"Keep going, you're almost there." ******** Nayakap ni Andrea ang sarili nang dumampi ang malamig na ihip ng hangin sa kanyang balat . Nasa lugar na siya na sinabi ni Chuchay. Isa iyong lumang abandonadong gusali. Ayon kay Chuchay ay maghihintay lang siya sa labas at bababa lang ito bitbit na ang kanyang anak. Madilim ang paligid. Wala kang may maririnig na kahit na ano maliban sa ihip ng hangin at kaluskos ng mga dahon buhat sa nakahilirang mga naglalakihang puno ng balete at mahogany. The place looked hunted malamang takot na takot ang anak niya sa lugar na iyon. Mula sa dilim ay natanaw niya si Chuchay na dahan-dahang naglalakad habang hawak-hawak ang kanyang anak. Her heart skipped when she saw her little boy. Ni hindi ito kababakasan ng takot. Dali-dali siyang lumapit sa mg

