bc

Confusing Love

book_age18+
485
FOLLOW
1.6K
READ
dark
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
serious
mystery
scary
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang minamahal mo ay mahulog ang loob sa taong kadugo mo?

Si Thalia ay lumaki sa isang masagana, salat sa yamang buhay at higit sa lahat ay mayroong mapagmahal na nobyo na si Kendrick. Samantala, si Mhalia ay lumaki na kung saan maaga siyang namulat sa hamon ng buhay. Hindi lingid sa kaalaman ng dalawang dalaga na mayroon silang koneksiyon sa isa't-isa dahil sila ay kambal, ngunit si Thalia ang napiling ampunin at naiwan si Mhalia sa kanilang pamilya sanggol pa lamang sila.

Sabi nga nila, maliit ang mundo at maraming sikreto ang bawat isang tao. Sa panahong mawala na sa mundo ang isa sa kanila, maaari kayang malaman ni Kendrick kung sino sa dalawa ang tunay na minamahal niya? Sa pagkakataon na isa nang kaluluwa ang isa sa kanila, maatim ba nitong makita ang taong minamahal niya na unti-unti nang nahuhulog sa iba? Kakayanin kaya niyang malaman ang mga sikreto na itinago sa kaniya nang mahabang panahon?

Ang pagmamahal ay hindi sinusukat sa panglabas o pisikal na katangian ng isang tao, dahil ang totoong nagmamahal ay hindi nakabase sa ganda o gwapo kung hindi sa ugali at sa kabutihang taglay nito.

Matuturuan mo ang isip ng isang tao kung paano magmahal, ngunit ang puso nito ay hindi mo kailanman madidiktahan sa kung kanino ito titibok at magmamahal at higit sa lahat, ang tunay na nagmamahal ay walang dahilan kung bakit at paano niya minahal ang isang tao, 'yun bang hindi mo maipaliwanag kung bakit siya ang taong mahal mo.

Ang tunay na pag-ibig ay matatagpuan mo, pero dadaan ka din sa punto na matatawag mo itong isang "CONFUSING LOVE."

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Thalia's POV "Mahal hindi ka ba nagsasawa sa mga araw na madalas tayong magkasama?" tanong ko sa aking nobyo na si Kendrick. Tinitigan niya ako sa aking mga mata sabay sabing, "Hindi. Hindi kailanman dahil ang totoong nagmamahal ay hindi nagsasawa." Napangiti naman ako at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Mahal na mahal kita at alam kong ganoon ka rin sa akin. Hindi naman tayo aabutin ng apat na taon kung hindi 'di ba?" sambit ko. Hinawakan din niya ang mga kamay ko. "Oo naman at kahit na marami pang babae ang mas maganda sa'yo? Ang mga mata ko ay sa'yo lamang titingin at ang puso ko ay ikaw lang ang iibigin. I love you, Thalia." sagot niya sabay hinalikan ako nito sa labi. Ilang segundo ang lumipas nang halikan niya ako. "Tara na? Maaga pa tayo sa trabaho para bukas." sabi ko. Isa akong owner ng restaurant. Ang Kenlia restaurant at Kenlia ang ipinangalan ko dahil pinagsama namin ni Kendrick ang pangalan naming dalawa corny no? Pero basta 'yun ang gusto ko eh. Mind your own business ika nga nila. 28 years old na ako at nagsimula akong magtayo at mag-manage ng restaurant 2 years ago so I'm 24 years old at that time, samantalang si Kendrick ay 29 years old naman. Isang piloto si Kendrick at halos nasa tatlong taon na siyang nagtatrabaho. "Sige na mahal mauna na ako." pagpapaalam ni Kendrick. Nandito kasi siya sa bahay at sinundo niya ako sa restaurant at hinatid na rin pauwi katulad ng palagi niyang ginagawa lalo na kapag hindi siya ganoon ka-busy sa trabaho niya. "Sige mahal." Pagsang-ayon ko. Nasa sala kami at tumayo na sa pagkakaupo. "Sandali lang mahal magpapaalam muna ako kila tito Lyndon at tita Crystal." sabi pa niya kaya naman umakyat kami sa kwarto nila dommy at daddy nang magkahawak ang kamay. Nang makarating na kami sa tapat ng kwarto nila ay tumawag ako. "Mom, dad magpapaalam na raw po sa inyo si Kendrick." panimula ko. "Sige anak pasok." sagot naman ni daddy. Pagbukas ko naman ng pinto ay naabutan namin silang nanonood ng movie habang kumakain ng popcorn na para bang nasa sinehan lamang sila. "Oh Kendrick uuwi kana ba?" tanong sa kaniya ni daddy. Ngumiti naman ito sabay tumango at sumagot, "Opo tito magpapaalam na po sana ako sa inyo." "Alas onse na rin pala ng gabi. Sige na iho para makapagpahinga kana rin sa inyo." sabi ni daddy at nagpaalam na rin si mommy sa kaniya. "Mabuti pa nga iho at mukhang pagod ka rin yata sa trabaho. Mag-iingat ka." pagpapaalam naman ni Mommy sa kaniya. "Sige po mauna na po ako. Goodnight din po." pagpapaalam na rin ni Kendrick sabay lumakad na rin kami palabas ng kwarto nila at bumaba na. Hinatid ko siya sa labas ng bahay. Bago naman ito sumakay ng kotse ay yumakap siya sa akin ng napakahigpit. "Gusto kitang makasama pa nang mas mahaba pang oras." sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Hinaplos haplos ko naman ang likod niya na para bang may pinapatahan akong bata. "Mahal konting tiis pa at magkakasama rin tayo sa iisang bahay. Sa ngayon syempre busy rin tayo sa trabaho at magkaiba pa tayo ng bahay na inuuwian." sabi ko pa. Umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin sabay hinawakan nito ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya at tinitigan ako sa mga mata. "Pasensya kana ha kung madalas akong busy sa trabaho at hindi nagtutugma ang schedule natin minsan day off ko busy ka naman o minsan ikaw 'yung hindi busy tapos ako naman nasa eroplano pa." malungkot na sabi niya. Sa isang buwan siguro mayroon siyang nasa 8 days na day off at iba ibang araw 'yun syempre pero depende pa rin kung marami ang mga nagbabyahe abroad minsan 5 days lang ang pahinga niya o 3 days kaya naman ang hirap din. And yes sa isang international airport nagtatrabaho si Kendrick kaya medyo hectic din ang schedule niya pero naiintindihnan ko naman. Hinawakan ko rin naman ang mukha niya sabay sabing, "Ano ka ba 'wag ka ngang malungkot diyan ganito talaga ang buhay lalo na at may mga career na tayo busy man madalas ang mahalaga ay alam natin na mahal natin ang isa't-isa. Ang mahalaga at the end of the day may Kendrick ako na magpapawala ng pagod at stress ko." Yumakap ulit siya sa akin nang napakahigpit. "Parang ayoko na tuloy umuwi mahal." pagbibiro pa niya. "Mahal oras na oh. Magmamaneho kapa ng nasa 30 minutes kaya sige na. Para makapagpahinga na rin tayong dalawa." sabi ko naman. Umalis na siya sa pagkakayakap sa akin at lumakad na rin papunta sa kotse niya. "Goodnight mahal I love you." pagpapalam niya nang makasakay na sa kotse. "Goodnight din mahal I love you too. Mag-iingat ka." sagot ko. "Sige na pumasok kana sa loob." sabi niya sabay ini-start na niya ang kotse. Tumango naman ako at pumasok na nga hanggang sa narinig ko na umandar na paalis ang kotse niya at tuluyan na rin akong pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko naman ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagtoothbrush sabay naghilamos na rin at nagpalit ng pantulog na damit. Pagkatapos ay pinatay ko na rin ang ilaw at sinindihan ang lampshade sa gilid ng kama ko. Ilang minuto pa habang nagi-scroll ako sa aking social media account ay nag-chat na rin si Kendrick. "Nakauwi na ako mahal." Kaya naman nakahinga na rin ako nang maluwag at nireplyan na rin siya ng "Mabuti naman." "Maghihilamos lang ako sabay na tayong matulog." reply niya. "Sige mahal." sagot ko naman at hinintay ko naman siya hanggang sa nag-chat siyang muli. "Tulog na tayo?" tanong niya sa chat. "Sige mahal goodnight ulit. I love you." sagot ko. "Goodnight din mahal ko I love you too." reply naman niya at hindi naman na rin ako nag-reply muli dahil hahaba pa ang mga message na "Sige na."o "Okay." 'yung mga ganoon ba. Kaya naman pumikit na rin ako hanggang sa nakatulog na nga. Kinabukasan... Paggising ko ay mayroon akong natanggap na bouquet of red roses at pink tullips pagpasok ko sa restaurant. "Ma'am pinabibigay po 'yan ni Sir Ken." sabi ni Mina matapos iabot sa akin ang mga bulaklak. Ken ang tawag nila kay Kendrick dito sa restaurant. Actually ako lang yata ang tumatawag sa kaniya ng buo niyang pangalan I don't know pero hindi ko talaga siya prefer tawagin na Ken basta siguro para unique ako para sa kaniya kaya Kendrick. Kaya pala hindi nag-good morning ang lalaking 'yun. May paganito pala. Binuksan ko naman 'yung maliit na envelop na nasa bulaklak. "Good morning mahal. Yes hindi ako nag-good morning message para maiba naman kaya ayan may mga bulaklak akong pinadala dati nagpapadala rin naman ako pero puro roses lang at ngayon may tullips na kasi alam kong favorite mo na rin ang tullips. Mag-breakfast ka na niyan okay? Ingat ka I love you always!" 'yan ang nakalagay na message. Napangiti naman ako ng sobra sobra. Napakabilis ng t***k ng puso ko hindi ko alam pero kahit na matagal na kaming magkarelasyon ni Kendrick ay kinikilig pa rin ako sa mga simple ways na ginagawa niya for me just like this. "Ma'am Thalia sana po lahat! Sana all talaga may ganiyang boyfriend na katulad ni Sir Ken." pagbibiro pa ni Mina. "Kaya nga po Ma'am." dagdag naman ni Rose. "Hay makakatagpo rin kayo ng katulad ni Kendrick. In God's perfect time." sagot ko. "Sige na may mga customer na tayo. Magserve na kayo. Work na okay?" dagdag ko pa. "Okay po Ma'am sana all po talaga." sagot pa ulit ni Mina. Natawa nalang ako nang bahagya sabay pumasok na sa office ko sa taas ng restaurant dahil two story kasi itong restaurant. Pagpasok ko sa office ay chineck ko ang oras may flight nga pala si Kendrick ng 10:00 am at ang oras pa lamang ay 9:30 so may 30 minutes pa kaya naman tinawagan ko siya. Habang nagri-ring naman ang phone niya ay ibinaba ko muna ang bag ko at ang bouquet ng flowers na bigay niya. Ilang segundo pa at sinagot na rin naman niya. "I guess you already have it!" masiglang bungad niya. Napanguso naman ako sabay kinuha ulit 'yung bouquet of flowers. "Yhup nandito na ako sa office kasama ang nga pinadala mong flowers kaya pala walang good morning today ha? By the way thank you for these beautiful and fresh flowers mahal I really really love it." sabi ko habang inaamoy amoy ang mga bulaklak. "Of course anything basta para sa'yo. Malapit na nga pala ang flight ko ang daming pasahero ngayon ang papunta ng Malaysia." kwento niya. "Mabuti naman at maraming pasahero ang swerte nga nila oh may gwapong piloto na maghahatid sa kanila at ipagda-drive sila ng eroplano. I hope pasahero rin ako." pagbibiro ko pa. "Don't worry mahal soon I will be your personal pilot and I will tour you all over the world." sagot naman niya. "Kahit na hindi all over the world 'yan mahal basta kasama kita kahit anong oras o saang lugar pa 'yan okay na ako." nakangiting sagot ko sa kaniya dahil masaya na ako basta kasama ko siya. "That's what I love about you you're such a simple woman. Ako rin mahal kahit na saang lugar basta magkasama tayo masaya na rin ako. By the way kapag pala maaga akong nakalabas sa trabaho susunduin ulit kita mamayang gabi okay?" paalala pa niya. "And I will message you immediately para makapag-prepare ka." dugtong pa niya. "Prepare for what?" nagtatakang tanong ko. Diretso uwi naman na rin kami nun so... what does he mean na mag-prepare kaya? "Basta mahal it's 9:50 am na pala. Ime-message nalang kita mamaya okay?" sagot niya at narinig ko namang may tumawag na lalaki sa kaniya. "Sir Ken! Let's ready na po." tawag nito sa kaniya. Lumingon naman ako sa digital clock at nakita kong 9:50 na nga kaya naman nagpaalam na rin ako sa kaniya. "Okay mahal mag-iingat ka. I love you. Bye." pagpapaalam ko. "Sige na mahal I love you too take care also. Bye." pagpapaalam na rin niya sabay patay na ng phone call. Umupo naman ako sabay ibinaba na ulit 'yung mga flowers. Binuksan ko ang laptop ko at chineck ang email ko kung may message ba for catering. Nago-ooffer din kasi kami dito sa restaurant for catering services para sa iba't-ibang event. Nagulat naman ako nang biglang may nag-email pala at hindi ko ito nabasa kaagad 3 days na pala ang lumipas kaya nanlaki ang mga mata ko. "Sh*t! Baka akala nila na-ignore namin sila. Oh My God!" kabadong kabado ako baka kasi makaapekto ito sa image ng restaurant ko. "Good day Kenlia restaurant. I'm Gina Hilllario from 145 Street, San Jose Subdivision. Pwede po ba kayong mag-cater sa darating na party ng kaibigan ko? It's on Saturday evening at 8:00 pm to be exact." 'Yan ang laman ng email. Saturday? As in ngayon? or I mean mamayang gabi? Oh My God! Hindi ko alam ang ire-reply ko sa email. Kaya naman tinawag ko 'yung Head Chef namin na si Magi at Demi pati na rin ang secretary ko na si Vina. "Ma'am ano pong kailangan niyo?" tanong ni Magi. "Ma'am sorry po at hindi kami agad nakaakyat dito sa office niyo ang dami po kasing customer sa baba." paghihingi ng paumanhin naman ni Demi. "Wait bago ko kayo sagutin nasaan na si Vina?" tanong ko. Sasagot na sana silang dalawa nang biglang pumasok na rin sa opisina ko si Vina. "Yes Ma'am?" bungad na tanong nito nang makarating na siya sa opisina ko. "Come here at may ipapakita ako sa iyo na email ng isang customer. Mukhang hindi mo yata na-check." mahinahon pero seryosong sagot ko sa kaniya. Lumapit naman siya at pareho na kaming nakatingin ngayon sa email. Pinabasa ko naman sa kaniya 'yung email ng customer. Napatakip naman siya sa bibig at nanlaki pa ang mga niya nang makita 'yung date kung kailan nag-email sa amin 'yung customer. Halata ko sa ekspresyon ng mukha niya na natatakot siya na baka magalit ako at pagsabihan siya. Ngayon lang kasi nangyari ang ganitong senaryo na may hindi kami agad nareplyan na email ng customer namin at tatlong araw na hanggang ngayon 'yung email. Sinarado ko muna 'yung laptop at tumingin ako sa kaniya. "You know na busy ako dahil bukod sa restaurant ay may inaasikaso rin ako lalo na ngayon na magkakaroon pa ng ibang branch ang restaurant ko 'di ba? So... tell me what happened bakit hindi mo nakita 'tong email na 'to. It's 3 days from now. Hay." medyo tumataas na ang boses ko. Hindi ko alam pero bahagya nang uminit ang ulo ko. "Ngayon lang nangyari 'to Vina." dagdag ko pa. Ilang minuto pa at hindi naman siya sumasagot. "What? May problema ba?" tanong ko pa. "Ma... Ma'am... Kasi po may sakit po ngayon ang anak ko na-dengue po kasi siya and 1 week na po siyang nasa hospital kaya sorry po... Sorry po kung hindi ko nacheck o wala ako sa focus ngayon sa trabaho. Sorry po talaga Ma'am." panghihingi niya ng tawad habang nanggigilid pa ang luha nito. "Sorry po talaga Ma'am." dagdag pa niya. Single mother itong si Vina kaya bilib ako sa kaniya sa pagtataguyod niya sa dalawa niyang anak nang mag-isa lang. Ang mga magulang niya ay sumakabilang buhay na rin at ang mga kapatid naman niya ay may kaniya-kaniya na ring mga pamilya at malayo sa kaniya kaya sarili lang talaga niya ang maaasahan niya. "Hala bakit naman hindi mo sinabi kaagad sa akin 'yan? Alam mo namang mahaba haba na ang pinagsamahan natin Vina sana sinabi mo agad sa akin para samahan at alagaan mo muna siya." pag-aalala ko at bigla akong nagsisi na medyo nataasan ko siya ng boses. Hindi naman kasi ako nagagalit sa kanila depende na lamang kung malaki ang kasalanan na nagawa nila. "Kasama naman po nila 'yung yaya nila Ma'am ngunit hindi po talaga ako mapalagay kapag ganito na mayroong sakit ang isa sa kanila. Kaya pasensya na po talaga Ma'am. Pangako po hindi na po ito mauulit." sagot niya. Huminga naman ako nang malalim. Kung ako ang nasa kalagayan nitong si Vina ay baka mawala rin ako sa focus lalo na alam kong kapag may sakit ang anak ng isang magulang ay hindi ito mapakali dahil sa walang humpay na pag-aalala simpleng sakit man o hindi. Dahil ganoon din sila mommy at daddy sa akin kapag nagkakasakit ako. Ngumiti ako nang bahagya kay Vina para malaman niya na okay lang 'yun sa akin at naiintindihan ko ang kalagayan niya. "Sige na 'wag kana mag-alala pa para dito ako na ang bahala at naiintindihan naman kita Vina. Ako na ang magre-reply dito sa email at sana tanggapin pa nila tayo para mag-cater sa event nila." sabi ko sabay napayakap naman si Vina sa akin. Dalawang taon lang ang tanda ko kay Vina kaya naman parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya dahil simula nang makagraduate siya sa College at nag-apply bilang secretary ko ay hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. "Salamat po Ma'am. Salamat po talaga at kayo ang naging boss namin." pagpapasalamat niya sabay alis na sa pagkakayakap sa akin. "Naiintindihan naman kita Vina alam mong ganiyan din ang mga magulang ko sa akin 'di ba sa mga kwento ko noon sa 'yo." sabi ko sabay tumango tango naman siya. "Kaya after ng trabaho mo ngayon mag-leave ka muna ng kahit 2 days siguro para matutukan at maalagaan mo 'yung mga anak mo lalo na 'yung may sakit okay? At bilhan mo sila ng mga prutas ako na ang magbibigay nang pangbili basta sa susunod magsabi ka nalang sa akin agad kapag ganiyang may problema. Para naman aware rin ako or kami dito na mga kasama mo sa trabaho. Katulad kanina medyo nataasan kita ng boses not knowing na may pinagdadaanan ka pala kaya intindihin mo nalang din." bilin ko habang nakangiti sa kaniya at nakita ko namang nakangiti rin sina Magi at Demi habang pinagmamasdan kami. Parang pamilya na rin ang turing ko sa kanilang lahat sila na empleyado ko dito sa restaurant at maging sa ibang branches ng restaurant ko dahil kapag mabait ka sa ibang tao kabutihan din ang babalik sa 'yo. Si Demi naman ay may asawa na at 3 anak tatlong taon ang tanda niya sa akin at noong una tinatawag ko siyang Ate pero ang sabi niya ay Demi nalang nakakatanda daw kasi at wala naman daw kaso 'yun dahil ako naman ang boss nila. Kaya ayun. Basta lahat naman sila mababait kaya hindi ako namomrobroblema sa mga empleyado ko. "Sige na back to work na muna. Kausapin mo muna rin si Mr. Yokoha about sa expansion ng restaurant Vina ako na bahala sa email na 'to." sabi ko habang nakatingin kay Vina sabay tumango naman siya. "Okay po Ma'am, thank you po ulit." sagot naman niya. Tumango lang din ako at inabot ko kay Vina ang pera na pangbili ng prutas para sa mga anak niya lalo na doon sa may sakit. "Maraming salamat po talaga Ma'am napakabait niyo po. Sana po hindi kayo magbago." pagpapasalamat pa niya. "Gusto ko lang tumulong at ibalik din 'yung kabutihan mo as employee ko Vina. Sige na okay na." sabi ko habang nakangiti. Ngumiti rin naman siya at bumaba na papunta sa office niya sa baba. "And Magi and Demi tatawagin ko nalang ulit kayo kapag nakausap ko na 'yung customer na nag-email okay? Base sa email nila last 3 days ngayong araw ang event or I must say mamayang gabi na at 8:00 pm to be exact kaya naman if ever na pumayag pa sila 'di ba?" tanong ko pa sa kanila. "Yes Ma'am! Kayang-kaya po!" masiglang sagot ni Demi habang nakangiti pa ito. "Tama po si Demi Ma'am! Kayang-kaya po! Basta magtutulungan lang po kami and mayroon nang list na mga gusto nilang kainin and ibang details abouts a event po like 'yung mga usual na ilan po ang bisita at ilan ang dami ng lulutuin." sagot naman ni Magi. Very good talaga 'tong mga Chef ko by the way, as an owner of a restaurant ay ofcourse marunong din ako nagluto at nag-aral ako sa international culinary school kaya kapag hindi ako busy ay ako ang nagluluto sa kitchen para sa mga customer and kinikilatis ko rin ng mabuti ang mga staff ko sa ibang branches ng restaurants ko. "Okay then replayan ko na itong email at pwede na kayong bumaba baka kailangan na kayo sa kitchen." sabi ko. "Okay po, Ma'am." sagot naman nilang dalawa sabay lumabas na rin ng office ko at bumaba na. Nireplyan ko naman kaagad 'yung email. "Good day po we're sorry for replying this late because of some technical problems but yes we're able to accept and to cater the event for this evening." reply ko sa email na may kasama na ring palusot. Sana magreply pa ulit sayang din kasi itong event na ito halos nasa 100, 000 din and kikitain namin dito. Habang hinihintay ko ang reply ay nagpakuha muna ako ng kape at ng isang slice ng chocolate cake for my breakfast. Ilang minuto naman habang umiinom ako ng kape ay nagreply na rin 'yung customer. "That's fine. Okay I will send the details. Thank you." napangiti ako nang mabasa ang reply nito. At ilang minuto lang ulit ay nagreply siyang muli. "Here's the list of dishes na gusto namin na i-cater niyo mamaya, Pan Fried Salmon, Oyster Rockefeller, Salmon Steak, Beer Buttered Fish, Tuna Melt, Rum-glade Shrimp, Honey Mustard Roasted Salmon, Seafood Spaghetti, Shrimp Boil Pasta, Pinakbet, Chopseuy, Sipo Egg, Vegetable Salad, Spicy Roasted Chicken, Chicken Piccata and Green Chicken Chili. Kayo na ang bahala kung may idadagdag kayo na ipapatikim sa mga guess. By the way, nasa 25 guests ang darating." Seriously? May idadagdag pa kami niyan dito if ever? But, parang halos lahat ay paborito ko? Halos lahat ng sinend niyang seafood dish ay favorite ko. Ang galing naman. Same siguro kami ng panlasa ng may event. And seryoso? 25 guests lang ang dadating? Nakakaloka naman. "Okay Ma'am thank you for understanding. Kami na po ang bahala. I will contact you nalang po kapag may mga tanong pa kami. Have a great day!" reply ko. Pinatawag ko naman na sila Magi at Demi at inexplain kona rin sa kanila ang gagawin. Mukhang mapapalaban kami sa trabaho mamaya and mukhang kailangan ko rin silang tulungan para mabilis na matapos. "Kaya po 'yan Ma'am! After po natin magsara ng restaurant na mukhang mapapaaga po sisimulan na po namin magprepare ng mga ingredients para sa mga lulutuin na pagkain." sabi ni Demi. "True Ma'am keri ng powers namin 'to! Lavarn!" masiglang sabi naman ni Magi kaya natawa kami ng bahagya ni Demi sa kaniya. Actually parehong kalog 'tong dalawang 'to kaya minsan nahahawa na rin ako sa kanila. "That's good to know! By the way parating na rin maya maya 'yung mga ingredients na pina-order ko and napansin niyo ba? Halos paborito ko 'yung mga nakalista na lulutuin for catering mamaya. I'm just wondering." sabi ko habang pataas taas pa ang kilay. "Ay opo Ma'am! Lalo na po 'yung mga seafoods? Parang kapareho niyo ng taste 'yung may event no? Ang galing naman! What a coinsided!" sagot naman ni Magi. Natawa naman ako sabay sabing, "What? Coinsided? Hahaha." "Ay coinsidence pala Ma'am hahaha sorry na po lutang lang sa dami ng customer kanina." sagot ni Magi habang nakangiti pa ito. "True ang daming customer Ma'am halos magbabarkada nga po sila eh." sabi naman ni Demi. Tumango tango naman ako. "Mabuti naman at madami tayong customer and I'm pretty sure na babalik at babalik sila dito. Makikibalita rin ako niyan sa ibang branches natin sa ibang lugar kung marami ring customers." I said. "Oh siya magpahinga na muna kayo kung wala nang gaanong kumakain para may lakas tayong lahat mamaya." dagdag ko pa. "Thank you po, Ma'am. Basta kapag may kailangan pa po about sa mga lulutuin pakitawag nalang po kami sa kitchen ni Maggie." sagot naman ni Demi sabay lumabas na rin sila. Aayusin ko muna 'yung payment ng customer for now. Mabuti nalang at mabait din dahil baka kung 'yung iba? Baka na-post na kami sa social media na snobber kami or baka humanap na kaagad ng ibang magcacater sa event nila. ITUTULOY...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
95.5K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.2K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
241.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
130.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook