"There's always a sunshine after the rain." ******** Iyak ng iyak si Andrea. Buhat nang dukutin si Dylan ay halos hindi na ito makatulog at makakain. Ganun din ang Doña na tila magkakasakit na sa pag-aalala lalo't isinugod na naman sa hospital ang Don dahil sa paninikip ng dibdib. Si Paulo naman ay tila mapapauwi nang malaman nito sa America ang nangyari. Halos mag wala ito sa galit at pag-aalala. "Sweetheart..." nilapitan ni Angelo ang dalaga na nooy tahimik na umiiyak sa isang sulok ng kanilang silid. Agad niya itong niyakap nang mahigpit. Nasasaktan siya sa mga nangyayari ngayon sa kanilang pamilya but he needs to be strong. Agad siya nitong nilingon at tiningala. "May lead na ba? May alam na ba ang mga police kung nasaan ang anak natin? Tumawag na ba ang mga kidnappers? Anong

