatapos ng aking klase. Ginagawa ko ang pagbabasa upang maibsan man lamang ang nararamdaman kong stress sa buong araw na pagtuturo ng asignaturang Filipino sa aking mga mag-aaral. Saglit kong inilapag sa aking mesa ang aking kasalukuyang hawak na pocketbook at hinilot-hilot muna ang aking noo. Napapikit ako sa relaxation na aking nararamdaman habang ipinagpatuloy ko pa rin ang aking ginagawa ngunit kaagad akong napadilat nang bumungad sa akin ang bunganga ng aking co-teacher na kasamahan ko rin dito sa Filipino faculty. "Ma'am Yvette, uuwi ka na ba? Ano?! Sasabay ka ba sa akin papalabas ng school?" Hindi pagtango ang aking tinugon kundi ang pag-ayaw. "Mauna ka na lang ulit, Wayne. After kasi nitong pagbabasa ko ng pocketbook ay kailangan ko pang pumunta ng grocery store. Alam mo na! Para sa panghapunan namin mamaya." pagpapapaliwanag ko. "O sige, Yve. Mauna na ako sa 'yo as usual. Saka tapusin mo na rin iyang pagbabasa mo ng another pocketbook. Naku sa 'yo puro pa naman iyan tragic stories. Hays! Kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend since birth nang dahil diyan. Nahawaan ka tuloy sa masaklap na ending ng mga kuwentong binabasa mo at ayan ka! Hindi ka naniniwala sa happy endings." Ayan na naman siya at sinisermunan na naman ako. Daig pa talaga ang bibig ng Inay. "Sus! Hayaan mo na nga ako. Ito lang ang tanging nagpapasaya sa 'kin, Wayne. 'Wag kang KJ!" turan ko sa kanya. Napatawa naman siya sa naging asta ko. "Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang suportahan ka na lang sa nais mo." Pagsuko niya. Tuluyan nang lumawak ang aking ngisi saka siya muling inasar. "Thank you, kahit na napipilitan ka lang!" Napa-roll eyes naman siya kaya mas lalo akong naaliw sa kanyang pagmumukha. Ganyan talaga iyan sa akin. Hindi niya kasi gustong tatanda akong dalaga. Sa edad ko ba namang dalawampu't anim at wala pa raw talaga akong napupusuan at nanliligaw sa akin. Who cares! Hindi naman karera ang pagkakaroon ng lovelife. Hindi dapat minamadali ang ganyang mga bagay. Ngumuso ako sa bandang pinto at lumingon kaagad siya roon. Ngiting parang aso na naman ang kanyang pinakawalan nang masilayan ang kanyang irog na naghihintay sa kanya sa pintuan. "Gotta go na talaga ako! Andito na prince charming ko." Kumaway siya sa akin bago umalis at pa-Miss Universe na naglakad papunta sa kanyang irog. Napailing na lamang ako sa kanyang inasta at sana'y hindi siya matapilok sa kanyang two inches na takong. Tuluyan kong ipinagpatuloy ang aking pagbabasa nang mawala na sila sa aking paningin. "It was a great fight, main characters!" bulalas ko sa aking isip nang matapos ko na ang binasang pocketbook. In-arrange ko nang maayos ang aking mga libro at saka'y sinukbit ang aking shoulder bag sa aking braso at tuluyang umalis ng cubicle. BITBIT ko ngayon ang grocery basket sa aking kamay habang papunta sa frozen meat section dahil bibili ako ng isang buong manok para sa plano kong ihahandang hapunang tinola. Confident akong magugustuhan nila ni Inay ang bibilhin ko dahil paborito nila ang mainit na sabaw lalo na't chicken recipe ang igagawad ko sa kanila for dinner. Bumili na rin ako ng green papaya, fresh spinach, ginger at iba pang kakailanganin para sa bahay saka tumungo sa counter section upang bayaran ang mga bibilhin. Medyo mahaba-haba rin ang pila kagaya nang nakagawian tuwing maghapon kaya as usual, tinataasan ko palagi ang aking pasensya kahit na hindi madaling tumayo nang pangmatagalan. Nawala ang mataas kong pasensya nang masilayan ko sa unahan ang pagsingit ng isang lalaki sa likuran ng isang dalaga. Kaagad na napukaw ang inis ko kaya mabilisan kong inagaw ang kanyang atensyon sa pamamagitan ng pagkalabit sa kanya. Anong akala niya, sinusuwerte? Saglit na iniwan ko muna ang aking grocery basket sa aking kinatatayuan upang walang umagaw sa aking puwesto. Mabilis lang naman itong gagawin kong pagdidisiplina sa lalaking ito. "Excuse me?!" Lumingon siya kaagad sa akin at hinarap niya akong nakangisi. It was a great smile actually dahil may lumabas na dimples sa kanyang magkabilang pisngi pero hindi pa rin nawaldas ang pagkainis ko sa ginawa niyang pagsingit sa pila. Tiningnan ko siya nang mariin sa kanyang mga mata habang naka-cross arms ako. "Yes, Miss. How may I help you?" His accent was good. Halatang Englishero. "Sumingit ka lang naman sa pila. Umayos-ayos ka. Maaari ba?" Mas nairita ako nang tinawanan lang niya ako sa aking sinabi. Ramdam ko ang pagtitig ng mga taong kasabay namin sa pagpila ngunit hindi ko sila pinansin. "If that's what you think, Miss. You are wrong. Hindi ako sumingit sa pila. Actually kanina pa ako rito. May dinagdag lang akong binili para sa kapatid ko. Inatasan kong siya muna ang pumila for my sake kaya wala ako rito kanina." Pagsasabahagi niya ng kanyang dahilan at napatitig naman ang kanyang dalagang kapatid ngayon sa akin. Tila’y binabasa ang ekspresyon ng aking mukha. Hindi ako makasalita nang mapakinggan ko iyon. Napahiya ako ng one-fourth sa pinagagawa ko. "Uhm...okay!" Tinalikuran ko siya kaagad at bumalik sa aking puwesto. Ramdam ko ang panginginit ng aking pisngi sa labis na hiya. It was a wrong move! Hays! Mabuti na lang at nabayaran ko na sa wakas ang mga binili kong ingredients para sa gagawin kong chicken soup. Tumingin ako sa aking relong pambisig. Kailangan ko na talagang umuwi dahil malapit nang mag-alas sais. Napagdesisyunan ko nang tumungo sa labas ngunit bago ko pa man magawa iyon ay muling nasakop ng aking mga mata ang lalaking nakabangga ko kaninang ngayon ay papasok na sa kanyang sasakyan. Napatitig ako sa kabuuan ng kanyang mukha ngunit kaagad akong napaiwas ng tingin nang napasulyap siya sa aking gawi. Hindi ako nag-alinlangang tumalikod agad at napapikit dahil sa kahihiyan nang maalala ang sinapit kanina. Hays! Ewan ko na lang talaga. KASALUKUYAN kaming kumakain ng aming hapunan. Tinitingnan ko isa-isa ang mukha ng Inay at ng mga kapatid kong ngayo'y parang wala nang bukas ang pagkain. "Hoy, Estephen! Ang taba-taba mo na tapos sandok ka nang sandok ng kanin diyan. Dahan-dahan lang, Dodong!" Pinalo ni Inay ang kamay ni Estephen na nakahawak sa sandok. Palihim naman akong napatawa sa kanya. Tama naman si Inay, dapat hindi siya nagpapataba nang matindi at kung ano pa ang mangyari sa kanya. Ang hirap kayang kumilos kapag nasobrahan sa timbang at taba. Siya rin talaga ang mahihirapan sa pinagagawa niya sa kanyang sarili sapagkat kursong Criminology pa naman ang kanyang kinuha sa kolehiyo. Sumimangot ang mukha nito habang ngayo'y ipinagpatuloy na ang pagkaing nasa kanyang pinggang binawasan ni Inay samantalang ang isa ko pang kapatid ay halos nandidiring kumain ng kanin at tanging ulam lamang ang nangibabaw sa kanyang pinggan kaya sinuway rin siya ni Inay. "At ikaw naman, Vivoree! Halos hindi ka naman kumakain ng pagkain." Sumandok si Inay ng kanin para sa kapatid kong babae. Mas lalo akong palihim na napatawa habang naaaliw na napasulyap sa kaganapan mula sa kanila. "Kumain ka nang kumain upang magkalaman ka naman, Inday! Tingnan mo na nga iyang katawan mo, oh! Ang payatot mo. Kinuha mo pa talaga ang Nursing na kurso at kung ano pa ang mangyari sa 'yo sa ospital. Huwag mo akong sisihin kung mawalan ka ng malay sa mga trainings mo, ha? Daig mo pa ang bangkay sa kapayatan mo!" Wala talagang preno ang bibig ni Inay. Hindi pa rin talaga nagbabago. "Inay naman! Hindi keribels ng aking baby tummy ang kumain nang marami. Hindi ako kagaya ng isa diyan na halos isali na lang ang pinggan at kutsara sa kanyang hapunan." Pagpaparinig niya kay Estephen. Nagsimula na namang magbangayan ang dalawa kaya sumingit na ako sa usapan. "Kayong dalawa, ha? Sumusobra na kayo. Huwag niyong subukan ang galit ng Ate niyo at kahit na malaki na kayo ay papaluin ko pa rin iyang inyong mga puwit!" Pagbabanta ko sa kanila kaya muli silang kumalmang dalawa at ipinagpatuloy ang pagkain sa hapunan. Tuluyan ko namang isinubo ang huli kong pagkain nang biglaang naagaw ang aking atensyon sa katanungan ni Inay. "Ikaw, Yvette? Kailan mo ba ako bibigyan ng apo?" Nabilaukan ako sa katanungang iyon ni Inay kaya kaagad kong kinuha ang pitsel at ininom ang natirang tubig na laman doon. Pinilit kong kumalma sa kanilang harapan kahit na ang lakas-lakas na ng kabog ng aking dibdib. "Si Inay naman, nambibigla!" pagsuway ko. "Seryoso ka ba, 'Nay?" pahabol kong tanong. "Nagbibiro ba ako?" Ayan na naman siya sa kanyang pagpipilosopa! High blood na naman yarns?! "Yvette, matanda na ako. Gusto ko nang magka-apo kaya bigyan mo na ako!" Halata ngang seryoso siya. "Inay naman, nanghihingi ka ng apo tapos iyang si Ate walang boyfriend dahil bitter na bitter iyan sa mga salitang happy endings. Ano pa aasahan mo sa no boyfriend since birth, 'Nay?" Nabitawan ko nang tuluyan ang aking bitbit na kutsara at tinidor sa sinabi ni Vivoree. "I second that motion." Itinaas nang bahagya ni Estephen ang kanyang kanang kamay nangangahulugang ganoon din ang kanyang punto kagaya ni Vivoree. "I'm sorry, 'Nay! Alam mo namang takot akong sumugal sa pag-ibig dahil sa nangyari sa inyo ni Itay. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa 'tin at hanggang papatanda at papalaki ang bilang ng aking edad. Hindi iyon mabubura sa isipan ko, ang ginawa niyang panloloko sa atin noon. Mas pinili niya ang kanyang pangalawang pamilya kaysa sa atin. Happy endings don't exist at hindi na ako kailanman maniniwala riyan." Tuluyan akong tumayo sa aking kinauupuan dahil tapos na rin naman akong kumain. Naiwan silang nakatulala sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD