Allison
Nagbihis na kami ng pang-arnis at saka pumunta sa gym. Pumila na kami at saka umupo ng maayos. Inaantay kasi namin si Ms. Linda, P. E. teacher namin na ubod ng sungit kasi wala pang lovelife.
"Kinakabahan na ako." Sambit ni Sy
Try out kasi namin 'to at kung sino ang makakapasa ay didiretso sa second level kung saan may makakalaban kang mas magaling kaysa sa makakalaban mo ngayon. Project din namin at the same time. Kaya ganun na lang ang kaba nitong batang 'to.
"Kinakabahan ka din ba?" Tanong niya
Tumingin lang ako sa kanya at nagkibit-balikat. May pagka-snob din kasi ako minsan, e.
Makalipas lamang ang ilang minuto, dumating na si Ms. Linda kaya sabay-sabay na kaming tumayo at nagpugay sa kanya.
"One!" Sigaw niya at kaming lahat ay humarap na sa aming mga makakalaban. Malas ko nga kasi si Eilish ang makakalaban ko.
"Two!" Sigaw niya at kaming lahat ay nagpugay sa aming mga makakalaban.
"Three!" Huli niyang sigaw at kaming lahat at humarap na muli sa kanya.
"Pair one!"
Pumunta na sa harapan si Sy at ang kalaban niyang si Tin.
Magaling si Sy pero nakita ko na ring mag-arnis si Tin kaya masasabi kong mas magaling ang kalaban ni Sy kaysa sa kanya. Pero hindi din naman natin masasabi. Malay natin nagpractice ng panibagong taktika si Sy para matalo ang kalaban.
"One!"
Nagready na sila.
"Two!"
Nagbigay pugay na sila.
"Three!"
Nagsimula na ang laban.
Jusko po! Kinakabahan ako para kay Sy. May pagka-nega din ako, e. Kasi naman unang strike pa lang niya toplak na. Hay naku! Paano na kaya yun. Sinabi ko sa kanya abangers muna siya tapos kapag umatake na yung kalaban tsaka niya i-block yung baton ng kalaban tapos toplakin niya na yung kabila. Hay naku! Aywan ko sayaw!
Tumagal ang laban at hindi nga ako nagkamali. Toplak nga si Sy. Hay nakaw! Ayawan ko sa batang ire at hindi tinandaan yung mga tinuro ni Miss Zendelle. At oo na nanaman! Si Miss Zendelle ang nagtuturo sa amin pero hindi niya alam na miyembro kami ng Dark Side.
Umupo na siya sa likod ko at inihilamos ang palad sa mukha.
"Talo ako" mahina niyang sambit.
Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit si Eilish.
"Once a loser, ALWAYS A LOSER"
Tiningan ko naman siya ng masama pero parang wala lang sa kanya.
"Alam mo ikaw, Eilish namumuro ka na sakin!" Banta ni Sy with matching duru-duro pa.
Pero tinaasan lang siya ng kilay nitong babaitang 'to at nagthumbs down pa at inulit ang salitang "loser" sabay tingin sa akin, sa amin.
Makalipas ang ilang minuto, tinawag na ang last pair at kami ni babaitang Eilish yun at habang papunta kami sa harapan, may binulong siya sa akin.
"Once a loser, always a loser"
Tss. Paulit-ulit, teh? Hay naku!
Nang makarating na kami sa harapan, muling sumigaw si Miss Linda ng "One!"
Nagready na kami.
"Two!"
Nagbigay-pugay na kami.
"Three!" Nagsimula na ang laban.
Agad niyang tinira ang kaliwang sintido ko pero agad ko iyong binlock at siya naman ang tinira ko pero naharangan niya rin iyon. Tss. Testing. Testing. Testing. Halatang hindi nakapagpractice ng isang taon. Pagbawi pa nga lang sa baton niya ang lamya na. Hay naku!
Nang papalapit na sa akin ang baton na hawak niya'y agad ko iyong binlock at hinawakan ng mahigpit at saka pinaikot ng hawak ko dahilan para mabitiwan niya ito at nang mangyari nga iyo'y saka ko na itinutok sa kanya ang baton ko.
Nagpalakpakan naman ang mga classmates namin at pati na rin si Ms. Linda. Whoa! First time niyang pumalakpak sa mga laban namin.
Gaya ng kanina, pinaikot kong muli iyon sa aking kinuran at saka nagbow. Pero si Eilish, nanatili lang siyang nakatayo doon at tiningan ako ng masama bago bumalik sa kanyang pwesto.
"Very good, Allison! Ngayon lang ako nakakita ng stunts na ganun!" Papuri niya sa akin at kasabay noon ang pagpalakpak muli ng mga estudyante dito.
Nagbow naman ako sa kanya at bumalik na sa pwesto.
"Ang galing mo talaga! Hindi tulad ng iba jan. Hay naku! Sino kaya sa inyo ang loser ngayon?" Panimula ni Sy.
Hindi lang nagsalita si Eilish at kinuyom ang kanyang dalawang kamay. Tss. Ang laking pagkapahiya ng nangyari sa kanyang yun.
Zendelle
"May panibago tayong target at twenty-five billion U. S. dollars ang bayad sa atin kapag nagawa natin yun ng malinis at walang dumi." Panimula ko.
Nagtanguan naman sila sa sinabi ko.
"Pero sino ang target?" Tanong ni Seb
"Ang target natin ay walang iba kundi si Prince Kyle ng England."
Nanlaki naman ang mga mata nila sa sinabi ko.
"At bakit?" Tanong naman ni Andrew
"Utos sa atin ng kapatid niyang makakatunggali niya sa pwesto na si Prince Deil." Sagot ko naman
"Pero nababantayan ng seventeen personalized robots ang target natin kaya mahihirapan tayong patayin siya." Tugon ni Marian
"Ngayon, eto na ang plano."
Inilatag naman ni Ryan sa meeting board ang blueprint ng Green Castle.
"Dito ang kwarto ng target." Sambit ko sabay turo sa kaliwang bahagi ng third tower ng palasyo.
"At tuwing 7:00 pm lang siya nanjan. Tago ang totoong kwarto ng prinsipe dahil na nga sa dami ng banta sa buhay niya."
Tumindig naman ako at isa-isa silang tiningnan.
"Andrew, Kyle, and Jin, kayo ang magbabantay sa palace gates. Marian, ikaw ang magha-hack ng computerized robots para mapatay ang system nito. Seb and Dion, kayo nang bahala sa guards at Elise, Zennaiah, Kylie, kasama niyo si Allison sa pagcorner sa target. Kami naman ni Ryan ay maiiwan dito. Hihintayin namin ang feedback niyo at kami na rin ang gagawa ng report para maibigay iyon kay Prince Deil."
Napatango silang lahat sa mga sinabi ko.
"Gagawin natin ang assassination sa Friday, April 24, two days before the Grand Ball. So, aalis kayo dito ng April 22 at makakarating doon ng April 23"
Tumango naman sila sa lahat-lahat ng mga sinabi ko.
Allison
Tinanggal ko na ang earpods ko nang tapos ko nang pakinggan ang plano at nakinig na sa harapan.
"So, tayo ang mga nanalo!" Utos ni Miss Linda
Sumabay naman ako sa pagtayo ng iba pang mga nanalo na sina Tin, Rik, Luna, Elisa, Terrance, Mike, Will, Drake, at Dan.
"Kayong sampu ang nakapasa sa try out kaya diretso na kayo sa Second level."
Nagtanguan naman sila.
"Bukas ng 5:00 pm, ganitong oras din, dumiretso kayo sa gym 2 ng campus at maghintay para sa panibago niyong challenge. Yun lang. You may now go back to your classroom."
Sabay-sabay naman kaming tumayo at nagpugay sa kanya bago bumalim sa aming classroom.
---
"Sa Saturday doon muna kayo sa mga condo niyo magstay hanggang Sunday kasi may police observation dito at gusto ko malinis ang bahay na 'to para hindi nila tayo mapaghinalaan." Paliwanag ni Miss Zendelle habang nasa sala kami.
"Yes maam!" si Kyle.
"Tapos sa Monday ulit ang balik namin dito" si Marian
"Yes, as always naman. Mag-a-advance nga lang kayo sa Saturday kasi may police observation dito." Sagot muli niya.
Sa bahay ni Miss Zendelle ang headquarters namin. Tuwing Monday to Saturday kami nandito at tuwing Sunday lang kami umuuwi sa mga sari-sarili naming bahay. Napaaga nga lang this Saturday kasi nga may police observation. Nakakapanghinala naman kasi kapag 12 kayong nakatira sa iisang bahay tapos hindi naman kayo magkakamag-anak.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aaral ng archery. Sabi kasi ni Kuya Ryan, napapractice daw ang focus mo kapag naggaganito ka at tama naman siya. Eto ngayon ang kinakarir ko kasi tapos na ko sa baril so dapat mano-mano naman ang sanayin ko.
---