Nandito nako sa Karaoke bar na sinasabi ni Jamaica inilibot ko ang paningin ko at hinahanap kung nasan sila pero diko sila makita kaya kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinext si Jamaica
: [ Ica nasan kayo? nandito nako]
: [ Dito Ica natatanaw na nga namin malapit kame sa dance floor]
tiningnan ko naman ang direksyon na sinasabi ni Ica at imbis na si Ica ay nakita ko si Kristen na sumasayaw sa dance floor, agad akong nagtungo sa kanila.
“Ica kanina ko pa kayo hinahanap eh, tyaka kala koba sa karaoke bar eh bakit nandito tayo? si Ten lasing na ata yun oh tignan nyo nga pinag gagawa” nag tingnan namn si Mae at si Ica at nag tawanan ang mga to
“Ano ba Zyn kaya nga tayo nandito diba para mag enjoy” May tama na din tong si Ica dahil pa pikit pikit na ang mata
“Oo para mag enjoy kaya tumagay kana Zyn ito oh bottoms up ha” kinuha ko naman ang binigay ni Mae
“Yan good girl zyn maiwan ko muna kayo ni Ica ikaw na bahala sa kanya ha puntahan ko lang si Ten nag wawala na eh” timingin ako sa dance floor at natatawa nako sa pinag gagawa ni Kristen. Ininom ko ang natira nilang bote mga 2 bote pa ito tinagay ko nalng ito na mag isa dahil tumba na si Ica si Kristen at Mae namn ay nag paalam nang umuwe, tinawagan ko nadin ang boyfriend ni Jamaica para sunduin sya dito. Maya maya pa ay dumating na si Gerald.
“Ohh Zyxine pasensya kana ha.. mauna na kame ni Jamaica ingat ka pauwe” tumango tango nalng ako dahil hirap nako mag salita pa
“Zyn babyeeeeee...” nag Wave hand pa si Jamaica
“Ano ba Jamaica umayos ka nga uuwe na tayo... sige na Zyxine” umalis na ang dalawa kaya ako nalng ang natira dito.Nang maubos ko na ang dalawang bote ay nag desesyon nako na umuwe na.
12am na ng Gabi kaya wala nang masakyan kaya no choice ako kundi mag lakad may ilaw namn sa daan kaya sure akong safe ako. Biglang bumuhos ang ulan kaya nag tatatakbo ako para humanap ng masisilungan
“Ayy pu*chaa bakit kasi umulan kung kilan wala akong dalang payong” patuloy padin ako sa pag takbo hanggang sa napagod nako kaya nag lakad nalng ulet ako. Naramdaman ko na hindi nako nababasa ng ulan kaya tinignan ko kung tumila na pero nagulat ako dahil may lalaki sa likod ko may hawak syang payong
“Miss umuulan baka lagnatin ka” hinarap ko ang lalaking nag salita ngunit pag harap ko ay bigla akong na out of balance mibilis nyang pinulupot ang kanyang braso sa bewang ko at ang isa ay naka hawak sa braso ko, halos magkalapit na ang mukha namin, nabitawan nya na ang hawak nyang payong kaya parehas na kaming basang basa ngayun. Ilang minuto kaming nanatili sa posisyon na yun. Parang huminto ang oras nung sandaling saluhin nya ako hindi namin inalintana ang malakas na ulan. Pinag masdan ko ang mukha nya kagaya kanina seryoso padin syang nakatingin sakin, napansin kong dumako ang tingin nya sa labi ko...dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko at ipinikit nya ang kanyang mata, unti unti ko ding ipinikit ang mata ko nang maramdaman ang labi nya dahil nga lasing ako hinalikan ko sya pabalik ngunit agad ko namn syang tinulak nang matauhan ako.
“Sorry mauna nako" agad akong tumakbo palayo sa lalaking diko namn kilala,
“Sandali lang miss ” hindi ko na sya nilingon pa at nag patuloy parin ako sa pagtakbo.
“Ano bayan Zyxine nakakahiya ka bat ka nakipag halikan sa dimo namn kilala nakakadiri ka! sinayang mo ang first kiss mo sa dimo namn kilala ano ba namn yan ang malas ko namn” inis kong pinag hahampas ang sarili ko dahil sa katan*ahan na ginawa ko kanina. Naka uwe nako at nakapag bihis nadin matutulog na sana ako kaso ayaw ako patulugin nung lalaki kanina hindi sya maalis sa isip ko pati nadin ang first kiss ko nakakainis talaga kasalanan to nila Jamaica. Sana lang hindi ko na sya makita. Nag patugtog nalng ako para kahit papano ay makatulog ako at mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina.