The Island Girl

1022 Words
"Believe you can and you're halfway there." - Theodore Roosevelt ******** "Ayan! Tapos na!" Nasisiyahan niyang wika. "Ang ganda!" Pagkatapos niyang tuhugin ang mga pinitas na sampaguita ay ipinatong niya ito sa kanyang ulo. Di magkasya sa kanyang gayak, ay nilagyan pa niya ng gumamela ang kanang tenga. Nasa tabing-dagat sila ng alaga niyang aso, di kalayuan sa tinitirahan nilang barong-barong. Nakaupo siya sa buhanginan habang nakadapa naman ang kanyang aso sa kanyang harapan. "Mukha na ba akong diyosa, Marcus?" Tanong niya sa aso na agad naman nitong sinagot ng sunod-sunod na tatlong tahol. Pagkuway iwinagayway ang buntot at inilabas ang dila. Animoy wiling-wili ito habang pinagmamasdan siya. She laughed and wrinkled her nose. "Gandang-ganda ka talaga sakin ano?" Muling tumahol ang aso at napatawa siya ng malakas. "Ay oo nga pala. Bukas na pala lalabas ang result ng mga nakapasa sa scholarship program ng Juleto's Academy 'no?" Wika niya sa aso. The dog cling his head and looked her, animoy nakikinig at nauunawaan siya. Ang tinutukoy niya ay ang pinakasikat na akademya sa Bayan ng Azucena. Halos lahat yata ng mga may kaya at may sinasabi sa buhay sa kanilang bayan ay doon nag-aaral. Hindi pa siya kailanman nakakatapak doon. Pero ayon sa mga sabi-sabi ay napakaganda raw ng paaralang iyon. Sosyal daw. Kung siya lang ang tatanungin ay wala siyang balak pumasok doon. Hindi siya sanay makihalubilo sa mga mayayaman at baka e bully lang siya roon. "Ewan ko ba kay nanay b'at doon niya 'ko gusto mag-aral. Eh puro sosyal mga nag-aaral doon eh." Simangot niya. Kung hindi lang sa pagpupumilit ng kanyang ina ay hinding-hindi siya kukuha ng scholarship exam sa akademyang iyon. Mas gusto niya sa public school. Less complicated at kauri niya lang din ang mga estudyante. She sighed. Napaisip ng matagal. "Sa tingin mo ba papasa ako, Marcus?" tanong niya sa alagang aso na sinagot ulit nito ng tatlong tahol. Napatawa siya ulit. "Bilib na bilib ka talaga sakin ano?" Aniya at hinimas ang balahibo nito sa ulo. Napapikit naman ang aso. Gustong-gusto nito na hinahaplos-haplos ang balahibo. Maliban sa nanay niya ay si Marcus lang ang itinuturing niyang kaibigan. May mga kaibigan din naman siya sa paaralang pinapasukan niya ngunit hindi siya malapit sa mga ito. Hindi niya pa nararanasan na magkaroon ng bestfriend. "Makakahanap din kaya ako ng kaibigan doon---" "ANDREAAA!" Anang inis na boses na pumutol sa kanyang pagmumuni-muni. Gulat na napaunat siya ng upo nang marinig ang galit at matinis na boses ng kanyang Tiyang Marites. Agad niya itong nilingon. Ayan na naman siya... Hindi na naman maipinta ang mukha nito. Nakabusangot na naman ito habang papalapit sa kanyang direksyon. Hingal pa ito dahil sa laki ng katawan. Ihanda mo na ang eardrums mo, Andrea. "Tiyang kayo po pala----" "Bakit hindi ka pumasok sa karinderya ha?" Agad na singhal nito ng makalapit na sa kanya habang hapong pinunasan ang pawis sa malaki nitong mukha. Pagkuwa'y namaywang ito at niyuko siya. May takal itong tabako sa bibig at napa-ubo si Andrea dahil sa usok mula roon. "Alam mo naman tuwing biyernes maraming dayo, dagsa ang kustomer!" "Eh kase Tiyang ano---" "Manang-mana ka sa nanay mong tamad at batugan! Pagpapaganda lang ang alam!" Bantulot na napakamot siya sa ulo. "Eh Tiyang day off ko po ngayon---" "Day off? Aba! Hoy, sa dami ng utang niyong mag-ina sa'kin di kana dapat nag di-day off! Lalo na at tuwing bakasyon ka lang naman may pakinabang!" Patuloy nitong singhal sa kanya. Sunod-sunod siyang napa ubo dahil sa usok na binubuga ng kanyang Tiyang mula sa hithit nitong tabako. Iniwas niya ang mukha rito. Madami pa itong sinasabi na hindi niya na masyadong naunawaan dahil sa bilis nitong magsalita. Mabuti na lang at sanay na siya rito kaya nagmumukhang musika na lang sa kanyang pandinig ang mga talak nito. "Oh heto!" may inabot itong papel na malamang listahan ng kailangan bilhin at tatlong libong piso. "Mamalengke ka sa bayan!" Napilitan siyang abutin iyon. "O-opo, s-sige po Tiyang---" "Bilisan mo na at baka gabihin ka. Lalo na at may paparating na bagyo ngayong araw sabi sa TV Patrol." Wika nito at pinandilatan siya "Huwag na huwag kang kukupit! At ang resibo huwag mong kalimutan! Nauunawaan mo?!" Lihim siyang napasimangot sa sinabi nito. Kahit kailan naman ay hindi siya kumupit dito. Hindi siya pinalaki ng ganoon ng kanyang ina. "Opo Tiyang." "Pakisabi na rin sa magaling mong ina na kailangan niya ng magbayad sa upa ng bahay. Aba'y tatlong buwan nang hindi nakakabayad!" Talak nito. "Pasalamat kayo at naaawa pa ako sa inyo. Kung hindi eh baka sa kalsada kayo pupulutin!" Nakaramdam siya ng munting kirot sa dibdib sa sinabi nito. Hindi alam ni Andrea kung bakit ganoon na lang ang galit ng Tiyang niya sa nanay niya. Kung ituring niya ito ay tila hindi niya ito kadugo. "Sabihin mo kailangan ko sa susunod na linggo ang bayad niya. Nauunawaan mo?!" Tinanguan niya lang ito. "O-opo---" "Mabuti naman. Oh siya! Aalis na ako." Pinal nitong wika at paismid na umalis. "Ay! Kumare!" Agad nitong tili nang makita ang papalapit na amega. Napailing siya. Malamang chismis na naman ang aatupagin ng dalawang iyon. Katulad ng palagi nilang ginagawa.   Napabuntong hininga na lang siya at napakibit-balikat. "Buhay nga naman oo.." naiiling niya na lang na wika sa sarili. Ang pagnanais niyang bumuti ang buhay sa hinaharap ay mas nag-apoy at nag-ibayo. Darating din ang araw na makakaalis din sila ng nanay niya sa puder ng kanyang tiyang. Balang araw, Andrea. Balang araw... ******** I think they will see each other in the next chapter ❣ Are you excited? Please let me know. ?? Want more? VILLA GRANDE SERIES #1: Seth Angelo Montefalco (The One That Got Away) VILLA GRANDE SERIES #2: Harry Fortaleza ( Wilderness) VILLA GRANDE SERIES #3: Lenard Alfonzo Zabini III (Extraordinaire) VILLA GRANDE SERIES #4: Justine Conrad Laxamana (Apollo) VILLA GRANDE SERIES #5: Alexander Tantoco (Bewitched) VILLA GRANDE SERIES #6: Felix Arthur Dela Cuesta (One Night Fumble) VILLA GRANDE SERIES #7: Noah Cleo Romanov (The Possessive Billionaire) VILLA GRANDE SERIES #8: Walter Philip Bernadotte (Under Her Spell) VILLA GRANDE SERIES #9: Maximillian Santillian (Put on Lock & Key)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD