Chapter 04 - Not Safe

2245 Words
PARANG tambol ang kabang nararamdaman ko sa aking puso nang mapagtantong pamilyar niya pa rin ang aking boses. Hindi ko alam kung paano ko siya tatakasan ngayon. Wala na akong ibang naisip na paraan upang muling talikuran siya. Mabubunyag nga ba kaagad na iisa kami ng pinagtratrabahuan? Lord, tulungan mo naman ako ngayon. I really need your help. Pinili kong hindi magsalita dahil baka tuluyan na talaga akong mabuking. Bakit ba kasi siya ang susunod na magti-take over dito? Akala ko ba ay si Gng. Quinoñes ang susunod na teacher pero iba na pala at siya pa. Lamunin mo na lang ako, Lupa. Nagmamakaawa ako. Huhu. “Good morning, Sir. Mayroong nagpapabigay pala nitong snacks sa ’yo,” aniya. Napabuga ako ng malalim na hangin nang mapakinggan ko ang boses ng isa sa aking mga estudyante na halatang kakabalik lang galing sa canteen. Naramdaman kong papalayo ang kanyang presensya sa ’kin at tumungo sa aking estudyante. Saglit ko munang pinakinggan ang kanilang usapan. “Sino ang nagpabigay nito?” kanyang tanong. “Secret lang po raw, Sir. Basta po ay admirer mo,” direktang sagot naman ng aking estudyante. Naks, may admirer na agad. Ganoon na lang ba siya kagwapo at may humahanga na kaagad sa kanya? Tss, bulag ata kung sino mang admirer niya. “A-Ah sige, pakiabot na lang ng pasasalamat sa admirer ko. Okay?” Hambog! “Sige po, Sir. Walang problema. Makakarating po sa kanya.” Tuluyan ko nang tinakbo ang labas nang mapakinggan ko ang kanyang muling pagtawag sa akin. “Miss, sandali lang!” Bakit ba kasi pinili kong makianunsyo kung sino ang admirer niya? Hays. Buti na lang nakatakas ako. I'm safe. “HOY, Yvette! Milagro at hindi ka sa canteen kumain ngayon ng lunch. What's the matter with you? Kanina ko pa namamalayang ang weird mo,” bulalas ni Wayne sa akin. Kung alam niya lang ang totoo ay tatantanan na niya ako sa kayraming katanungan niya pero kung sasabihin ko naman sa kanyang kilala ko ang new teacher na iyon ay baka’y hindi na katanungan ang kanyang ibabato sa akin kundi panunukso na. Alam ko ang takbo ng utak ng babaeng ito. “Nahinuha ko kasing kailangan ko nang magtipid ng pera. Ang dami nang gastusin sa bahay. Medyo nahihirapan na rin ako sa tuition ng mga kapatid ko at isa pa iyang huwaran kong ama. Nanghingi ng pera sa ’kin noong isang araw upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pangalawang pamilya. Kaya kailangan kong magtipid, Wayne. Upang mas maipamukha sa kanyang kaya kong matustusan ang mga kapatid ko at ang pamilyang iniwan niya kahit wala siya.” Napahaba ata ang sinabi ko. Sana maniwala ka. May bahid na katotohanan naman ang sinabi ko. Hmpf. Patuloy ako sa pagnguya ng pagkain habang hinihintay ang reaction niya. Palihim ko namang binabasa ang kanyang ekspresyon. Mukhang maniniwala naman siya sa aking palusot kaya unti-unti nang nawawala ang aking naramdamang kaba. “Ang kapal talaga ng mukha ng ama mo ’no? Nakakagigil siya.” Tinusok niya nang matindi ang kanyang ulam na pork chop sa labis na gigil. Halata ngang naiinis din siya sa Itay. “Sinabi mo pa. Kaya hindi ko talaga siya kailanman mapapatawad. Hindi niya deserve iyon.” Sabay subo ng kanin sa aking bibig. Medyo kaunti lang ang mga co-teacher namin dito sa Filipino faculty. Halatang nasa canteen ang iba. As usual. “Dapat lang. Kung ako ang nasa poder mo. Hindi ko rin talaga mapapatawad ang mga taong sinaktan ako. Matindi ang traumang iginawad niya sa ’yo Yvette to the point na wala ka pa ring jowa ngayon.” Mabilis kong inagaw ang ulam niya nang mapakinggan ko iyon at kinain. Nakasimangot siyang naglaan ng titig sa ’kin. “Bilib din talaga ako sa ’yo, ay! Kahit anong kain mo sexy ka pa rin. Share tips naman diyan.” Hindi na ako nakapagsalita nang biglaang tumunog ang cellphone niya. Boyfriend niya ata ang tumatawag. Saglit niya akong nilaanan ng tingin at nagbigay siya ng wait signal sa ’kin. Halos masuka ako nang mapakinggan ang kanilang nakakadiring I love you’s. Aish kaloka, ah! Matapos siyang makipag-usap sa kanyang irog ay muli siyang tumingin sa akin. May pagkakahulugan ang kanyang paraan ng pagkatitig. “Ano?!” ani ko. Naghintay naman ako sa kanyang sagot ngunit parang nag-alinlangan siyang sabihin sa ’kin ang kung ano man ang bumabagabag sa kanya. “Sabihin mo na. Ngayon ka pa talaga nahiya. Ang kapal kaya ng fes mo,” natatawa kong turan. “Tss. Oo na!” Nagagalit na siya niyan? “Beh, magdi-date kami ngayon ni boyfie. Puwede bang saglit tayong pumunta sa mall upang bumili ng make-ups? Naubos na kasi ang binili ko last month.” Napakamot siya sa kanyang batok. Wala akong nagawa kundi ang tumango at suportahan siya sa lovelife niya. “Ang bait talaga ng kaibigan ko.” Sa labis na tuwa ay nayakap niya ako. “Aber! Nakalimutan mo atang may mantika ka sa kamay mo,” pagsuway ko sa kanya. Kumawalas naman siya agad at muling umupo. Nag-peace sign pa siya. “Milagro ka at muli kang pumayag sa akin. Ang bait-bait mo talaga,” papuri niya. Pipisilin sana niya ang aking pisngi ngunit sinamaan ko siya ng tingin. Napatawa naman siya sa inasta ko. Happy? “Pumayag ako dahil bibili ako ng dagdag na pocketbooks. Naubos na kasi ang aking babasahin,” pagdadahilan ko at ako naman ang napatawa sa kanyang pagmumukha. “Ayos ka rin ’no? Diyan ako bilib sa ’yo, eh!” sambulat niya. “Saglit nga! Akala ko ba’y magtitipid ka at bakit gagastos ka na naman para sa mga pocketbooks mo?” Oo nga ’no?! “Huwag mo na akong pakialaman. Dito na nga lang ako masaya at kukunin mo na naman ang dahilan ng saya ko. Dalawa lang naman ang bibilhin ko, eh!” napapanguso kong sabi sa kanya. Sana tablan ka ng ka-cute-an ko. “Kaya ka hindi nagkakajowa, eh! Pocketbooks ka nang pocketbooks. Pakasalan mo na lang iyang mga pocketbooks mo, Yvette!” Ay gano’n? “Okay. Hindi na lang ako bibili ng pocketbooks kaya hindi na rin kita masasamahan para sa make-ups mo.” “Ay, Yvette! Joke lang. Hindi ka naman mabiro. Support kita riyan sa pocketbooks mo. Kung papakasalan mo iyang mga libro mo. Ako ang unang fan ninyo!” Loka-loka! HAWAK niya ngayon ang kanyang paper bag na may laman ng make-ups. Tuwang-tuwa naman siya nang matapos naming bayaran iyon sa counter section. “Salamat talaga, Yvette. Magiging successful na naman ang date ko ngayon.” “Good luck mamaya, Wayne. Dapat hindi mo pa isusuko ang bandera mo, ha? Wala pa kayong kasal,” payo ko. “Oo naman, Yvette. Wala muna iyan. Maghihintay kami after ng kasal. Diyan na kami magkarera.” May pagkagat labi pa siyang nalalaman. Nandiri naman akong tiningnan siya. Iniwas ko kaagad ang aking mga paningin sa kanyang kabaliwan. “Takas mental ka talaga, Wayne! Hindi ko alam kung bakit ka nagustuhan ng boyfriend mo.” “Ayts, ang sakit naman sa puso niyan. Pinalaso mo ang damdamin ko at ngayon ay nagdurugo.” Nagsagawa pa talaga ng tula. Keri. “Sana nga lang ay magpro-prose na iyon. Topic nang topic tayo about kasal at honeymoon ngunit hindi pa iyon gumagawa ng move para pakasalan ako.” Bigla siyang nagdrama kaya naawa ako sa tinuran niya ngunit kaagad na nawaldas ang nararamdaman kong iyon nang mapakinggan ko ang sumunod niyang isinambulat. “Excited pa naman akong mag-travel sa heaven. Ano kayang pakiramdam na may sumisisid sa iniingatan kong Perlas ng Silangan?” Kadiring palaka! “Tss, doon na nga tayo sa bookstore. Ako ang kinakabahan at kinikilabutan sa mga sinabi mo. Nakakaloka ka.” Nagpauna akong maglakad kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin. Kung ano-ano na nga lang ang kanyang pinagsasabi sa akin ngayon ngunit pinagsawalang-bahala ko lang naman iyon lahat. Kung hindi ko lang ito kaibigan. Kanina ko pa ito binalibag at ihuhulog sa umaandar na escalator. Hindi naman kami natagalan sa pagpanhik sa bookstore. Tumungo kami kaagad sa book shelves. Inisa-isa kong tiningnan ang bawat librong natitipuhan ng mga mata ko. Wala akong paboritong awtor. Kung bet ko lang ang isang nobela at bentang-benta talaga ng aking mga paningin ay iyon na kaagad ang pinipili at binibili ko. Until We Meet Again by HiddenConquerer “Iyan ang pipiliin mo?” interesadong tanong ni Wayne sa akin. Muli ko namang tinitigan ang libro kung mayroon bang atraksyong aking nararamdaman. “Akin nga muna. Babasahin ko lang ang blurb o story description.” Nabigla ako nang hinablot niya ang kanina kong hawak na libro. Milagro at naging interesado siyang alamin ang laman ng kuwento. Nang minsang nagpasama rin ako sa kanya noon tanging pag-upo lang sa gilid ang kanyang isinagawa. Ngayon nakiki-tsismis na rin sa mga babasahin ko. Ngayon naman ay kumunot ang aking noo nang ibinalik niya iyon sa book shelves. “Hindi ko bet, Yvette. Base sa pamagat ay tragic na agad. Ang story description din talaga nakakaiyak na! Huwag mong bilhin iyan. Mas lalo kang mahawaan niyan, ay!” Hinablot niya ang braso ko at tutungo sana sa kabilang shelves kaso pinigilan ko siya. “Psh! Keri lang iyan, Wayne! Ano ba kasing problema kung parating tragic stories ang bet kong basahin, ha?” Naghihintay ako ng kasagutan mula sa kanya upang malaman ang kanyang saloobin. “Mas lalong nagiging polluted ang utak mo. Ayaw ko talagang mapunan na naman iyang kokote mo ng mga masasaklap na kuwento kaya payo ko sa ’yo na mag-try ka ring magbasa ng happy endings upang magka-inspired ka namang magkajowa. Hindi ko nais na tatanda kang dalaga, Yvette. Sayang ang pang-Miss Universe mong alindog. Maawa ka sa ’kin, Madame.” May pakikiusap sa kanyang mga mata ngunit nginisian ko lang siya bilang pagtugon at muling hinablot ang kaninang librong napili ko. “No. My answer is no.” Nagpauna na naman akong maglakad upang maghanap ng isa pang librong matitipuhan ko. Napakinggan ko ang kanyang pagdadabog. “Mainit ang ulo ko, Yvette. Naiinis ako sa ’yo.” Pabago-bago na naman siya ng emosyon. “Nag-iin-OA ka na naman diyan. Tumigil ka kung ayaw mong masapak nitong pocketbook na hawak ko,” pagsuway ko sa kanya. “Ayaw mo ba talagang pumunta ng langit balang-araw, Yvette?” Napahilot ako sa aking noo nang mapakinggan iyon mula na naman sa kanya. Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging asal parrot niya. “Baka kung masuntok kita ay sa langit kaagad ang punta mo.” Ipinakita ko sa kanya ang aking kamao. Hinawakan niya ang kamay kong nakayukom at unti-unting ibinaba iyon. Hindi niya nais na ako’y magsimula nang magalit dahil matindi ako kapag sasabog sapagkat ultimong parang bulkan. Walang sinasanto. “Chill ka na. Joke lang naman iyon, eh.” Sabay kamot sa kanyang batok. “Tara na! Tatapusin na natin ang paghahanap ng isa pang tragic pocketbook mo para yakong-yako na ang lahat. What do you think? Deal or no deal?” Ginagaya niya pa si Kris Aquino. Hindi ko talaga alam kung naalog ba ang utak niya o wala talaga siyang utak. “Ewan ko sa ’yo!” tanging tugon ko. Tinawanan lang niya ako at saka’y tuluyang dinala sa iba pang mga librong maaaring pagpilian. “Woy, after nito ha libre mo ako ng milk tea. Muntik ko nang makalimutan. Mabuti na lang at naalala kong may utang ka pa pala sa akin.” “Later na lang kita bibilhan, okay? ’Di ba may date ka rin mamaya kaya dapat todo handa ka for him,” payo ko. “Yvette, ’di ba ayaw mo sa happy endings at hindi ka naniniwala riyan pero bakit mo kami sinusuportahan ng boyfriend ko kung ang happy endings ay hindi talaga nag-i-exist?” Hindi naiproseso ng utak ko kung ano ang aking itutugon sa kanyang katanungan. Huminga ako ng malalim at nag-isip ngunit nawaldas ang pagmuni-muni ko nang sa hindi kalayuan ng aming kinatatayuan ay nasilayan ko na naman ang kanyang pagmumukha kasama ang kanyang kapatid na babaeng abala rin ngayon sa pamimili ng mga libro. Hindi ko naikurap ang aking mga mata at nanatili lang ang aking paningin sa gawi nila. Nabalik lamang ang aking huwesiyo nang mapakinggan kong muli ang boses ni Wayne na ngayo’y kagaya kong nakasulyap din sa gawi ni Travester. Tatawagin na sana niya ang lalaking iyon ngunit mabuti na lamang ay naunahan ko siya. Tinakpan ko ang kanyang bibig at mabilisang hinila siya papalayo. Nagpupumiglas siya sa ginawa ko ngunit tinanggal ko lang ang kamay kong nakatapik sa bibig niya nang makalayo na kami sa kanilang gawi. “Anong problema mo? Alam mo bang nakita ko ang new teacher malapitan sa kinaroroonan natin kanina? Bakit ka ba nagmamadali, ha? Yvette naman, ipapakilala sana kita sa kanya since hindi mo siya nakasalamuha kanina sa Principal’s Office dahil sa late ka,” pagsesermon niya. “Bayaran na natin itong pocketbook na napili ko. Isa na lang ang aking bibilhin.” “Seryoso ka? Pabago-bago na naman ang isip mo,” paninigurado niya. “Tara na kung gusto mong ilibre na kita ng milk tea.” Lumiwanag naman ang kanyang mukha. “Ayos lang pala na pabago-bago ang isip mo. May libre na naman talaga ako nito,” natutuwa niyang sambulat. “Tara na sa counter. Excited na akong mag-milk tea mukbang.” Hinayaan ko na lang siya sa kanyang pagiging ilusyonada kaysa hindi ako magiging safe sa lalaking iyon. Muntik na iyon kanina! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD