Chapter 03 - Late

2549 Words
TINAKPAN ko ang aking mga tainga gamit ang unan at nagtalukbong ng kumot nang mapakinggan ko ang pagtunog ng tiktilaok ng manok na siyang aking alarm clock upang hindi ako ma-late sa aking tungkulin bilang guro. Kailangan ko bang magpahuli sa pagpasok ngayon? Bakit ba kasi ako na-gui-guilty sa nakakahiyang pangyayari kahapon? Aish! Wala akong choice kundi ang bumangon na lamang. Pinatay ko ang aking alarm clock at tumungo sa kusina upang maghanda para sa aming agahan. Alas kuwatro ng madaling araw ay ito ang aking palaging ginagawa. Bilang isang panganay wala akong tanging hangad kundi ang pagserbisyuhan ang pamilya ko lalo na ang aking mga kapatid. Hindi ko ipaparamdam sa kanilang mayroong kakulangan sa kanilang buhay. Hindi nila deserve ang mga masasalimuot na mga kaganapang siyang ipinagkaloob ng aking walang-hiyang ama. Pruprotektahan ko ang aking pamilya at ipapamukha ko pa lalo kay Itay na kayang-kaya naming bumangon at magpatuloy kahit wala siya sa aming tabi. Wala siyang tanging ambag sa aming mga buhay kundi kahihiyan at pasakit. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng kakapalan ng kanyang mukha upang muling humarap sa amin kahapon. Tuluyan kong iwinaksi ang aking pag-iisip patungkol sa kanya nang magsimula na akong magprito ng isda at itlog pagkatapos kong magsaing. Tiningnan kong muli ang aking relong pambisig. 4:45 am. Pinahiran ko ang aking pawis na kasalukuyang lumalagaslas sa aking mukha. Naulinigan ko ang pagbukas ng pinto at nasilayan ko si Inay na napaunat sa kanyang mga braso. “Good morning, ’Nay!” pagbati ko sa kanya at nilaanan din niya kaagad ako ng ngiti. Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa pagpriprito. “Malapit ka na bang matapos diyan Yvette or wala pa?” Tumungo siya ngayon sa water despenser upang makainom ng tubig. “Hindi pa, ’Nay. Bakit?” Nabigla ako nang inagaw niya sa ’kin ang hawak kong sianse. “Ako na ang magpapatuloy nito Yvette upang makapaghanda ka na para sa trabaho mo. Pakigising na rin ng mga kapatid mo. Siguradong tulo-laway na naman ang mga iyong natutulog dahil sa matinding pagpupuyat dahil sa pagbababad sa cellphone.” Tumango ako bilang pagpayag sa utos ni Inay. Aalis na sana ako pero mayroon pa pala siyang pahabol. “Pagsabihan mo iyang mga kapatid mo ha na ’wag magpa-adik sa cellphone. Naku talagang mga batang iyan. Hindi na nakikinig sa akin.” Kay aga-aga talaga ay bunganga ni Inay ang sasalubong sa akin. Tuluyan ko nang pinanhik ang kuwarto ng mga kapatid ko. Magkatabi lamang ang kanilang silid kaya hindi ako mahihirapan sa pagpagising sa kanila. Kinatok ko ang kani-kanilang mga pinto. Unang bumukas ang pinto ni Estephen kasunod naman kay Vivoree. “Good morn–” Hindi nila naipagpatuloy ang kanilang pagbati nang hinawakan ko ang kanilang mga tainga. “Ang laki-laki ng eyebags niyo dahil sa kakababad sa cellphone.” Hinila ko silang dalawa patungo sa banyo. “Aray naman, Ate!” pagrereklamo ni Vivoree. Napagdesisyunan ko nang bitawan ang kanilang mga tainga at naka-krus ang aking mga brasong muli silang hinarap. “Kapag talaga nagpapakabaliw na naman kayo sa cellphones niyo. I will confiscate your phones. Maliwanag?” “Ate, nagsi-cellphone kami dahil mayroon kaming maraming compliance for school. Kahit i-check mo pa cellphones namin, Ate!” pagpapaliwanag ni Estephen. Napasinghap ako sa napakinggan. “Kapag nalaman kong nagsisinunggaling kayo. Totohanin ko talaga ang sinasabi ko. You should focus on your studies, okay? Hindi ko tino-tolerate ang ganyang behaviour. Nababasa ko ang mga actions niyo dahil ganyan din ang ibang mga estudyante ko. Kaya Estephen at Vivoree, makinig kayo sa payo ko. I'm doing this for you both.” Isang malaking ngiti ang inilaan nilang dalawa sa akin. “Para saan iyang mga ngiting iyan?” “Ang sweet talaga ng Ate namin.” Yayakapin na sana nila ako ngunit bigla akong umatras. “Hep, hep! Wala pa kayong ligo!” pagsuway ko. “Sus, pareho lang tayong tatlong mabantot, Ate. Remember, wala ka pang ligo kagaya namin,” pang-iinis ni Vivoree. Aba! Aba! Lalapit na sana ako sa kanilang dalawa upang muling kurutin ang kanilang mga tainga ngunit kasingbilis ni Flash ang kanilang pagkuripas ng takbo papasok sa banyo. Mga baliw talaga, sa akin nagmana. NALALANGHAP ko ang iba’t ibang amoy ng kili-kili ng mga pasahero rito sa loob ng jeep ngunit pinagsawalang-bahala ko na lamang iyon dahil araw-araw na akong sanay sa ganitong set-up. Ang tanging nakakairita lang talaga sa umaga ay ang bunganga ng jeepney driver na paulit-ulit na sinisigaw ang usog pa usog kahit wala na namang space. Nakaka-high-blood talaga ngunit dapat hindi ka na lang magreklamo since pinili mong bumiyahe gamit ang public transportation. Mabuti na lamang at nasa pintuan ako ng jeep dahil kung nasa malapitan ako ng driver’s seat nakaupo. Panigurado na namang magiging konduktor na naman ako ngayong umaga. Napadukot ako sa aking shoulder bag nang biglaang tumunog ang cellphone ko. It's Wayne calling. Kaagad kong cli-ni-ck ang answer button. “Nasaan ka na? Nandito na ako sa Principal’s Office. Marami-rami na ring co-teachers natin dito. Sa pagkakaobserba ko ikaw na lang ang wala rito.” “Ang traffic, Wayne. Sobra!” Napakinggan ko sa kabilang linya ang kanyang pagkadismaya. “Bakit ba kasi late ka ngayon? Ikaw lang ata ang hindi excited na makakita ng isang napakaguwapong nilalang. Allergic ka talaga sa mga lalaki, ’no?” Kung ano-ano na lang talaga ang ginagawang konklusyon ng babaeng ito. “Woshooo! Woshooo!” Pagsagawa ko ng tunog ng hangin. “Yvette, andiyan ka pa ba?” Pinipigilan ko ang aking pagtawa. “Woshoooo! Woshooo!” Muli kong pagsagawa. “Hello?! Ang hina ng signal di–” Kaagad kong ibinaba ang tawag at muling inilagay ang cellphone ko sa shoulder bag. Nasilayan ko ang pagtingin sa akin ng aking katabing matandang babae na pinagkunotan ako ng noo. Nginisian ko na lang siya at kaagad na umiwas ng tingin. Kasalukuyan na akong tumingin sa labas. Hindi naman ako allergic sa lalaki sadiyang malaki lang talaga ang kahihiyang isinagawa ko kahapon at hindi pa ako handang makita siyang muli dahil wala akong mukhang ikakaharap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako mag-react. Binibig-deal ko masyado ang sitwasyong ito. Hindi ko naman kasi akalaing new teacher siya roon sa pamantasang pinagtratrabahuan ko rin. Hindi ko kayang malaman niyang magkapareho kami ng workplace. Aish! Bakit ba nastri-stress ako nang ganito? Maganda sana ang attendance record ko bilang guro at sa katunayan talaga. Ito ang kauna-unahang na-late ako at mababaw pa talaga ang naging dahilan. Nakakaloka ka, Yvette! NANG papasok ako sa campus ay bumabati ang mga estudyante na nakakasalubong ko. Bumabati rin ako sa kanila pabalik. Tumungo ako kaagad sa aking cubicle at naratnan kong tahimik doon. Hinuha kong nasa Principal’s Office silang lahat. Inilapag ko ang aking shoulder bag sa mesa at kumuha ng red ballpen. Ipagpapatuloy ko na lang muna ang pag-check ng mga activities sa aking mga mag-aaral bago ako tutungo sa aking unang klase mamayang alas-nuwebe ng umaga. Alam kong maraming katanungan ang isasalubong sa akin ngayon ni Wayne. Kakaiba naman kasi ang kinikilos ko ngunit katanggap-tanggap din  naman ang dinahilan kong traffic dahil tunay naman talaga. Abalang-abala ako sa aking kasalukuyang ginagawa ngunit napatigil ako nang mapakinggan ko ang boses ni Wayne. Malapit ko tuloy na maipasok sa kanyang bunganga ang red ballpen na hawak ko. Sana naituloy ko ’no para tumigil siya?! Psh. “Hoy! Milagrong-milagro at late ka. Ano ba kasing dahilan at ito ang kauna-unahang pagkakataong nahuli ka sa trabaho, ha? Explain it to me. I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason, Yvette!” With pa-matching acting pa talaga. Loka-loka talaga ’tong kaibigan ko. Matagal ko na talagang nahinunahang kailangan ko na siyang dalhin sa mental hospital. Amp. “Ano pa bang bago sa Pilipinas, Wayne. Tanyag tayo sa larangan ng traffic,” pagdadahilan ko sa kanya ngunit halatang hindi siya kumbensido. Tuluyan siyang pumasok sa cubicle ko. “At sinong nagsabi sa ’yong papasok sa cubicle ko?” aking pagmimilosopa. “Aba, pilosopa ka na rin, ha? Kailan ka pa naging lawyer?” napapatawa niyang aniya. “Hindi ako aalis dito dahil since wala ka kanina sa pag-welcome sa new teacher ay ikukuwento ko na lang sa ’yo ang nangyari, okay?” Ramdam na ramdam ko ang excitement sa kanyang boses. Paano niya ba nagagawa ito sa boyfriend niya? “You cheated! Tumigil ka.” Itinuro ko siya gamit ang bolpeng kanina ko pa hawak. Inirapan lang niya ako. “Tss, ang OA mo na rin ngayon. I just want to remind you, Yvette. Iba ang nagchi-cheat sa humahanga. Never kong ichi-cheat ang boyfriend ko, ’no! Excuse me!” Dzuh! Whatever. So many excuses. “Sa paghanga nagsisimula ang lahat, Wayne. Marami na kayong pinagsamahan ng boyfriend mo kaya tigil-tigilan mo ako sa pagaganyan mo. Huwag mong sayangin ang maraming taon para lamang sa isang taong kakakilala mo lang and anyways, I'm not interested with your stories.” Buong katapatan kong pagsabahagi. “Ay wait! Eh, bakit mahilig ka sa mga pocketbooks kung ayaw mo ng kuwento?” “I prefer to read kaysa makinig sa tsismis mo.” “Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon, Yvette? Birthday mo ba ngayon?” Pinagkunutan ko siya ng noo. Birthday?! “Anong ibig mong sabihin?” aking aniya. “You know what I mean, red days!” Sinupalpal ko ang kanyang bibig dahil napalakas ang kanyang pagkasabi niyon. “Shh, ano ba naman kasi iyan. Be professional!” pakikiusap ko. “So mayroon ka nga?” She insisted. “Wala ako ngayon kaya tumahimik ka.” May pagkakahulugan ang paraan ng kanyang pagtingin sa akin. “Talaga lang ha?” Bigla na lang siyang tumawa. Weirdo. “Titigil lang ako kapag makikinig ka sa kuwento ko kung hindi ipagkakalat ko ritong mayroon ka ngayon.” Urgh! Ano ba ’tong pinagsasabi niya? Wala akong nagawa kundi ang sumuko na lang. “Yeah, fine!” Napahigpit ang aking pagkakahawak sa bolpen nang pumalakpak siya. Nagmumukha tuloy siyang sea lion. Hays, hindi ako makapaniwalang may kaibigan akong may sayad. PARA akong nahilo sa kanyang mahabang pagkukuwento. Bored na bored ako kanina sa sinasabi niya. Ang cute raw ng new teacher. Pogi na pogi rin daw. Parang kamukha raw ng mga sikat na celebrities sa TV. Kapag lalakad daw nakakalaglag ng underwear. When he's fixing his hairstyle ay nagmumukha raw na model sa TV commercials at magazines. Nakaka-fall daw ang boses at nakakatunaw raw ang paraan ng kanyang pagkakatitig. Todo compliment siya sa lalaking ’yon.  Pinilit kong waldasin ang patungkol sa ikinuwento ni Wayne sa akin kanina at tuluyan nang tumungo sa una kong klase. “Magandang umaga, Binibining Valderemio. Mabuhay!” pagbati sa akin ng aking mga mag-aaral sa seksyon Pluto. “Magandang umaga rin mga estudyante. Uumpisahan natin ang ating klase ng pagdarasal.” Pumunta sa harapan ang prayer leader. Pagkatapos ng pagdarasal ay kaagad ko silang pinaupo. “Ngayon, magkakaroon tayo ng pasulit tungkol sa ating tinalakay noong nakaraang Linggo. Kumuha ng isang kalahating papel at pakiligpit ng inyong mga gamit upang maiwasan ang pandaraya.” Naramdaman ko ang kabigatan ng loob ng aking mga estudyante nang mapakinggan nilang magkakaroon kami ng pasulit. Kaagad kong inilapat ang manila paper sa pisara upang sila’y makaumpisa. “Huwag kayong mabahala. Madali lang ito sapagkat mayroon namang pagpipilian. Maaari na kayong mag-umpisa.” Inilibot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng silid-aralang ito upang mabantayan kong mabuti ang aking mga estudyante. Dinidisiplina ko sila nang maayos at tinuturuang hindi talaga mandaya sa kanilang pasulit. Naniniwala ako sa ipinahayag ni Rizal na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan kaya karapatdapat lamang na sila’y turuan ng kagandahang asal dahil mas mahalaga ang magandang personalidad kaysa katalinuhan. Bonus na lang para sa akin kung matalino ang estudyante ko. Mas prini-prefer ko pa rin ang kanilang moral values at kung paano nila kinakaharap ang mga challenges na ipinagkaloob ko sa aming asignatura. Mas mainam na inihuhubog ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral. Ang paaralan ay hindi lamang isang training ground ng kabataan kundi matatawag ding pangalawang tahanan at ako ay kanilang pangalawang magulang kaya gagawin ko ang aking responsibilidad para sa kanila. Wala akong ibang kasiyahan kundi ang makitang balang-araw ay maaabot nila ang kanilang mga pangarap. “Tapos na ba ang lahat?” Twenty minutes na lang ang natitira at mag-i-end na kami sa aming klase ngayong araw. “Hindi pa po, Binibini!” ani ng isa kong estudyante. “Ayos lang. Mayroon kayong karagdagang labing-limang minuto upang magpatuloy sa pasulit. Sa mga tapos na, maaari niyo nang ipasa ang inyong papel at lumabas upang mag-snacks.” Nagsitayuan ang halos lahat ng aking mga estudyante at nagpasa ng kani-kanilang mga papel. Natatawa na lang ako sa aking sarili. Favorite subject talaga ng mga estudyante ang recess time. Sa katunayan, nakaka-relate ako dahil ganyan naman ako noon. “Advance happy eating, Ms. Valderemio. Pupunta na po kami sa canteen upang mag-recess.” Pagngiti at pagtango ang itinugon ko sa aking mga mag-aaral. Unti-unti ko na ring inayos ang mga gamit ko upang makabalik akong muli sa cubicle. Kung kanina’y maingay ang silid-aralan. Ngayon ay ubod na ng tahimik dahil ako na lamang mag-isa ang naririto. Tatahakin ko na sana ang labasan nang bigla ko na lamang masilayan ang nakabangga ko sa grocery store na papasok sa loob ng classroom na pinasukan ko rin ngayon. Siya ba ang susunod na magti-take over ng klase rito? Ginawa kong pantakip ang mga papel ng aking estudyante at ang aking libro. Ramdam ko ang kanyang presensya sa isang pintong malapit lamang sa blackboard. Mabuti na lang at dito ako naupo sa likurang bahagi. Tuluyan na sana akong aalis nang magsalita siya. “Miss, naiwan mo ang shoulder bag mo.” Napakagat ako sa aking ibabang labi at muling bumalik sa pinaglalagyan ng shoulder bag ko at mabilis na hinablot iyon kahit na ang isa kong kamay ay hawak pa rin ang libro at papel na siya pa ring aking ginawang pantakip sa aking mukha. Muli akong naglakad upang tuluyan nang makalabas ngunit muli na naman siyang nagsalita ngunit sa pagkakataong ito’y nagtanong siya. “Bakit mo pala tinatakpan ang mukha mo, Miss? Is there any problem? You can tell me.” Napakapormal niya talagang magsalita. Wait – hindi iyon compliment. “Ah, w-wala.” Ano ba ang idadahilan ko? Kailangan kong makalusot. Mabuti na lang at may naisip akong idadahilan. “M-Mayroon kasi akong nakakahawang sakit ngayon. May sore eyes ako. Hehe. Oo, sore eyes!” Maniwala ka, please! Maniwala ka. “Kung may sore eyes ka Miss ay mas mainam na hindi ka muna pumasok dahil baka mahawaan mo pa ang mga estudyante mo na siyang estudyante ko rin. Ayaw kong mayroong mangyari sa mga mag-aaral natin.” Natin? “Ah, yes! Huwag kang mag-alala. Magpapaalam nga ako ngayon kay G. Zamora,” pagtutukoy ko sa principal namin. “Papanhik na nga pala ako. Hehe. Salamat sa concern. Babush!” Mas binilisan ko na ngayon ang paghakbang ngunit muli sa ikatlong pagkakataon ay napatigil na naman ako. “W-Wait! Bakit parang pamilyar ko ang boses mo? Did we already met somewhere?” Ramdam ko na ngayon ang kanyang paglapit. Gusto kong tumakbo ngunit para akong pinako sa mismong kinatatayuan ko. Patay na! Deads na ba si me? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD