First day of school ngayun kaya maaga akong nag handa at inayos ang sarili ko 5:30 palang namn at 7:30 pa start ng klase. Malayo ang pa namn ang school dito kaya kilangan kong sumakay pa ng bus papunta don.
“Cringgg" May tumatawag nakita ko nag pop sa screen ang name ni Alfred
“Ohh Alfred ang aga mo naman napatawag"
“Tara na sabay na tayo pumunta sa school, nasa labas ako ng dorm mo"
agad namn akong nag tungo sa pintuan at binuksan ito
“Ang aga mo namn hahah" lumabas nako at inilock na ang dorm ko at nag lakad lakad nadin kame sa hallway.
“Syempre ate first daw of school eh kilangan maaga tayo" Tumingin sakin siya sakin at napahinto sya sa pag lalakad
“Bakit may dumi ba sa mukha ko?" lumapit sya sakin at yumuko ng kaunti kase mas matangkad sya sakin.
“Bat may mayonnaise kapa sa labi mo HAHAHA" pinahid nya ito gamit at hinlalaki nya at isinubo ito
“Chiken spread yummy hahah" hinampas ko sya sa balikat nya
“Dami mong alam tara na nga may kasalanan kapa sakin kagabi” Tumawa naman sya ng nakakaluko.
Kakatapos lang ng first class ko at tumatambay ako ngayun sa cafeteria wala pa si Mae dahil siguro dipa tapos ang klase nito. “Ang tagal namn ni Mae d paba sila tapos sa klase nila"
“Ateeeee" sigaw ni Alfred may bitbit itonh try na may pagkain
“Oh Alfredoo Vargass anong ginawa mo dito?" Tumabi ito sakin at inilapag ang dala nitong pagkain
“Ate naman Alfred nalang kase ang pangit ng Alfredo nag mukha akong matanda eh 18 palang ako" sumimangot ito bago dumampot ng fries na dala nya
“Hahahah sige na mauna nako Alfred mag sisimula na second class namin" tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko sa table
“ Atee namn kakadating ko lang eh d mo ba ako sasabayan?" Umiling ako at tinuro ang orasan ko
“Look 3 minutes nalng mag sisimula na ang klase ayaw ko malate sorry Alfred next time hahah okaya sabay tayo mamaya street foods Tayo ako taya, Sige na bye bye" Hindi na sya naka angal pa dahil umalis Nako agad.
“Miss Zyxine Villarreal kung gusto mo matulog dun ka sa clinic may kama don" medyo nawala ang antok ko sa sigaw ni Ms.Cruz, nag tawanan pa ang mga kaklase ko
“Sorry ma'am hehe" nag peace sign pa ako tyaka nag pa ngiti ngiti
“Okay back to the topic.." madami pang sinabi si ma'am medyo matagal ang klase namin kaya na bored lang ako. Natapos na ang klase uwian na kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Alfred
: [Alfredo ano uwian nyo naba hintayin kita sa gate]
: [Dipa 5 minutes pa ate hintayin mo ako ha]
: [Okie:)]
matapos ay tinabi ko na ang cellphone ko sa bag at inayos na mga gamit ko.
“Zyn tara mag karaoke kasama sila Jamaica at si Kristen ay si Mae din pala sasama, sama ka ha.." Wika ni Ghina.
Pinag iisipan ko kung sasama ako kase na ngako nako kay Alfred na mag street food kame baka mag tampo na sakin yun pag hindi kame natuloy.
“Sorry Ghina hindi ako makakasama na ngako na kase ako na sasamahan ko sya” nginitian ko sya, napa simangot nmn sya
“Ganon ba sige sige next time nalang" Si Ghina Jamaica at Kristen ay kaklase ko din nung senior high hanggang ngayun si Mae lang ang na pahiwalay samin ng section
“Hoy Zyn sumama kana ngayun lang tayo ulet nag kita kita bale reunion natin to" tinapik pa ni Jamaica ang balikat ko
“Sorry talaga Ica nangako nako kay Alfred eh" kilala na din nila si Alfred dahil minsan na silang nag gagawi sa dorm ko.
“Edi gumala muna kayo then sunod ka samin divahhh" may pag ka maarte nyang sabi kaya napatawa nalng ako.
“Sige sunod nalng ako, byee see you later guyss” nakipag yakapan pako bago umalis. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at sinilip kung may massage, nakita Kong may 2message mula kay Mae at Alfred una Kong binuksan ang message ni Alfred
: [Atee nandito nako nasan kana?]
: [Atee hintayin kita Dito] kanina pa siguro ito nag hihintay sakin
: [Sige malapit nako..] Nilibot ko ang paningin ko at hinahanap si Alfred pero di sya mahagilap ng mata ko.
: [Nandito nako Asan ka?]
Bigla nalang may humawak sa magkabilang balikat ko.
“Bulagaa..!…”
“Hesusmariahuse ano ba namn yan Alfred papatayin mo ba ako?” medyo nangiyak ngiyak ako dahil sa takot
“Sorry Ate hahaha... oyy umiiyak ka?”
“Ikaw kase eh wag mo na uulitin yun ha papatayin talaga kita”
“Oo haha sorry na, Tara na ate nagugutom nako eh” Hinampas ko sya sa balikat nya napa daing namn sya na Akala moy nasaktan talaga.
“Sige na Alfred hndi na muna tayo mag sasabay may lakad pako eh” napahinto naman si Alfred sa pag lalakad nya at lumingon sakin
“San ka pupunta ate zyxine sama ako” nag pa cute pa ito na parang bata
“Hindi pwde Alfred nag ka yayaan na mag karaoke kasama mga highschool classmate ko” ngumuso namn sya
“Okay text moko ha pag tapos na kayo susunduin kita” Agad nama akong umiling sa alok nya ayaw ko nang makaabala pa
“Wag na sige na may bus na ingat ka pauwe bye” niyakap ko sya at sumakay na sa bus.