Chapter 02 - Group Chat

2114 Words
BUMUNGAD sa akin ang napakasariwang hanging ngayo'y dumampi sa aking pawisang balat. Habang pabilis nang pabilis ang aking pagtakbo ay nakakasalubong ko ang malamig na simoy ng hanging galing sa kalikasan. Hanging unti-unting nagpawaldas sa aking pawis na kanina'y patuloy na tumatagistis sa aking katawang siyang naging produkto ng aking pag-i-ehersisyo. Nawala ang aking pagmumuni-muni nang mapakinggan ko ang pagputak na naman ng bunganga ni Wayne. "Hoy, Yvette! Ano ba naman 'yan! Hintayin mo nga ako. Para akong aso rito sunod nang sunod sa 'yo." Napalingon ako sa bandang likuran at sinulyapan siya. Halata ngang pagod na pagod siya kakahabol sa akin. Ang kupad naman kasi niyang tumakbo. Daig pa ang pagong. "Ano ghorl kaya pa ba? Sino ba ang nag-volunteer na sasama sa akin sa pag-ja-jogging, aber?" Panunukso ko sa kanya upang mas lalo siyang mainis. Ano ba kasing trip ng babaeng ito at himalang sumama sa akin ngayon sa pag-ja-jogging? Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa ere nangangahulugang pagsuko. "Oo na! Oo na! Kasalanan ko na! Akala ko ba naman kasing madali itong exercise churvavels na ito. Hindi ko pala keri!" Namilog ang aking mga mata nang biglaan siyang umupo sa kalsada. "Ano 'yang ginagawa mo? Tumayo ka nga riyan! Mukha kang galang asong gutom at panay paglalabas ng dila mo riyan! Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at nag-exercise ka, ha? Ang nasa isip mo lang naman palagi ay patungkol sa pagkain." "Psh! In my whole life, ngayon ko lang talaga naisip 'tong kagaguhang ito. Ayaw ko na ngang mag-healthy living. Ang hirap pala magpapayat. Mamahalin ko na lang ang aking bilbil until my last breath," turan niya na ikinatawa ko. Mayroong saltik talaga sa utak kahit kailan. "I want to be like you naman kasi. Coca-cola body, ganern!" Unti-unti ko siyang nilapitan at iniabot ang dalawa kong kamay upang patayuin siya. "Hindi mo naman kasi kailangang baguhin ang sarili mo upang maging kapantay ako. Ikaw 'yan at tanggap kita kahit magmukha ka pang bulldozer sa paningin ko." Napatawa ako sa naisambulat ko. Nahampas niya ako sa aking braso nang tuluyan na siyang makatayo. Pinahiran naman niya ang kanyang mga matang wala namang mga luha. "Plano mo bang umiyak?" Pinipigilan ko na ang aking pagtawa ngayon at baka'y ano na naman ang magagawa niya sa akin. "Wala! Ang sweet mo kasi. Nakakaiyak!" Para siyang timang. Kung may makakakita sa kanyang estudyante o hindi kaya'y co-teacher namin. Siguradong hindi sila makapaniwalang ang isang istriktong guro ay may tinatago pa lang pagka-isip bata. Iniabot ko sa kanya ang tumbler at kumunot naman ang noo niya. "Anong gagawin ko riyan?" "Obvious ba? Uminom ka upang mabuhusan ng malamig na tubig iyang ka-OA-han mo." Marahas niyang hinablot ang tumbler na nasa kamay ko at nagsimula na ngang uminom. Napatawa na lang talaga ako sa mga pinag-aasta niya ngayon. Nawala ang aking pagtitig sa kanya nang tumunog ang cellphone ko. Si Vivoree ang tumatawag. Ano na naman kaya ang problema nito? "Oh, Viv? Napatawag ka?" kaagad kong tanong sa kanya. Baka may problema na naman ito sa gastusin niya sa kanyang project sa Nursing. "A-Ate, si Papa andito sa bahay. Nanggugulo na naman," nauutal na ani niya sa kabilang linya. Napayukom ako sa aking kamao matapos kong mapakinggan iyon. Ang kapal talaga ng kanyang mukha kahit kailan! "Sige, babalik na ako riyan!" Kaagad kong ibinaba ang tawag matapos kong makipag-usap kay Vivoree. "Si Itay mo na naman?" Wala akong ganang napatango sa kanya. "Wala nang bago, Wayne!" Kinuha ko ang kanang kamay niya at iniabot sa kanya ang isang daang piso. "Hindi muna kita malilibre ngayon ng paborito mong milk tea. Kailangan ko nang umuwi kaagad. Dagdag pamasahe mo iyan," sabi ko. "Okay, okay! Don't worry. Sanay na akong iwanan." Nagdradrama na naman. Akala mo namang walang lovelife! "Tss, fake news!" Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Uuwi na ako. Ikaw na bahala sa sarili mo at baka'y ano na namang mangyari kay Inay nang dahil sa walang-kuwentang lalaking 'yon!" Bago ko siya tuluyang tinalikuran ay kumaway siya sa akin at nag-flying kiss pa. Napatampal ako sa aking noo dulot ng kanyang walang tigil na katarantaduhan. ANG kanyang likuran ang una ko talagang nakita nang pumasok ako sa bahay. Nakipagtalo na naman si Inay sa kanya kagaya na lamang ng mga ganap kapag bibisita siya ritong muli. "Ano na naman ang ginagawa mo rito?" walang gana kong tanong sa kanya. "Pera na naman ba para sa pantustos ng pangangailangan ng iyong kabit?" Ang kaninang bangayang napakinggan ko ay napalitan ng tahimik. Saglit akong napasulyap sa gawi ng dalawa kong kapatid na abalang-abala sa kanilang gawain sa eskwela. "Estephen at Vivoree, ipagpatuloy niyo iyang assignment at activities niyo sa inyong mga silid, ngayon din!" Wala silang nagawa kundi ang sundin ako. Ayaw kong mapakinggan na naman nila ang pagtatalo namin ni Itay. Hindi ko nais na kagaya ng sitwasyon ko ay mas lalo silang maaapektuhan. Wala akong ibang hangad sa ngayon kundi ang magkaroon ng tahimik na buhay na walang umaaligid sa aming manloloko at nananakit ng damdamin ng kanyang sariling pamilya. "Anak, kailangan ko lang talaga ng pera para sa mga kapatid mo." Napaiwas siya ng tingin nang sambitin niya iyon. "Ayan kayo, e. Anak kayo nang anak tapos hindi niyo pala kayang buhayin ang mga anak niyo ng kabit mo. Ano na lamang ang magiging kinabukasan ng mga batang 'yan? Sana inisip niyo muna ang kahahantungan ng iyong mga isasagawa." Hinablot ko ang aking shoulder bag na nasa ibabaw ng mesa at kumuha ng pera roon at ibinigay kaagad iyon sa kanya. Nabigla naman siyang mahawakan ang limang libong iginawad ko. "Huling perang ibibigay ko na 'yan sa iyo at sa pangalawang pamilya mo. Sapat na 'yan para matustusan ang pangangailangan niyo." Hindi naman maukit ang mukha ni Inay sa labis na pagkadismaya sa aking ginawang pagbibigay ng pera kay Itay. "Ibinigay ko na ang kahilingan mo 'di ba? Puwede bang ang kahilingan ko na naman ang sundin niyo?" Hindi ako makapaniwalang natitigan ko siya nang diretso sa mata. "Huwag ka nang bumalik dito sa pamamahay namin. Tuluyan ka nang maglaho sa aming paningin dahil kahit kailan wala ka nang puwang. Ikaw ang unang nag-abandona sa amin kaya ngayon kami na naman. P-Pakiusap, 'Tay!" Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nagawa kong sambitin ang matagal ko nang ipinagkait sa kanyang katawagang iyon. Ang katawagang hindi na sana karapatdapat para sa kanya dahil wala siyang kuwentang ama. HINILOT-HILOT ko ang aking ulo na ngayon ay kasalukuyang wala sa katinuan. Nakaupo ako ngayon sa aking swivel chair at andito sa aking study table upang gawin ang aking lesson plan ngunit kahit anong pilit kong paglalaan ng pokus ay hindi ko magawang balingan. Nakagat ko ang aking bolpen sapagkat nararamdaman ko na naman ang matinding pressure dulot nang iginawad ng aking ama kanina. Mabuti na lang at wala na siya sa pamamahay namin sapagkat nakaalis na. Ilang beses na niyang sinaktan ang puso ko at sa katunayan, siya ang dahilan kung bakit wala akong pakialam sa pagkakaroon ng lovelife. Nakaka-curious man ang pakiramdam na may umiibig sa 'yo ngunit mukhang ayaw ko namang magkaroon ng commitment at isugal ang puso ko para lamang masaktan. Once is enough. Tragic ang ending ng love story nina Inay at Itay. Upang maiwasan ko ang ganoon, magiging matalino ako sa pagdesisyon. I don't want to fail again. Lalo na sa paglalaan ng tiwala sa isang tao. Gusto ko, kung ibibigay ko man ang puso ko sa tamang tao na ngunit malabo naman ata sapagkat mahirap nang makahanap ng matino ngayon. Tiniklop ko ang lesson plan at tumayo. Sumilip ako sa bintana. "Malapit nang humantong ang gabi." pakikipag-usap ko sa aking sarili. Kinuha ko ang aking rubber shoes na nakalagay sa shoe rack at sinuot kaagad ito. Naglaan ako ng mga hakbang patungong pinto at tuluyang lumabas na hindi na nagpaalam kina Inay. Sa oras ng hapon kasi sila'y nagpapahinga at hindi ko naman nais na sila'y disturbuhin. I want to feel free this time. Malayo sa sakit sa ulo. I want to treat myself. Tumungo ako sa paborito kong coffee shop habang naka-turn on pa rin ang earphones. It's windy, mabuti na lang at naka-hoodie ako. Sana hindi sasama ang panahon. "What's your order, Ma'am?" Ngumiti ako habang binalingan ang magandang dilag na nasa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay kasing-edad lamang siya ni Vivoree. "Latte Macchiato, please." Nawaldas ang aking pokus sa waiter na kaharap ko nang may biglaang nag-text sa akin. Napabuntonghininga ako nang balingan ko ang natanggap kong mensahe. May dagdag sana akong sasabihin sa waiter ngunit tuluyan nang nakaalis ito upang kunin ang aking order. Ibinalik ko na lang ang aking pagtuon sa mensaheng ngayon ay muli kong binasa. Tams Hoyyyy, Yvette! Bakit hindi mo pa rin ako ni-re-reply-an? Kumusta kayo ng Papa mo? 2 mins. via SMART Sinubukan kong magtipa ng mensahe upang ma-reply-an siya pero wala talaga ako sa huwesiyo ngayong makipag-usap ng tao kaya inilapag ko na lang ang aking cellphone sa bilugang mesang kaharap ko ngayon at kung saan ako nakapuwesto. "Here's your order, Ma'am. A foamed whole milk marked with shots of espresso-Latte Macchiato." Nakangiti niya uling bungad. Natuwa ako sa kanyang inasta kaya binigyan ko siya ng tip sa kanyang pagtrabaho. Hindi naman siya makapaniwala sa ginawa ko at ibabalik sana niya ang ipinagkaloob ko sa kanyang tip ngunit pinigilan ko siya. Wala siyang nagawa kundi tanggapin na lamang. Nagpasalamat siya bago muling umalis matapos akong pagsilbihan. Bilib talaga ako sa mga batang ganoon sapagkat mayroon akong mga mag-aaral na working student at sobra akong saludo sa kanilang kasipagan. Hindi madaling ipagsabay ang pagtratrabaho sa pag-aaral kaya deserve nilang bigyan ng kasiyahan kahit na sa mumunting paraan man lang. Hihigop na sana ako ng kape ngunit napatingin na naman ako ulit sa cellphone kong ngayo'y magkasunod-sunod ang text messages na natanggap. Binasa ko isa-isa ang mga mensahe niya at mas lalong sumakit ang aking ulo. Lagot talaga ito sa 'kin bukas. Tams Ayaw mo akong reply-an talaga e, 'no? Pwes... Now. via SMART Tuluyan nang tumunog ang ringtone ng cellphone ko nang tumawag siya. Wala akong nagawa kundi ang sagutin na lang siya upang tumigil na siya sa kanyang kakulitan. "Mabuti at in-accept mo ang tawag. Napaka-others mo talaga!" Kaagad na bungad niya. Mabuburda ko talaga ang bibig nito nang wala sa oras. Napahigop ako ng maraming kape dahil mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa kanyang bunganga. "Wala ka bang pakiramdam, Wayne!? Hays naku naman talaga sa 'yo. Alam mo na naman ang kasagutan sa tanong mo at tinatanong-tanong mo pa talaga sa 'kin 'yan nang paulit-ulit. Malabong pumuti ang uwak kaya hindi talaga kami magkakaayos ng lalaking 'yon!" "Aray ka naman, Beh! Ang sakit mo sa tainga. Maawa ka naman sa tutule ko,” pagrereklamo niya. "Ano ba kasing sadya mo? 'Yon lang ba talaga?" pakikipag-usap ko sa kanya at hinintay ang kanyang kasagutan. "May good news ako sa 'yo, Yvette! May bago raw tayong teacher na darating bukas. Inanyahan tayo ng ating principal na magkaroon ng selebrasyon. Huwag kang ma-late bukas ha?" masigla niyang aniya. "Oo, noted Ma'am!" Pumalakpak naman siya sa labis na katuwaan. Kailan pa ako nagkaroon ng late record sa pagpasok sa school? Siya nga ang late palagi sa eskuwelahan. Binaliktad pa niya ngayon. "Wala ka na bang ibang sadya at ibababa ko na 'tong tawag mo?" "Wala na. Sige ba-bye!" I-cli-click ko na sana ang end button nang magsalita na naman siya. "For further instructions, tingnan mo na lang din ang chat box mo. Nandoon sa group chat ang announcement ng ating principal at na-add na rin sa GC ang new teacher na tinutukoy ko sa 'yo. Siguro hindi ka na naman nag-open ng social media account mo. Mag-open ka rin kapag may time, Beh! Sayang ang opportunity kapag hindi mo malaman ang pangalan niya at ma-stalk ang kanyang account. In fairness sa new teacher natin, fafaness!" "Tss. May boyfriend ka na kaya huwag kang mag-ilusyon ng iba," pabulong kong turan since nasa coffee shop pa rin ako. Napakinggan ko naman ang kanyang pagreklamo sa kabilang linya. "Bye! Uuwi na rin ako." "Asan ka ba kasi ngayon? For sure wala ka sa inyo at nagmuni-muni ka." "Nasa coffee shop," walang gana kong sagot. "Hoy, ang utang mong milk tea, ha? Don't forget." Mayamaya'y ibinaba na namin ang tawag. Nag-open naman ako sa aking chat box at bumungad sa akin ang sandamakmak na mensahe galing sa group chat namin. Isang bagong pangalan ang umagaw ng aking atensyon. Travester Sylvia Kaagad kong cli-ni-ck ang view profile at halos mabilaukan ako sa hinihigop kong kape nang makita ang pamilyar na mukha niya. "Ang napagbintangan ko sa grocery store ay ang new teacher na ipapakilala bukas? Oh no!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD