Chapter 5

1814 Words
I still didn't digest those words of Serine. Nakatingin lang ako rito ng deretso, habang nag-iisip ng mga salitang sasabihin ko sa kanya. "Hindi naman sa pinakikialaman kita— baka sa susunod ikaw ang maging dehado." Usal nito sa'kin. Napahinga naman ako ng malalim dahil roon. "Huwag kang mag-alala sa'kin... Hindi naman mangyayari iyon." Matapang kong usal rito. Kahit wala naman kasiguraduhan ang mga pinagsasabi ko. Madami kasing pwedeng mangyari pero ayoko muna iyon problemahin. "Basta hindi ako nagkulang sa paalala ko sayo." Sabi nito sa'kin. "Hindi ba ikaw din." Saad ko rito. Napakunot naman ang noo nito sa'kin. "Girl, magkaiba tayo." May tono ng inis ang boses nito. May pagkakaiba ba? Whenever what we choose, kailangan namin tanggapin ang pwedeng maging consequences. Kasi ginusto naming mangyari iyon. Pero lahat siguro ng takot ko sa puso ay hindi malabong mangyari. Hindi na niya ako muli kinibo dahil doon. Siguro napikon siya. Sinabi ko lang naman sana ang saloobin ko sa kanya. Kinabukasan, nahirapan akong maghanap ng masasakyan dahil tinanghali ako ng gising. Parang sirang plaka ang usapan namin ni Serine sa utak ko. Gusto ko na lang tuloy i-untog ulo ko sa pader para kumalma. While arriving at his company I heard the sounds of my stomach. Hindi na ako nag-almusal dahil baka malate pa ako. Kaya ito ako ngayon— pero siguro mamaya na lang akong lunch babawi ng kain. Habang naglalakad ako ng lobby, nakasalubong ko si Jerome. Hindi ko maiwasan titigan siya dahil may dala dala itong kahon. Ngumiti naman ito ng mahagip niya ako ng mga mata niya. Ilang linggo na din ang nakalipas simula ng mapunta siya sa hospital. I don't have any news about him, but I'm glad for him to fully recover. "H-hi, Miah." Usal nito sa'kin. I just smiled at him back. "Hello, Jerome... Kumusta ka?" sabi ko rito. "Maayos naman na ako.. Salamat pala sa pagdalaw." Sabi nito sa'kin. Napatango naman ako rito. "Mabuti naman kung ganoon.. Ano iyang mga dala mo?" curious kong usal rito. "Ililipat ako ibang branch." Usal nito sa'kin. Bahagya naman akong napatingin rito. "Bakit naman?" tanong ko rito. "Need ng IT doon." Paliwanag nito sa'kin. We didn't even have a long conversation. He didn't even ask me again to go out. Parang hindi ko na din kayang sumang-ayon doon, dahil sa mga nangyari. Though he is fine, there is some guilt inside for what happened to him. Pagkaakyat ko ng office ko— I checked his schedule for today. Medyo madami lalo na at ang daming gustong makipagpartnership sa kanya. Pero hindi lahat iyon gusto niyang i-entertain. "Sir, here's the file that you need to sign.. I already contacted Mr. Pascua for the meeting for today, it is scheduled by 10 am." Paliwanag ko rito. He Is busy checking the file. He didn't even give me any gaze nor emotions. "Cancel it... And tell him I'm not interested in his company." Simple saad nito sa'kin. Hindi na ako nagulat— masyado siyang pihikan sa mga pinipili niyang investor. "Yes, Sir." Saad ko. I see his forehead folded for a little. Siguro may hindi na naman siya nagustuhan. Kita ko kung paano niya bilugan, at sulatan ang binasa niya mga report. Binaba niya naman ito sa kabilang gilid ng table niya. "Tell them to revise it..." seryosong usal nito. Saglit lang ang naging tingin niya sa'kin pero nakaramdam ako ng kakaibang kaba. He looked so disappointed. "Y-yes." Saad ko rito. Umalis ako sa office na dala dala ang mga report na need ayusin. Pinatawag ko na lang ang sila dahil ang dami nito kung ibibigay ko ito isa isa. Kita ko naman ang lugmok karamihan sa mga ginagawa nila. Ayaw ni Sir River ng mga bagay na hindi pinag-isipan. He wanted everything to be perfect, though it didn't happen all the time. Pero mahirap din kasing ipaliwanag kay Sir ang side mo, dahil bibigyan ka niya ng mga salitang hindi mo magugustahan. Kaya umiiyak na lang o napatulala sila, pati naman ako. Pero kahit mahirap ang trabaho, ang laki ng pasweldo at madaming benefits na makukuha, kaya kahit hirap na hirap ka na sa trabaho, wala kang magagawa dahil mahirap maghanap ng magiging bagong trabaho. He is ruthless. He didn't like excuses or complaints. The word "sorry" is not enough for all the stupidity and failures you did to him. He can smile but it happened once of the blue moon. Pero sa kabila noon, hindi magkakaikala na gwapo siya. He is 6'4 foot long. He is handsome— and overflowing appeal. Kahit sino mapapalingon sa kanya. His body is really well crafted. Madaming babae ang naghahangad sa kanya. His eyes can capture your attention and make you feel drowned in his affection. "Are you done?" naigtad naman ako dahil sa pagsasalita niya. Namuo naman ang kaba ko dahil doon. Napaayos naman ako ng upo— at paglingon ko rito nagtama ang mga mata namin. Pero walang kahit anong emosyon akong nakikita rito. "S-sorry, may sinasabi po ba kayo?" usal ko rito. Umiwas naman ito ng tingin at tinuon ang atensyon siya kalsada. May meeting kasi kaming pupuntahan ngayon. "I hate repeating words." Seryosong usal nito sa'kin. Hindi ko maiwasan mapayuko dahil doon. Ang tanga ko kasi— iniisip ko pa siya katabi ko na nga. Pero hindi naman sa ganoon iyon. Nakakainis! "S-sorry, Sir. Hindi na po mauulit " mahinang usal ko rito. Nilalaro ko ang mga daliri ko para maibsan ang kahihiyan na ginawa ko. I heard his smirked. "Stop saying sorry, it won't work." Sabi nito. "S-so— Yes, Sir." Sabi ko rito. Sana pala hindi na ako ulit nagsalita. Ang sabi ng tigilan ko na, pero magsorry na naman ako. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalaro ko sa daliri mo, upang pakalmahin ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko naman sinasadya itong tignan. He is focused on the road. Umiwas din ako kaagad. Wala siyang driver dahil ayaw niya ng istorbo sa buhay. Hindi niya din gusto may ibang gumagamit sa sasakyan niya. Kasi ayaw niyang nadumihan ito o magasgasan. I smell his scents, kaya naman hindi ko maiwasan mapapikit saglit. Halos naiwan ang amoy nito sa dulo ng ilong ko. It was so manly scents. Kinurot ko naman ang palad mo para magising. Kalma ka, Girl. Huminto naman kami sa isang restaurant kung saan niya i-meet iyong magiging business partner nila. Nakasunod lamang ako sa kanya, at hindi na ako nagtanong pa. Where in the private room, and everyone is already set. Pero walang tao kahit isa sa loob. Hindi ko napansin na nakaupo na siya, habang ako nakatuyo lang sa gilid niya. "What are you doing?" takang usal nito. Kaya naman umupo na ako sa kabilang side. Nang maamoy ko ang pagkain, parang lumundag ang puso ko. At kasabay nun ay pagtunog ng sikmura ko. Mabilis naman itong napatingin sa'kin. Kaya naman natakot ako dahil doon. Gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Nakakahiya! Hindi pa nga pala ako kumakain simula kanina. Ang busy kasi. "What does that sound in your stomach?" seryosong sabi nito sa'kin. "W-wala pa iyon..." nahihiyang kong usal rito. "Kumain ka na ba?" sabi nito sa'kin. Nagulat ako ng kunti sa tanong niya. Bakit gusto niyang malaman? Magiging concern na siya kung sasabihin kong "hindi". Syempre imposible iyon. Nag-iisip na naman ako ng mga bagay na hindi naman dapat. "O-opo." Kasabagay nun ay muling pagtunog ng sikmura ko. Gusto ko na lang magpalamon sa kinauupuan ko ngayon dahil sa kahihiyan. Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi mo dahil sa pag-akyat ng dugo ko. Talaga naman! Inaasar mo ba ko! Kasi kung oo, huwag naman ngayon. "Eat." Madiin nitong usal sa'kin. Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "P-po?" Alam kong hindi niya uulitin pero gusto ko lang naman malaman kung tama ba ako ng pagkakarinig. Nilingon ko ito pero busy ito sa cp niya. Iniwas ko ang tingin ko. "Follow me then, instead of asking me." Utos nito sa'kin. Tumango naman ako rito. Kaya naman kumuha na na ako ng pagkain ko dahil nagtutubig ang lalamunan ko sa mga pagkain. Tumunog naman ang cellphone ko. "Mr. Cruz, asked to reschedule the meeting." Tumango lang naman ito sa'kin. He is getting weird, day by day. Kahit binigya na niya ako ng permiso na kumain, nahihirapan pa din ako lunukin ang pagkain. I feel so nervous— dahil hindi ito talaga nangyayari. Lalo na at business meeting, laging may kasama at hindi ganito ka intimidating. Ang bilis ko tuloy mabusog, dahil sa kaba at takot ko. I didn't know, kasi pakiramdam ko gagawa ako ng hindi maganda. "Didn't you like the food." Napatigil naman sa pagnguya dahil doon. Dahan dahan kong sinulyapan ito at deretsong nakatingin ito sa'kin. Kaya ang sakit ng lalamunan ko ng bigla kong lunok. Takte! "H-hindi po... Masarap po lahat ng pagkain." paos kong usal rito. Muli kong tinuon ang atensyon ko sa pagkain. Pinilit ko naman libangin ang sarili ko para kahit paano kumalma. I cannot deny how his presence made me trembled. Nakakabingi ang paligid naming dalawa. At naririnig ko ang ilang mabibigat sa paghinga nito, kaya sumasabay ang kabog ng dibdib ko. Kung hindi ko na kaya hahayaan ko na lang ang sarili kong humandusay sa sahig. At magpapanggap na nahimatay. Hindi ko na talaga kayang ipilit. Kaya naman napainom na lang ako ng tubig. I feel that I'm so full by fear and nervousness. "You done?" sabi nito sa'kin. Mabilis naman itong tumango sa'kin, alam kong sinusuri niya ako. Pero nanatili akong nakayuko, habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. "O-opo." Halos ibulong ko na lang ang sinabi ko. "What food you want?" seryosong usal nito sa'kin. Napatingin ako rito. "W-wala po. Busog naman na po ako." Simple kong saad rito. "Really? I don't think so." Marahan nitong sinubo ang steak. Hindi ako nakasagot sa kanya. I'm just watch him a little moment. Pero yumuko ako kaagad rito. Hinintay ko siyang matapos kumain. Ang hindi ko akalain ay nang ihatid niya ako pauwi. Ito ang unang pagkakataon. Ilang beses akong tumanggi pero hindi siya nakinig. "Magtaxi na lang ako, Sir." Mahina ngunit seryosong usal ko rito. "Don't make me repeat what I've said." May diin ang bawat pananalita nito. Kaya naman mabilis akong sumakay sa sasakyan niya. Kung kanina hindi ganoon kabilis ang t***k ng puso ko, pero ngayon halos magwala ito. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko. When we arrived. Nilingon ko ito bago ako umalis. "S-salamat po." Mahinang usal ko rito. I did a little bow. He just staring at me. Parang may gusto itong sabihin pero nanatili lang itong nakatingin sa'kin. Kaya naman umiwas na ko at tinanggal ang seatbelt. Ayoko ng salubungin ang mga mata niyang walang emosyon. Nakababa na ako. Walang salita, kundi nagmamadaling umalis. Pinanuod ko siyang umalis. Did something happen? Kasi hindi siya ganoon. ______________________________________ Happy Reading, People!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD