Serendipity

1129 Words
Serendipity - Luck that takes the form of finding valuable or pleasant things that are not looked for. It is a happy accident. It comes from being in the right place at the right time. ******** Naku. Lagot na. Bumuhos na ang malakas na ulan. Dahil nakalimutan niyang magdala ng payong ay nababad ang kanyang katawan sa tubig at lamig. Bitbit ang mga pinamili ay dali-daling naglakad si Andrea palabas ng palengke. Medyo malayo roon ang sakayan pauwi sa kanila kaya binilisan niya ang mga hakbang. Naku, mahirap pa naman maghanap ng sasakyan pag ganitong umuulan. Papatawid na siya ng kalsada at di niya napansin ang paparating na pulang kotse. Bigla na lang siyang napasigaw nang bigla itong bumusina. "Ay kabayo!" Gulat na napaigtad siya. Nawalan siya ng panimbang at padapang bumagsak siya putikan. Nabitawan niya ang mga pinamili. Diyos ko, muntikan na! Laking pasasalamat niya at hindi siya tuloyang nabundol ng kotse. "A-aray!" Napapikit siya nang makaramdam ng kirot sa kanyang tuhod. Nagkasugat yata siya roon. Akma siyang babangon nang makaramdam nang biglang pananakit ng bewang. "A-aaw." napangiwi siya sa sakit. "Miss!" Narinig niya ang tawag ng isang lalaki na agad bumaba ng kotse. Nasa boses nito ang pinaghalong inis at pag-aalala "Are you alright?" Naramdaman niya ang magkabilang kamay nito sa kanyang mga balikat at dahan-dahan siyang ini-upo. Nakapikit pa rin siya dahil sa kirot na nararamdaman. "Are you hurt?" He asked in a worried tone. "Hey, say something." Ang boses nito ay magandang pakinggan. Yung tipong kagigising lang. Bedroom voice raw tawag doon. It sounded so manly and sexy. Bigla siyang na curious, kaya nilingon niya ito "O-okay lang ak---" naputol ang nais niyang sabihin nang makita niya ang mukha ng lalakeng muntik nang makabundol sa kanya. Nalulon niya yata ang dila. Bahagyang umawang ang kanyang mga labi dahil sa pagkamangha. "Miss?" Muling tawag ng binata sa kanya. "Do you hear me?" Tila biglang natauhan na napatango-tango siya. "A-ah, kuwan... O-oo..." "Next time you need to be careful, okay?" Tanging tango lang ang isinagot niya rito. Nakaramdam siya ng pagka-ilang at agad siyang nagbaba ng tingin. Napasinghap siya nang makita ang mga nagkalat na pinamili sa putikan. Pinalilibutan na rin sila ng mga tao roon na nakikiusyuso sa nangyari. "Ang mga pinamili ko!" Gulat niyang sigaw. Agad siyang kumilos para pulutin ang mga iyon ngunit pinigilan siya ng binata. "Let me." Hinawakan siya nito sa magkabilang siko at itinayo. Pinulot nito ang nagkalat niyang mga dalahin sa putikan. Di nito alintana ang malakas na buhos ng ulan. Hindi mapigilan ni Andrea ang mamangha habang pinagmamasdan niya ang binata. Sa kanyang pagtataka ay ipinasok ng binata ang kanyang mga dalahin sa likurang bahagi ng kotse.  "I will drive you home." Wika nito. Agad siyang napa iling-iling. "Naku 'wag na nakakahiya naman sa----" "No. I insist." Pinal nitong wika at iginiya siya papasok sa kotse. Nais niya man mag protesta ngunit tila nalulon niya na ang kanyang dila. Iniupo siya nito sa tabi ng driver seat. Pagkuway umikot sa kabila at pumasok sa loob ng kotse. "Woah..." di niya napigilang maibulalas pagkatapos mapagmasdan ang loob ng kotse. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakasakay sa ganoong kagarang sasakyan. Mukhang bagong-bago iyon at mabango pa. Saglit niyang nakalimutan ang pananakit ng katawan dahil natuon ang buo niyang atensyon doon. Nilingon ito ni Angelo. Nakita niya na abala ito sa pag usyoso sa kabuuan ng sasakyan kaya hindi nito napansin ang pagkunot ng kanyang nuo at ang pagsilay ng munting ngiti sa labi. She looked so innocent. Neneng nene pa. She's wearing an old flowery dress na puno ng putik. Ang buhok nito ay magulo tila buong maghapon na di nakapag suklay, ngunit bumagay iyon sa kanyang mukha. Actually, it looks good on her. Napailing siya sa kanyang naisip.  Kinuha siyang malinis na towel sa backseat at inabot ito sa dalaga. "S-salamat.." Naiilang na nginitian ni Andrea ang gwapong lalake.  Yes, he is handsome. Very handsome actually. Iyon ang rason bakit siya natigilan nang makita niya ito kanina. Di niya mawari kung artista ba ito o modelo? Dagdag pa ang magandang hubog ng katawan na halatang batak sa ehersisyo. At kung ang gayak lang din nito ang pag-uusapan, halatang may sinasabi ito sa buhay. Pinunasan niya ang mukha na nanlumahid ng putik pati ang mga braso at ang bandang dibdib. "Do I need to take you to a hospital?" Tanong ng binata habang binubuhay ang makina ng kotse. Nang umandar na ay nilingon siya. "Naku, 'wag na. Sa karinderya na lang ng Tiyang Marites ko, Sir." Wika ng dalaga habang abala sa pagtanggal ng putik sa kanyang mukha. He arched a brow. Ngayong wala na itong putik sa mukha ay nakita niya na ang itinatago nitong ganda. Nagulat siya sa natuklasan. Maliban sa di mapagkakailang ka inusentehan, he saw nothing but beauty. A rare breathtaking beauty. Not a typical probinsyana.  Nilingon din siya nito ng mapansing pinakatitigan niya ito. She blushed and it's cute. "Okay lang ba kung magpahatid na lang ako kina Tiyang?" Nahihiya nitong tanong. "Oh." He cleared his throat. "Y-yeah sure." Hindi niya napigil ang sarili na muli itong lingunin at mamangha. Kiming nginitian siya ng dalaga bilang pasasalamat. "Put your seatbelt on." "Ha?" Alam niya ang ibig nitong sabihin ngunit di niya alam kung saang banda huhugutin ang belt. "Paano ba 'to..." Angelo extended his arms to help her. Sa ginawa nito ay nagkalapit ang kanilang mga katawan at mukha. Tinulungan siya nito na ikabit ang seatbelt sa katawan. "There." Wika ng binata pagkatapos. Hindi maintindihan ni Andrea ang sarili ngunit biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway. Napakabango ng binata at hindi niya na pigilan ang sarili na singhutin ito. Ang bango-bango naman... Sa palagay ni Andrea ay mamahalin ang pabango nito. Angelo made a throaty chuckle. Nakita niya kung paano siya singhutin ng dalaga. Tila napahiya naman na namula ang kanyang mukha. Agad siyang nag-iwas ng tingin. "N-naku... S-sorry..." Hingi niya ng paumanhin niya. Muling nagtama ang kanilang mga mata at mas lalo lamang namangha si Angelo. Why is the girl so pretty! He gathered all his strength to ignore such beauty. Ibinalik niya sa manibela ang atensyon at sinimulan ng paandarin ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon. ******** Want more? VILLA GRANDE SERIES #1: Seth Angelo Montefalco (The One That Got Away) VILLA GRANDE SERIES #2: Harry Fortaleza ( Wilderness) VILLA GRANDE SERIES #3: Lenard Alfonzo Zabini III (Extraordinaire) VILLA GRANDE SERIES #4: Justine Conrad Laxamana (Apollo) VILLA GRANDE SERIES #5: Alexander Tantoco (Bewitched) VILLA GRANDE SERIES #6: Felix Arthur Dela Cuesta (One Night Fumble) VILLA GRANDE SERIES #7: Noah Cleo Romanov (The Possessive Billionaire) VILLA GRANDE SERIES #8: Walter Philip Bernadotte (Under Her Spell) VILLA GRANDE SERIES #9: Maximillian Santillian (Put on Lock & Key)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD