Confusion

1080 Words
"You drew a memories in my mind I could never erase. You painted colors in my heart I could never replace." - Perry Poetry ******** Ang tanging dahilan ni Angelo kung bakit siya umuwi ng Azucena ay tignan lamang ang kalagayan ng kanyang ina. Napapadalas na ang paglalasing nito at nakakaranas na ito ng depresyon. Kahapon ay natagpuan niya ito na nakatulog sa sala ng mansyon habang may hawak na bote ng whiskey. Kinarga niya ito at dinala sa master's bedroom. Nang magising na ito ay kinausap niya ng masinsinan. Nakiusap siya rito na huwag magpaapekto sa pinagagawa ng daddy niya dahil makakasama iyon sa kanyang kalusugan. Mabuti naman at nakinig naman ito sa kanya. Nang na siguradong okay na ito at mapanatag ang kanyang loob ay dumiretso agad siya sa kanyang bahay sa Villa Grande. Hindi niya kayang makasama ang ama sa iisang bubong. Mula nang malaman niya ang pambababae nito ay hindi na sila nagkasundo. They always ended up fighting. Maging siya ay nasasaktan sa nangyayari sa kanila. They used to be very closed. Ang dating maganda nilang samahan ay nagkalamat. Hindi niya alam kung ano ang maaari niyang magawa pag nakaharap niya ang babae nito. Hindi niya rin alam kung kailan sila magkakaayos ng daddy niya. Sa palagay niya ay magpapatuloy lang ang kanilang away habang hindi nito ititigil ang pambababae. Pinagmasdan ni Angelo ang paligid ng magara niyang mansyon. Napabuga siya ng hangin. He felt empty. He feels something is missing. Ano pa nga ba ang kulang sa buhay ng isang Seth Angelo Montefalco? Parang wala naman. He has everything this world can offer. Name, power, money, fame, looks. Women are drooling over him, dying to be with him. Men wanted to be on his shoes. He is a billionaire and a certified bachelor. Maraming tao ang pinapangarap ang uri ng buhay na meron siya. His life maybe perfect ngunit hindi siya lubusang masaya. Mayroong puwang sa kanyang dibdib na hindi niya matukoy kung ano. Nasa cocktail lounge siya sa poolside. Alone. Sipping his expensive wine mula mismu sa sarili nilang wine factory. Ipinikit niya ang mga mata, ninamnam ang bawat patak niyon and then smile satisfyingly. Marami siyang iniisip ng mga oras na iyon. Tungkol sa kumpanya, mga naka lign up business transactions and meetings, product shipments, dadaluhang mga importanteng events and conventions here and abroad,at ang kanyang mga magulang.  Ngunit merong pilit sumisiksik sa kanyang isipan. That clumsy woman. Then an image of her flashed before his eyes. Damn. Her face is so impressive he must admit. Okay. That beautiful clumsy woman. Mula kahapon nang makita niya ito ay hindi na ito matanggal-tanggal sa kanyang isipan. Parang nakapagkit na ito sa kanyang balintataw at palagi niya itong nakikita. Pilit niyang balewalain ang kakaibang nararamdaman ngunit habang patagal ng patagal ay lalong sumisiksik ito sa kanyang isipan. He met and bedded lots of beautiful women but no one... Yes NO ONE ever lingered in his mind. His woman comes and goes. They can f**k tonight and part ways the next morning. No string attached. He never landed a woman worth keeping and his relationships only lasted for days. Suwerte na yung makaabot ng one week. That clumsy woman aroused some of his sleeping emotions na hindi niya alam na taglay niya pala. He can still hear his gentle voice at the back of his head. Even her natural sweet scent lingered in his nostrils.  How is that even possible? For Pete's Sake, she's very young. Maybe she's only seventeen or eighteen? Kung sa bulaklak ay nag uumpisa pa lang itong mamukadkad. Hooking up with young girls was never been his cup of tea. Mas prefer niya ang mga mature na babae. Kaya nga nagtataka siya ngayon sa sarili. She's full of life! She's full of colors! He looked so vibrant and spirited. He likes that. He then remembered her well-sculpted body na bakat na bakat sa basa nitong bestida. Her creamy skin. Her legs that run forever.  And... He wonders how it feels to touch her. What?! Napapalatak siya sa naisip. Saan galing iyon? Silly. What are you thinking , Angelo? Kastigo niya ang sarili at napatawa. He made a rough sigh and shook his head. Nais niyang batukan ang sarili. Nais niya mang alisin ang imahe ng dalaga sa isip ngunit paulit-ulit itong dumadaan sa kanyang isipan, like a boomerang. Sunod-sunod siyang napalunok. Di niya maiwasang makaramdam ng pang-iinit ng katawan. Her innocence only makes her more attractive. Parang ang sarap nitong turuan. Obviously, hindi ito aware sa angking ganda. So naive. The feeling of wanting to see that woman is so strong na napapagaling na lang siya sa sarili. She's like a magnet at hinihigop siya nito. Naalala niya kanina, he was taken aback na nakalimutan niya tanungin kahit ang pangalan man lang nito. Napapalatak siya. The Great Angelo Seth Montefalco, nakalimutang kunin ang pangalan ng isang babae just because he was stunned. That's a first! Okay, okay, fine!  Sa palagay niya ay type niya ito. Dahil maganda nga ito, obviously. Pero hanggang doon lang iyon. Period!  Pero bakit may bumubulong sa loob niya na mayroon pang higit na dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon? Damn Damn. Damn. Ibinaba niya ang wine glass sa counter at kinuha ang bote mismo at nilagok iyon til half. He then looked at the clear dark skies. This is ridiculous!  Even the stars are forming her face and it is just crazy. What the hell is happening to him? Is he under a spell or something? Her beauty is so bewitching! Oh c'mon, Angelo. Kulang lang siguro siya sa tulog. He will sleep early tonight at pag gising niya kinaumagahan ay hindi niya na ito maaalala katulad ng mga nagdaang babae sa buhay niya. Napailing siya pagkuway pagak na napatawa. "She's just a woman, Angelo. No big deal." Paalala niya sa sarili. Wala pang babae ang makakabihag sa isang Angelo Seth Montefalco. Wala ******** Expect the unexpected. ******** Want more? VILLA GRANDE SERIES #1: Seth Angelo Montefalco (The One That Got Away) VILLA GRANDE SERIES #2: Harry Fortaleza ( Wilderness) VILLA GRANDE SERIES #3: Lenard Alfonzo Zabini III (Extraordinaire) VILLA GRANDE SERIES #4: Justine Conrad Laxamana (Apollo) VILLA GRANDE SERIES #5: Alexander Tantoco (Bewitched) VILLA GRANDE SERIES #6: Felix Arthur Dela Cuesta (One Night Fumble) VILLA GRANDE SERIES #7: Noah Cleo Romanov (The Possessive Billionaire) VILLA GRANDE SERIES #8: Walter Philip Bernadotte (Under Her Spell) VILLA GRANDE SERIES #9: MaximilSantillanllian (Put on Lock & Key)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD